Love Letter 23

549 15 0
                                    

"Sure ka bang ayos lang sayo kung mauuna na ko?" Tumango ako.





"Oo naman. Ikaw naman, peg na peg mo naman ang pagiging magsyota natin. May gusto ka sakin no?" Tapos ay tumawa ako ng tumawa. Nang mapatingin ako sa kanya, nahuli ko siyang nakatingin sakin ng seryoso sabay tawa bigla. O.o?





"Uuna na ko. Ingat." At dali-dali siyang umalis. Okay, weird. *shrugs shoulders* 





Nagsimula na kong pasukin yung eskinita papunta sa apartment nang maramdaman kong parang may sumusunod sakin. Lumingon ako pero wala namang tao. Binilisan ko ang lakad ko at narinig kong may mabilis na paglakad sa likod ko. Oh my god ano ba to? SINO BA TO!? Napatigil ako nang harangin niya ako bigla. Hinde ko makita ang mukha niya first of all kasi nakahood siya at second, taliwas siya dun sa ilaw sa poste. Pero ang sure ko? Babae siya kaya alam kong hinde niya ko sasaktan.





"Sino ka?" Pero hinde niya ako sinagot at hinigit niya lang ako sa kamay. "O-oy. Bakit? Bitawan mo nga ako."





"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan." At natahimik nga ako.




Hanggang sa makarating kami sa 7/11. Tinanggal niya ang hood niya at.. OoO





"I-ikaw?" Sabay turo pa sa kanya. Umupo siya dun sa isang mataas na upuan.





"Wag kang mag-alala. Hinde kita sasaktan. Hinde ko pa kayang gawin yon." Tinuro niya yung katabing mataas na upuan at umupo naman ako dun. "Siguro naman kilala mo na ko, but I'll introduce myself na lang. People call me Rianne, but I prefer Kylie more. Kapatid ng leader ng Black Society, I know alam mo na ang tungkol dun."





"Ano bang kelangan mo?"





"Gusto kong layuan mo na si Danje." Napatameme ako kaya tumuloy siya sa pagsasalita. "Kung ayaw mo pang madamay sa mga gulo ng gang namin at gang nila. At para na rin to sa kapakanan ni Danje. Alam kong nandon ka din nung binugbog si Danje ni Kuya. Dahil yon SAYO." Sabay turo pa sakin.

The Gangster Received a Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon