Love Letter 29

497 12 0
                                    

[POV: Dominique Alcantara]




"Ba't ganun sila?" Bulong ko kay Hamster habang tinitignan yung tatlong nasa harapan namin.




"Hinde ko din malaman ang sagot." Sabi niya habang inaayos ang cap niya.




Bigla namang tumabi sa kaliwa ko si Vin.




"Napansin niyo din pala."-Vin




"Anong nangyayare? Ba' t si Ethe na ang laging kasama ni Misis? AT BA'T PURO SUGAT AT PASA NA LAGI ANG MUKHA NI DANJE?" Yeah, I'm always like these readers. Sorry. (_ _)




"Tarsier, bawas-bawas ng kain ng matamis ha?"-Keb




"Ang alam ko, lagi nang nakikipaglaban yang si Danje. Hinde namin alam, nalalaman lang namin pagkabalik na niya ng funhouse,"-Vin





Tumabi naman sa kaliwa ni Vin si Ian. "Alam mo, may kutobs ako.." Eto si Pabitin King eh. -___________- "May ginawa tong si Sir kay Misis. Kaya nakikipaglaban siya ng mag-isa. Pero dahil wala siya sa wisyo, hinde siya nakakalaban ng maayos. At itong si Ethan, ang naging sandalan at laging kasama ni Misis." Napatingin ulit kami dun sa tatlo.




Ano nga bang nangyayare sa kanila? Ba't si Ethan na ang laging kasama ni Misis at hinde si Danje na boyfriend niya? Hiwalay na ba sila?




[POV: Mirshis Minela]




"Nakatingin siya satin." Sabi ni Ethe tapos  umiinom ng tubig habang nakatingin sa field.




"Hayaan mo siya. Wag mo nang tignan." Sabi ko habang naka-ubob. Andito nga pala kami sa may soccer field, nakaupo lang sa mga damuhan. Nanunuod kami nung laban ng dayong school tsaka school namin. Si Mak panlaban ng school namin.




"Ano nga kasi yun? Ayaw pa sabihin eh."

The Gangster Received a Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon