Chapter 4

23 2 0
                                    

This guy sitting beside me is unbelievable. Kanina lang gentle man na gentleman yung dating  eh. Tapos ngayon, akala mo kung sinong sikat? The EF! Nakakaturn-off naman yun, hindi naman sa gusto ko siya ah.

“Miss, baka may pumasok na langaw sa bibig mo.” Back to reality.

“Thanks for your concern, by the way” sarcastic na sabi ko sa kanya.

“Alam mo, I have to admit, kakaiba ka, kasi normally, kapag ang babae natapunan ng juice or what, sobrang nagagalit na sila, yung tipo bang sirang sira na yung araw nila. Pero ikaw, you’re calm and you forgive easily as if nothing happened.” Kalalaking tao naman nito ang daldal masyado. Hindi rin siya FC ano?

“So you’re saying na I’m not normal?” Parang ganun kasi yung meaning niya eh, diba?

“Yes, but in a good way and I kinda like that.” Sabay nag-wink siya sa akin. YAK! Buti na lang at dumating na yung prof namin sa Management.

- - -

Tapos na ang klase sa Management, buti naman at hindi ganun kadaldal yung katabi ko pag may lesson. Infairness, matalinong bata si Jin, lagi siyang nag-rerecite, and every recitation niya kinikilig yung mga babae na nakapaligid, except ako siyempre.

Nagugutom ako kaya naman pumunta ako sa cafeteria. Nakita ko may isang babae dun na ang daming kinakain, tinignan ko siya ng malapitan..

“Ikaw si Raeis, diba?” tumingin naman siya sa akin na nakangangang mouthful. Ibang klase, babae ba ito? Nag-nod naman siya tapos nilunok yung nasa bibig niya.

“Oh ikaw pala Marianne, tara kain tayo.” Tumabi naman ako sakanya, I have this feeling na komportable ako sa kanya.

“Anong gusto mo? Kuha ka lang jan, hehe.” Tinuro niya yung mga pagkain na nagkalat sa lamesa. Lagi ba tong gutom? Kumuha naman ako ng bread stick na puno ng butter.

“Sorry ah, feeling close ako” sabi ko kay Raeis.

“Ayos nga yun eh, may kumakausap na sa akin na babae. Alam mo ba, ayaw sa akin ng mga maaarteng babae, ewan ko ba, parang nandidiri sila sa akin, kaya halos lalaki yung mga kaibigan ko.” Pagpapaliwang niya habang ngumunguya, buti nga naintindihan ko pa eh.

“Mabuti na rin yun, at least may kaibigan ka pa rin, diba? Ako nga walang friends eh” napatingin siya sa akin na parang nagtataka siya

“Sinong niloko mo? Itsura mo pa nga, halatang marami kang kaibigan eh” sabi naman niya sa akin

“Honestly, wala talaga, swear”

Binato niya ako ng bread rolls, rolls naman ngayon, kanina sticks. Nagtaka naman ako bakit niya ginawa yun. “What was that for?” tanong ko sa kanya

“Hoy ikaw ah, wag mo nga akong iniingles ha? Lam mo namang mahina ako jan eh. At yung pagbato ko sayo, simbolo yun ng bagong pagkakaibigan.” Ano daw? Weird talaga ito noh? Pansin niyo?

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Mula ngayon, magkaibigan na tayo. Ok? Ako na ang una mong kaibigan, at ikaw naman ang una kong babaeng kaibigan.” Nagsmile siya, maganda siya pero matakaw.

"Talaga?" hindi ako makapaniwalang kinaibigan niya ako hindi dahil sa Bellefonte ako.

"Oo naman," nagsmile ulit siya tapos nagsubo ng malaking tinapay. Now this weird girl beside me  is officially my friend, and I like that.

This TemporaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon