Love Letter 28

468 12 0
                                    

"Misis, bibili ka na ba ng lunch?"-Keb




"Bili mo nga ako ng milktea Misis."-Ian habang inaabot ang bayad niya sakin. Nakita ko namang napailing na lang si Vin sa kanilang dalawa.




"Misis, di mo naman kelangang sundin ang dalawang yan."-Vin





"Hinde oks lang. HEHEHEHE" Tumayo na ko at pumunta sa counter. Sinundan naman kagad ako ni Ethe. "Oh, dun ka na lang."




"Ako na lang magdadala sa kanila. Tutal, kasama din naman ako sa kasunduang to." Tapos nginitian niya ko kaya napatingin na lang ako sa unahan ako. He's doing it again.. -_-




Okay, about dun sa kasunduan na sinasabi ni Ethe, napasubo kasi eh. Kaya ginawa kaming alalay nina Ian at Keb. Dapat ako lang eh, kasi ayaw ko namang sabihin nila kay Danje yung false lie na yon at baka mag-away pa sila. Nag-insist naman tong si Ethe kasi daw involved siya don kaya heto kami.. *sigh*




Pagkaorder, bumalik na kami sa table namin. Hinahanap niyo ba readers si Danje? Aba malay ko. At mabuti na rin to. At least hinde ako mahihirapang magpacharming kay Ethe. -////////////////////-




"Asan nga pala si Danje? Ba't parang nowhere to be found nanaman?" Tanong ni Vin habang hinihiwa yung karne niya.




"Nasa funhouse." Sabay subo ni Ian ng kanin. Cool mo boy, chickboy lang..




"Tss, ano nanaman kayang problema non at nandon?"-Keb




"Tumawag sakin kanina, tinanong ko din yan. Sabi niya wag ko daw sabihin sa inyo. Eh tinatanong niyo kaya sasagutin ko lang tanong niyo." Uminom muna siya ng tubig. Sumubo muna din ako, tagal ng rebelasyon eh. XD Tss, interisado ka din naman Misis.. >.>




"Bilis na, ano yun?" Kinuha ni Vin yung bote ng tubig kay Ian. Tinignan lang siya ni Ian ng masama.




Tinuro ako bigla ni Ian. "Hindi daw kasi siya pinapansin ni Misis." Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko bigla. NASAMID AKO. Help! T.T

The Gangster Received a Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon