Chapter 2

15 1 1
                                    

"I'm sorry, Mija, but we're leaving you here." biglang sabi ni Daddy na nakatingin sa akin.

Halos maibuga ko na yung kinakain ko. I mean, seriously? Iiwan nila akong mag-isa dito sa napakalaking bahay. What the hell should I do? Naisip ko bigla si Mommy ...

"Dad, I get it. Mom doesn't want to see my face anymore. Ok fine, she doesn't care about me nor love me anymore. And it's all ... my fault." tumayo na ako at iniwan si Daddy at yung pagkain ko, hindi ko pa nga nakakalahati eh. But that doesn't matter, mas masakit isipin na iiwan nila akong mag-isa dito.

Dumeretso na ako sa kwarto ko at nagkulong. At siyempre, umiyak nanaman ako. Thinking, Yeah, it's all my fault. Ako nalang sana yung nawala, siguro kung ganun yung nangyari, hindi magiging ganyan si Mommy, and to think she'll be happy kung ako yung namatay at hindi sa Ate Maisie. Gabi gabi nalang ganito, umiiyak hanggang sa makatulog.

*knock knock*

"Mija.." si Daddy nasa may pintuan ko, "Can I talk to you..please?" 

Hindi ako sumasagot... katok ng katok pa rin si Daddy.

"Marianne, I know you're still up, I can hear your sobbing."

I had no choice but to open the door. Dad hugged me, and kissed my forehead. Umupo kami dun sa sofa sa kwarto ko.

"Marianne, alam ko mahirap. Think about this way, maybe this is the only way para maka-get over ang mommy mo sa nangyari. And by that, baka bumalik na siya sa dati." panimula ni Daddy.

"Dad, I get it. Kung bumalik man siya sa dati, alam ko, she will still hate me for what happened, kasi hinding hindi maaalis sakanya na nawala yung anak niyo." sabi ko with sobbing.

"Hey, wag kang magsalita ng ganyan. Anak ka rin namin hindi lang si Maisie. And don't think na hindi ka niya mahal, kasi I know, deep inside of her, mahal na mahal ka niya. Huwag mo rin sisisihin ang sarili mo sa nangyari kasi wala namang may gusto na mangyari yun eh."

Wala na akong masabi, I'm just hoping na sana totoo yung mga sinasabi ni Dad. I just hug my dad, "Thanks Dad, for being with me."

"Of course, I will be always be with you, mija." kiniss nanaman niya ako sa forehead. "Hindi naman kita iiwan dito mag-isa eh, nanjan naman ang mga Macumas mo, diba? I'll leave the house to you, pati na rin yung dalawang kotse sa labas, i'll leave that to you, I'll also raise your allowance every week. And I'll always find time to call you."

At ayun, after niyang sinabi yung mga yun, nag-good night na siya sa akin kasi I need to sleep na daw. Natulog na ako, iniisip na I'll have this house, the cars and the money but still I'm not happy.

- - -

The Next Day

Nagising ako ng maaga kasi 8:30 ang start ng class ko ngayon. Dumeretso ako ng banyo and ginawa ang dapat kong gawin, tapos I changed into simple blouse and tight skinny jeans and paired up with 6 inches wegde gucci sandals. Kahit ganito ako ka depress, siyempre I have time to beautify myself.

Bumaba na ako for breakfast. "Macuma, saan po sila Daddy?" kasi napansin ko na wala pa sila sa dining area, usually kasi kumakain na sila pag ganitong oras eh.

"Young lady, hindi niyo po alam?" what does she mean na hindi ko alam? Tinignan ko siya ng confused face.

"Umalis na po silang papuntang airport kaninang madaling araw, Young Lady." WHAT? Hindi man lang sila nagpaalam sa akin? Or nagpakita man lang bago umalis? Hindi ko naman alam na ngayon yung alis nila. I thought by next week or month pa, pero ngayon?

"Ay, eto po pala, pinapabigay ni Madam Olivia." from Mommy? Kinuha ko naman agad ung sulat at binasa .

By the time you read this, siguro nakasakay na kami ng eroplano. Too bad, you can't come. Oh who am I kidding, I don't even want to see your face. I hope you enjoy your life without us. Good Luck.

Well, na-hurt ako doon sa 'I don't even want to see your face' part. Pero, kahit ganun, napangiti ako. Kasi kahit itong disturbing letter, is galing kay Mommy, ibig sabihin, naisip pa rin niya ako before they go. Aiyst .

Ano pa ngang magagawa ko? I think it's time to be on my own, kahit masakit at mahirap. Kumain na ako ng breakfast tapos dumeretso na ako sa sasakyan. Yes I drive, buti nga hindi ako masyadong nagkatrauma sa nangyari, and I'm only 17 pero may student's license naman ako. I'm on my way to school.

- - -

Pagkalabas ko ng sasakyan ko, as expected lahat ng mata nakatutok sa akin. Tss, I'm getting tired of this. Minsan pa nga, may lumalapit sa akin at tinatanong kung anong pangalan ko tapos pag sinagot ko ng "Marianne Linna Bellefonte", makikipagkamay tapos tatanungin "Can we be friends?"

They only want to be friends with me because of my last name not for who I am. And I'm sick of it.

Pumunta na ako sa first class ko which is Philippine History. Wala pa yung prof, doon ako sa pinakalikod umupo, wala lang, gusto ko lang laging mag-isa kasi ganun naman talaga. My parents leave me alone. I don't have REAL friends, kasi nga they only want my last name.

Dumating na yung prof. Ah, I almost forgot, first year college na pala ako taking the course of Business Management, kasi ako nalang daw ang nag-iisang tagapagmana ng Bellefonte Companies, kasi nga nawala na si Ate.

Nag-lesson lang kami at ayun tahimik lang ako sa likod. Nagtuloy tuloy yung mga class ko, then lunch break na, 2 hours ang break ko. Pumunta na ako sa cafeteria.

- - - 

Cafeteria

Bumili ako ng pagkain then umupo doon sa bakanteng table. Tss, parang wala akong ganang kumain. Tinititigan ko lang yung pagkain, at alam ko marami nanamang nakatingin sa akin. Ang boring ng buhay ko.

"Miss, hindi mo ba kakainin yan?" nagulat nalang ako nang may tumabi sa akin.

"Pardon?" tanong ko naman sakanya, kasi hindi ko naintindihan yung tanong niya.

"Ah, eh, I sed that is that food will you not eat?" ha? ano daw? is that even a sentence?

"Ano?" tinagalog ko nalang yung tanong ko.

"Aiyst! Nagtatagalog ka pala, pinahirapan mo pa akong mag-ingles! Tss.Sabi ko, kakainin mo ba yan? Kung hindi, akin na lang kasi kailangan kong lumafang?" napangiti ako. Kakaiba to sa mga kumausap sa akin.

"Oh sige, sayo na. Parang gutom na gutom ka na eh." binigay ko na sa kanya.

Sinugod na niya yung pagkain using her bare hands. OMG! I can't believe this, to be honest she looks like a ... pretty pig!

"Ah, eh, hehe .. halata bang gutom ako? ehehe" napansin ata niya nakititg ako sakanya, unbelievable.

"Ah, Ako pala si Raeis Mair Martinez (pronounced as Raise Meyr) Ikaw?" tapos inabot niya sa akin yung kamay niya na may kanin. Can you believe this girl?

"Ah eh, Marianne Linna Bellefonte" sabay tingin sa kamay niya, napansin ata niya kaya pinunas niya sa damit niya yung kamay niya. Kakaibang nilalang toh.

Inabot ko naman kasi, 'nakakahiya' naman sakanya.

"Nays meeting you Marianne." wow! Himala, hindi ata niya napansin yung last name ko, kaya napangiti ako sakanya.

"OY RAEIS! Anjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! Dali may practice tayo!" sigaw nung lalaki sa likod namin na halatang napagod. Tumayo naman si Raeis at nagpaalam.

"Ay peste! Sabi nang wag na wag akong iistorbuhin kapag chumuchibog ako eh, sige Marianne, sa muling sandali. See yaaaah!!" kakatuwa naman yung babaeng yun . Hehe

Aiyst. MAG-ISA nanaman ako. Pumunta nalang ako sa library para matulog.

This TemporaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon