Mai Reica's PoV
"Subukan mong magsumbong at papatayin kita! Pati na ang kapatid mo! Naiintindihan mo!" Tumango ako ng tumango bilang sagot sa tanong niya.
Takot na takot ako pero hindi ako makasigaw o umiiyak man lang. Nakakatakot ang panget niyang pagmumukha. Ang naninilaw niyang mga mata, ang malaking ilong niya na kasing lapad ng kamatis, ang bunganga niyang sobrang baho at ang amoy ng katawan niya na hindi ko na 'ata kakayanin sa sobrang baho.
"Tandaan mo. Wala kang nakita. Papatayin kita kapag may nakaalam sa nakita at narinig mo!!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatanaw sa katawan niyang sinlaki ni Shrek.
Natatakot ako. Takot na takot. Nanginginig na nga ako sa sobrang takot pero bakit ayaw tumulo ng luha ko?!
Idinilat ko ang mga mata ko. Nangapa ako sa dilim. Wala akong makita sa sobrang dilim.
Nahigit ko ang hininga ng biglang may humawak sa leeg ko at sinasakal ako. Nagpupumiglas ako pero ayaw matanggal ng kamay niya na mahigpit na nakakapit sa leeg ko. Pakiramdam ko mababali ang leeg ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
"Hayop ka! Papatayin kitang babae ka!" Sigaw ng isang tinig na halatang nagmumula sa isang malaking tao. Naluluha ang mata ko sa sobrang higpit ng hawak niya.
"Ah..." Munting tinig na lumabas sa bibig ko.
Nangangapos na ako sa paghinga at kumakati ang lalamunan ko. Nandidilim na din ang paningin ko.
"Aaaaaaahhhh..."
Napabalikwas ako ng bangon at habol-habol ang hininga ko. Napahawak ako sa leeg ko.
Its just a dream. No. Not a dream. Its a nightmare.
"Kailan pa?" Mahina kong tanong sa hangin. Nangangapos pa din ako sa paghinga ng biglang lumabas ang kapatid ko galing sa banyo.
"Oh! Ate Mai! Anong nangyari sayo?! Bakit ambasa basa ng mukha mo?!" Tarantang tanong ni Sam ng makita niya ako. Nagpupunas pa siya ng ulo pero napatakbo siya kaagad sa harap ko.
Awtimatiko namang napahawak ako sa mukha ko. Basa nga.
"Ah. Wala wala. Sige na. Magbihis ka na. Ihahatid na kita sa pier. Maliligo lang ako." Sabi ko na lang at nginitian ang kapatid ko. Tumayo na ako sa kama at kinuha ang tuwalya ko. Naglakad na ako papunta sa banyo ng nagsalita si Sam.
"Ate, hindi ako ganun kabobo kung inaakala mo. Alam kong bumalik na naman ang mga masasamang panaginip mo." Napatigil ako sa paglalakad ng dahil sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya at umiling.
"Nah, wala na kaya. Hindi na bumaba----"
"Stop lying! Alam mo bang halata ka kapag nagsisinungaling?! Hawakan mo yang buong katawan mo?! Basa! Isa lang ang ibig sabihin niyan! Ate naman! Binabangungot ka na naman! Sabihin mo na kasi ang nangyari nung ara----"
"TAMA NA! I ALREADY TOLD YOU! WALA NA! WALA. NA.MAHIRAP BA INTINDIHIN 'YUN?!" Napasigaw na ako sa sobrang paghihisterikal ko sa sasabihin niya. Kitang kita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha ng kapatid ko kaya kinalma ko ang sarili ko.
I sighed.
Pinalambot ko ang ekspresyon sa mukha ko at nilapitan siya. Nakatungo lang siya at nakatingin sa sahig.
"Samantha..." Tawag ko sa kapatid ko at hinawakan ang pisngi niya tapos iniangat ang mukha niya.
"Okay lang ako. Okay? Iba ang napaniginipan ko. Promise." Pinilit kong maging sincere ang boses ko para paniwalaan niya ang kasinungalingan ko. Ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved
Ficção GeralI look into her eyes and cupped her face to look me on the eyes too. "This certain woman in front of me. I assure you, she will be loved despite of all what she did, what happened in her past and who she came from. I don't care because I just loved...