Chapter 5

17 0 2
                                    

- - -

Raeis Mair's POV

"Corny. Sige Raeis, may class na pala ako. Next time ulit" pagpapaalam ni Ms. Band-aid sa akin, nginitian ko nalang siya tapos napansin ko na inirapan niya si Jin. 

May naaamoy akong mapanghi sa dalawang yan, naamoy niyo rin? Parang may biology sa pagitan nila, tama ba yun? or Physics? Aba malay ko sa ganyan!

'

Hayst! Nagugutom ako. Ay hi nga pala, ako si Raeis Mair Martinez, tawagin niyo nalang akong Raeis, yun bang "You RAISE me up, so I can stand on mountains." Napakanta ka noh? HAHA! 17 palang ako. At ayun nga dito ako nag-aaral, sa eskwelahan ng mga mayayaman.

Hindi naman kami mayaman eh, may scholarship lang akong natanggap sa pagiging member ko sa banda. Ehh basta, bakit ko ba kinikwento buhay ko? Eh hindi pa naman ako nag-aapply ng trabaho? BASTA, MAHAL KO ANG PAGKAIN. Bow.

"Raeis, bakit naman di mo sinabi sa akin na may kaibigan kang ganun kaganda?" nagtanong si Jin. As if you care? Oh diba, ingles yun!

"Sino ka naman para i-share ko mga tao sa buhay ko aber? Magkakilala na nga kayo eh diba? So para saan pa? Tsaka utoy, ngayon lang kami naging magkaibigan." pageexplain ko

"Ah" - ang haba haba ng sinabi ko, yan lang isasagot niya? Gago pala talaga toh eh. Aish!

"Kayo, kailan pa siya minalas na makikilala ka?" tanong ko sa kanya, kasi parang ang tagal na nilang magkakilala eh.

"Anong malas ka jan? Kapal mo, kanina rin lang, natapunan ko kasi siya ng juice eh." 

"Eh ang alam ko, sinasadya mo lang yun!" - aba't kilalang kilala ko na itong si Jin eh, magkababata kami niyan.

"Ah.. eh. Ha?" SUS! Nag-iisip nanaman siya ng palusot

"Umamin ka na kasi utoy, kilala kita."

"Oo na! Sinadya ko yun para mapansin ako. Ang ganda niya kasi eh, na-love at first sight na ata ako eh." =____=? Korny ?

"Love ba ang tawag mo na pagtapon ng juice? Pag-aaksaya yun, kung sana binigay mo na lang sa akin yung juice, may napasaya ka pa ng bongga!"

"Tss. Kahit kelan talaga Martinez, baboy ka! Wala na kasi akong maisip na kakaibang paraan eh. Buti na nga lang hindi siya nagalit." - tapos biglang ngumiti. Hayy, Jin .. kapag ngumingiti ka, yung mga mata mo, pisngi mo, mga labi at mapuputi mong ngipin, yang mukha mo, lalong

PUMAPANGIT! Wahahahahahaha!! Nakakasuka, pero sayang yung mga kinain ko kanina kung isusuka ko lang. Kung pwede lang wag na siyang ngumiti. PANGET!

"Kakaiba talaga yung si Marianne, siya lang kasi yung lumapit at nakipagkaibigan sa ..." hindi ko pa tapos sasabihin ko, umepal yung gago

".. isang baboy tulad mo? WAHAHAHAHA!" pagsasabat niya. Tsk! Kung makatawa parang Shrek! Kaasar.

Hala sige, tawa pa Jin. Tawa pa! 

"AHHH! errrk .. pweh! pweh! pweh!" AHAHAHAHA!! Ang lakas kasi kung  tumawa ang luwang din nung bunganga, hulaan niyo ginawa ko ...

Binuhusan ko ng tubig yung nakabukas na mouth niya. As in yung buong laman nung bottled water!  AHAHAHAHAHA!! Ubo na siya ng ubo. Karma. HAHAHAHAHA! 

"Yan ang bagay sayo, panget!" sabay hampas ko sa ulo niya tapos umalis na ako.

- - -

This TemporaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon