Chapter 6

29 1 0
                                    

This is dedicated to Cutenina15 .. You are my first reader dito sa story na ito. Thank you for your time reading it. :DD Always SMILE :)

- - - - 

"Oh, bakit ka umiiyak?" nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. I was like .. err frozen or something. Pinunasan ko muna yung mga luha ko tapos lumingon

"Raeis?" siya pala, akala ko naman si Ate. I mean, hello? Wake up Marianne.

"Oo ako nga bakit ka naman nagdradrama jan ha?" tanong niya sa akin habang tinatali yung shoelace niya, seriously?

"Ah? Wala to. I think something went into my eye." pagdedeny ko sabay tumingin sa clouds.

Then suddenly,

"OUCHH! What was that for?!!" gulat na tanong ko kay Raeis, eh paano? bigla ba daw akong batukan. 

"Pinapadugo mo loob ng ilong ko eh, sabi ko naman sayo wag mo akong iniingles diba? Harujusko!" sabi niya habang kinakamot niya yung tuhod niya.

"Ah, pasensya na."

"Pero di nga, ano bang problema at nageemote ka dito?"

"Wala nga, tsaka bakit nandito ka? Sinundan mo ba ako?" 

"Ngee, hindi noh. Loka! Tambayan ko dito pagkatapos lahat ng klase ko." tapos tinitigan niya ako nang napakatagal, don't tell me lesbian toh at naiinlove na sa akin, oh no!

"Akala ko ba magkaibiga na tayo. Alam ko may problema ka, nakikita ko jan sa mga mata mo. Pwede mo naman akong paglabasan ng hinanakit eh," after she said that, parang biglang nakahinga yung puso ko ng maluwag, and somewhat naiyak ako.

"Raeis kasi, I just... I just .." yumuko ako, "miss my mom," there umiyak na talaga ako, I'm expecting Raeis will be hugging me pero

"Aray ko *hik* naman *hik* Raeis!" reklamo ko na may pahikbi hikbi pa, eh binatukan nanaman niya ako eh, umiiyak na nga ang tao babatukan pa, I mean, who does that?

"Sabi ko wag mo akong iniingles diba? Hay naku, pero, sige naintindihan ko. Ano bang nangyari? Saan ba nanay mo, aber?" 

Tignan mo tong babaeng toh, kailangan ko ng comfort tapos kung makapagsalita parang nanghahamon ng away? Ibang klase

Pero kahit ganun, sinabi ko sakanya lahat ng nangyari simula nung aksidente ni Ate hanggang sa nangyari kanina sa parking lot. While I'm letting out my problems, Raeis is there beside me, being a good listener. Iniiwasan ko na nga mag-english eh. Para akong tanga dito umiiyak.

"Ah, eh Marianne, sorry ah, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa kasi naranasan yang mga yan," tinap naman niya yung shoulders ko, ako naman umiiyak pa rin

"Uy, tahana, pumapangit ka na oh, teka .." napansin ko namang parang may hinahanap siya, kinapkap niya yung mga bulsa niya, kinalkal yung bag niya. Ano namang hinahanap nito?

Napansin ko naman na binatukan niya yung sarili niya, what's with her by the way?

"Ang tanga ko talaga, hindi pala ako nagdadala ng tissue o kaya panyo, may gana pa akong maghanap sa mga gamit ko, tanga mo Raeis!" sinasabi niya habang patuloy niyang binabatukan sarili niya, natawa naman ako dun. Tumingin naman siya sa akin

"Marianne," lumapit siya sa akin, tapos nilalapit niya yung t-shirt niya sa akin

"Eto oh, dito ka nalang magpunas oh suminga sa t-shirt ko, wala akong panyo eh, hehe." nahihiyang sabi niya. And by that, napatawa nanaman ako.

"Kakaiba ka talaga." tapos ngumiti ako, then suminga sa t-shirt niya. Haha, what? I can't reject her offer, it's limited!

Raeis' POV

Ay talagang tinotoo? Heller! Nagbibiro lang ako eh, siningahan talaga niya yung shirt ko, as in rinig ko talaga yung harurut ng ilong niya. Favorite shirt ko pa naman ito

"Marianne, salamat ah? Tinotoo mo talaga" sarcastic ko na sabi sa kanya

"Ikaw rin naman tong nag-offer, kaya tinanggap ko na, limited edition eh." natatawang sabi niya, hayyyy ayos lang, atleast ngumiti na siya.

"Sige na nga, basta palitan mo tong shirt ko ah, kadiri ka! Halika na nga, may pupuntahan tayo" bigla bigla ko naman siyang hinila, for sure na-feel niyang muntikan ng mabali yung kamay niya. Haha!

Marianne's POV

Do I look like a rope? Etong si Raeis, bigla bigla nalang nanghihila. May pupuntahan daw kami, saan naman kaya? Hindi naman siguro sa mall kasi mukha namang hindi siya yung type na shopaholic.

"Saan ba tayo pupunta?" 

''Sa puso ko. CHAROT!" makalumang-corny-pick-up-line lang ang peg nito?

Ayun nga, no choice ako kundi sundan nalang siya. Ang layo naman, pagod na ako, teka yung sasakyan ko pala naiwan sa may park. Hindi naman ako sanay sa ganito eh, naglalakad ng napakalayo.

"TENTENENENTENEN!!! Andito na tayooooooooo!" nakikita ko isang maliit na bahay na may napakagandang garden, infairness ang daning flowers!

"Saan ito?" tapos biglang may mga asong tumatahol, wow! Andameng aso dito, tatlong askals. Nagulat nalang ako nung biglang sumigaw si Raeis

"PANGIT!!! BEAUTY!!! SEXY!!! " ha? mapanglait? sino namang sinisigawan nito? Napansin ko, after niyang sumigaw, nanahimik ung mga aso. Weird right?

Binuksan ni Raeis yung parang gate, tapos pumasok na kami doon sa bahay. Simple siya pero malinis naman.

"Ma,Kuya, nandito na po ako." ahhhh so that means, bahay nila ito?

May lumabas naman na isang lalaki, matangkad, macho and not to mention pero gwapo siya,

"Oh, bakit parang may bago sayo ngayon ha Parae?" tanong ni lalake obviously kay Raeis

"Ano kuya?" ahhh kuya niya palaaaaaaa ehhhhh

"May kasama kang babae? Parae, himala yun. HAHAHA!" Well this is kinda awkward

"So, bakit? May problema ba dun Prads?" tumingin naman sa akin si Raeis tapos hinila niya ULIT ako palapit sa kuya niya

"Prads, si Marianne nga pala, kaibigan ko. Marianne, si Kuya Raden pala," tapos binatukan ni Raeis si kuya Raden

"Hello po." siyempre binati ko naman siya with po, magalang ako eh.

"Wag ng po, hindi naman ako masyadong matanda eh. Pwede mo kong tawaging Rads" this is really awkward. It's my first time meeting a friend's relative, seriously.

"Halika Marianne, papakilala kita sa aking mother dear." at HINILA ULIT ako ng napakalas na kamay ni Raeis.

- - - 

This TemporaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon