6thDance~ LAST and FIRST
>"reika's POV"<
kinaumagahan, september 30. last day ng september.. hay, mamimiss ko ang buwan na to! :')))
may activity sa club namin ngayon. after lecture, proceed agad kami sa mga gagawin. present din si cedric at jake nun. kasama ko si iris pero hindi kami pareho ng station. ang ka station ko ay sina cedric at jake.
pagpasok ko, tumayo lang ako sa gilid. reserba kasi ako. ako yung lumipat ng schedule kaya ako dapat ang maghintay kung meron pang bakanteng pwesto. kaya hindi ko alam ang gagawin ko. T^T
Ang cute nga e. Nag-sisignalan lang kaming tatlo. kesyo umupo na raw ako. e nahihiya ako kaya steady lang sa pagtayo. -__-
Upo. :)
hindi pa naman nagsisimula ang pagbibilang, napapasulyap ako sa pwesto niya... (>////<) kyaaah! baliw ka na! pag ikaw rei namali sa trabaho mo, alam mo na kung sino sisisihin mo!! SIYA!! hahahaha. -___-
Nauna ang grupo namin na matapos, kaya nauna na akong umalis. bago pa man ako lumabas ng room, sinenyasan ako ni jake na hintayin daw siya sa baba.
Naghihintay din si iris sa labas ng kapilya sakin. naabutan kong kausap niya si kuya vic. Andun din si kuya gino, kaso iba ang kausap.
"Crush na crush ko talaga siya rei!" sabi ni iris sakin ng lapitan ko. Si kuya vic naman umalis sandali.
"Sino?? Kuya vic?"
"oo. (>///<)"
"Ahh.. crush lang naman. alam ko naman kung sino mahal mo."
"oo nga e. haay."
iba kasi ang crush sa like. at iba rin ang like sa love. ;)
Bumalik si kuya vic sa dating pwesto at pinagkukurot ako.
"Ba't ako??! ayan si iris o! Maraming taba!" sabay tingin kaming pareho kay iris.
"Grabe!!"
"haha. peace!! ^___^V " di naman talaga ganun kataba si ice, chubby lang. XD
Sumunod na lumabas si cedric. Ilang minuto pa, lumabas na rin si jake.
Awkward pa rin yung dalawa.. pero kailangan ipakita ni jake na bati sila ng utol niya. Yun yung pustahan kagabi! :) Kailangan hanngang mag Oct.3 papansinin niya si cedric na parang walang nangyari. Kung hindi, ililibre niya kami ni ice ng CORNETO!! tig isa pa kami! :D Pero kung nagawa naman niya, siya ililibre namin. Sana lang di niya magawa... bwahahaha! >:D
Kumuha ng maiinom si ice kina kua vic, malapit lang kasi bahay nila dun. Uminom na rin ako pati si jake. cenxa na, uhaw e.
"Uy, ano na pala yung sa intermission number?" tanong ni jake. Oo nga pala, sa Oct.3 din kasi ang General Assembly ng SS at ako halos ang nagmamanage ng intermission.
"Ganito yun... diba yung crush na crush kita na song? Yung OST sa palabas ng ABS-CBN.."
"Oo.. anu yun?"
"Ako, ate elaine, ikaw at si cedric ang bida. ;)" sabi ko.
"Ha?!! ..hmm.. sige sige. Go ako!"
Bumalik kami sa dating pwesto kung saan naroon si cedric at kua gino. Binigay din ni jake yung isang baso ng tubig kay cedric. Kinuhanan din kasi niya siya ng tubig. kakakain lang namin ng cassava cake nun e. Sweet no? PLASTIK!! XD
Natatawa kami ni ice habang tinitingnan silang dalawa.
"Panalo na ako!" proud niyang sabi.
"Tsss... plastic!"
BINABASA MO ANG
The Last Dance
Teen FictionHallooo readers!!! :)) this story is based from 'someone's experience.. pero dahil sa alam ko na kwento niya, dalawa o apat na POV ang gagamitin ko, not just sa bidang girl pati na rin sa mga iba pang mahahalagang characters. ^_^ dinagdagan ko na ri...