[POV: Mirshis Minela]
"Alice, pano pag di ka bumalik?"
"Hihintayin mo ba ko Julius?" Nagsimula nang tumulo ang luha niya. Hinaplos ko ang mukha niya. Napailing na lang ako. "Okay lang naman sakin kung hinde ka makapaghihintay eh. Basta maging masaya ka lang, masaya na din ako." Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang lumakad papunta sa sasakyan.
Nagsimulang umulan at—
"CUT!! Ano ba yan Misis? Ang bagal mong maglakad. Naabutan ka na ng 'ulan' oh! Break nga muna tayo." Pinatay na yung hose.
Napabuntong hininga na lang ako. Parang hinde ako nakahinga kanina eh lalo na at.. *lingon kay Ethan pero nahuling nakatingin sa kanya kaya napabalikwas* haist, grabe lang. Buti nga at hinde ako kinakain ng kaba ko kanina. Kasi naman ii, ang gwapo niya at ang galing niyang umarte! Sabi ko nga sa sarili ko kanina, sana totoo na lang yung nangyayare kanina. (_ _)
"Hey." Tapos may naramdaman akong may nagpatong ng towel sa balikat ko. Paglingon ko.. asdfghjkl. o_O
"H-hey." Napakapit ako sa laylayan ng towel ko. God, please wag niyo Kong hayaang mapahiya sa harapan niya.
"Ayos ka kanina ah. Galing." Tapos ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Hay.. Ba't ba ang gwapo ng nilalang na to.
"Oy ha! Ikaw din kaya. Para ngang totoo yung nangyayare eh! HAHAHA" nawala yung ngiti sa mukha niya. Taena yan Misis. Ano ba kasi yang pinagsasasabi mo!? Napatungo na lang ako sa kahihiyan.
"HAHAHA Oo nga!" Tapos inakbayan niya ko. Sa gulat ko, napatingin ako sa braso niyang nakaakbay sakin tapos sa kanya. "Pwede naman diba? Tutal close naman na tayo. Diba?"
BINABASA MO ANG
The Gangster Received a Love Letter
Teen FictionNainlove ka, gusto mong ipahayag na gusto mo siya, nagsulat ka ng LOVE LETTER, sa sobrang excited mong mailagay yung love letter sa locker niya, nailagay mo sa maling LOCKER pa! Tapos malalaman mong.. ang nakakuha nung LOVE LETTER mo ay.. isang GANG...