Marianne's POV
Uhmmmmm, one word
AWKWARD!
Parang may mali akong nararamdaman, I don't know, it just makes me feel weird. But to be honest, Raeis' brother is so cute. HAHA!
"Ma, si Marianne po pala kaibigan ko po."
there. pinakilala ako ni Raeis sa Mama niya. At yung si Tita tuwang tuwa kasi daw laking pasalamat niya at nagkaroon din ng kaibigang babae si Raeis. So it's true that she never had a girl friend?
"Buti naman at kinaibigan mo si Raeis, puro na nga lalaki yung kaibigan niyan eh, kala ko magiging binata na toh eh." pagbibiro ni Tita Rosie, yun nalang daw itawaag ko sa kanya.
Habang tumatagal naman eh I'm feeling comfortable, wala na yung feeling ko na awkward, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng friend tapos pinakilala pa ako sa parent niya, oh diba?
Pinakain naman nila ako nung color brown na parang kanin na pinatigas, ano na ba yung tawag dun? Ehhhhh , AH! Kakanin daw yun, nung unang tingin ko nga doon parang ayokong kainin, pero biglang sinubo sa akin ni Raeis with her BARE HANDS! Take note: Hindi pa siya naghugas ng kamay. AS IN YAKKSSS! >___<
"Oh ano? Masarap diba?" tanong sa akin ni Raeis na nakatitig sa akin. Si Tita Rosie naman ganun din, parang hinihintay nila yung comment ko.
*Nguya ........ nguya .... nguya ...*
SILENCE.
--
Sa Isip ko ..
Ano ba naman ito? Pagkain ba ito? Parang nung isang taon pa ito naluto eh? Ang lagkit! Dumidikit sa ngipin ko. Arghh!
--
"Ah, ehhhh , masarap nga ito! Hehehe! Tita, masarap." sabi ko na lang sa kanila habang malapad yung ngiti ko kahit na sa totoo eh ayoko yung lasa
Hindi naman sa maarte ako ah, pero mapili talaga ako sa mga kinakain ko. Yun kasi yung turo ni Mommy, nakasanayan ko na din eh.
"Tsk." napalingon ako kay Raeis, ang sama ng tingin niya sa akin. ermmm
"Ay naku iha! Buti naman at nagustuhan mo. Parang first time mo lang ito natikman ha?" tanong sa akin ni Tita Rosie na nakangiti. Nagiguilty tuloy ako.
"Oo Tita, ngayon ko lang po ito natikman. Hehe."
Ngumiti si Tita, "Eh, Marianne, matanong ko nga, anong complete name mo?" and I did not see that coming, pano nalang kung sinabi ko yung buong pangalan ko, baka mashock sila o kaya the will treat me like a princess nanaman . Tss
"Marianne Linna Bellefonte po, bakit ho?"
"Ohh, wala lang. Isusulat ko lang sa diary ko, ikaw ang unang kaibigang babae ni Raeis eh. AHHAHA! I'm so proud! ^__________^" muntik na ulit mahulog ulo ko sa sahig. Akala ko naman kung ano, tsaka diary? Nagdadiary pa pala ang matatanda? Hihi, pero atleast for them, my last name doesn't ring a bell
"Pero, Bellefonte? Parang familiar yung apelyido mo, nabasa ko ata o narinig"
Sinabi ko ba na doesn't ring a bell? Tsk! Ayan na natunugan na apelyido ko, how frustrating!
"Ma, baka naman Del Monte yun, yung brand ng mga delata, ano yun, ung mga pineapple! Mama talaga oh!" pagsasabat ni Raeis! Del Monte? Haha, adik talaga toh basta pagdating sa pagkain
"Ah! Oo! HAHA! Del Monte nga! HAHA! PASENYA NAMAN ANAK DIBA!!?" sabi ni Tita na tumatawa habang pinapalo si Raeis, natawa naman ako dun. Ang kulit nilang mag-ina
Nakakainggit. >___>
- - -
After namin magchikahan at kumain, di ko namalayan na gabi na pala. Masyado ko sigurong naenjoy ung company nila, sa bahay kasi wala akong makausap, yung mga Macumas kasi andaming ginagawa.
"Sige po Tita, alis na po ako. Salamat ulit ng marami." pagpapaalam ko kay Tita habang kumakaway.
"Ah sige iha, mag-iingat ka ha? Hatid ka nalang ni Raeis doon sa may kanto. Baka mawala ka pa eh." tapos tinulak niya si Raeis.
Lumabas na kami ng bahay, tumahol nanaman yung mga aso, basta makikita ako tatahol ganun? Nang biglang sumigaw ulit si Raeis.
"PANGIT! BEAUTY!! SEXY!! TUMAHIMIK NGA KAYO, GAWIN KO KAYONG PULUTAN EH!" O__O ano daw?
"Uy Raeis, ano?"
"Ahy! Hindi ikaw. HAHA! Kinakausap ko yung mga aso, ang ingay nila eh, baliw ko noh? Para namang naiintindihan nila ako. HAHA! Ay yun pala si Sexy.." tinuro niya yung kulay brown na aso, oo nga noh, ang sexy nung aso, payat eh . :D
"Si kuya nagpangalan niyan sakanya, bakit? Para daw pag may dumaan na sexy sa harap ng bahay, sisigaw siya ng SEXY! Tapos pag lumingon daw yung babae, lalapitan ni kuya yung aso. AHHA! Baliw talaga si kuya. Para-paraan eh!" natawa ako dun sa pag-explain niya, adik rin pala yung kuya niya, halatang malakas ang trip.
"Ayun naman si Beauty," tinuro niya yung puting aso, "Si kuya din nagbigay ng pangalan sa kanya, ganun din yung dahilan niya, pantawag sa chiks."
"Eh yung isa?" tanong ko tapos tinuro ko yung itim na aso na hinahabol yung buntot niya
"Ah, yan si Pangit!' tapos tumawa siya
"Kuya mo nanaman nagpangalan?" tanong ko
"Hindi. Ako yung nagpangalan jan, para pag may dumaan din na pangit sa harap ng bahay, sisigaw din ako ng PANGIT!! Pag lumingon yung tao, lalapitan ko din yung aso para kunwari pakainin. HAHAHAHA!" Normal bang mga tao ang mga ito? Lakas ng trip ng magkapatid eh. HAHA.
"Lakas ng trip niyo ng kuya mo ah, HAHA! Mga adik kayo."
"Sayang nga namatay si Chicken eh," bigla niyang sabi
"May alaga din pala kayong manok? Bakit namatay? Kinain mo noh?" binatukan naman niya ako tapos ngumiti
"Baliw ka ba? Kelan ko sinabi na manok si Chicken? Aso rin siya, si Mama nagpangalan sakanya." WHAT? Weird naman ng pamilyang ito oh! May pinagmanahan naman pala sila.
- - -
Hinatid na ako ni Raeis sa park, sabi ko doon nalang niya ako ihatid kasi andun yung kotse ko. Nagulat naman siya kasi may kotse ako. Hehe
"Oh sige, paalam na Marianne, ingat ka ha?" ngumiti si Raeis.
"Salamat Raeis ah? Hehe, sige bye bye. Ingat ka din, alagaan niyong mabuti sila Pangit, Beauty, at Sexy para hindi matulad kay Chicken." pagbibiro ko, nginitian ko din siya tapos pinaandar ko na yung sasakyan, tumingin ako sa side mirror nakita ko si Raeis kumakaway
"BYE MARIAAAAAANNNE!!! WAG MONG KALIMUTAN YUNG T-SHIRT KO HA!! PALITAN MO YUNG SININGAHAN MO! INGAAAAAAAAT KA!!!" ayan para siyang baliw na sumisigaw dun, pero napangiti ako.
Now I assure, I have a true friend named Raeis Mair Martinez.
- - -
A/N: Hi po! Comments? Sorry if it's not good, I'll try hard for the next update. Thanks for reading eh? GOD bless, smile lagi po :DD
#LexieOnTheGo:D

BINABASA MO ANG
This Temporary
Teen FictionOo nga, mayaman ka, maganda ka, mabait at matalino. Nasayo na ang lahat, pero you think you'll be happy if LOVE never came into you? Kakayanin mo ba na mabuhay kung ang gusto lang sayo ng mga tao sa paligid mo ay ang kayamanan mo lang? Let's see wha...