dance 8

10 1 0
                                    

8thDance~ AKO BA YAN?

>"rei's POV"<

WITWEW!! KABADO MUCH!! >O< buti nalang tapos na. hahaha. andami pang mali. pero naenjoy ko naman kahit papano. nakakatawa nga yung comment ni jake e. relate daw. hahaha. hindi tuloy. XP

Maya-maya pa... nakatanggap ako ng GM mula kay ate anne. kasama siya kanina na nagdalaw sa b-house nina iris. sa lahat ba naman kasi na pwedeng dalawin, dun pa sa mga taong hindi nakasama sa activity. -___- 

laman ng GM niya? disappointed daw siya.. at sinasabing napaka irresponsable ng ibang officers. mas inuuna ang jamming kesa sa tungkulin.

Alam kong kami ni iris ang pinatatamaan niya. jamming?? the heck is that! hindi naman to jamming e, birthday celebration po ito! sana naman nagtanong muna sila! kainis! wala pa pati akong load ngayon. tsss!! >___<

 WTH! irresponsable?? ba't hindi nila tanungin yung ibang officers kung ano na nagawa nila para sa club?! Sino ang nagpaumagang gising matapos lang ang backdrop at designs sa booth ng SS nung aniv ng university??!! halos tatlong oras lang ang tulog namin nun!! SIno yung present sa UNITY GAMES??!!! haa!??!!! di ba nila alam yun??? Porket nakita lang magkakasama, jamming agad?? AGAD AGAD MGA PAREKOY?!!!! shete naman o!!

ang sakit sa part ko sobra. halos hindi ko kinaya, kaya lumabas ako ng canteen. kumakanta sila nun ng isang love song.. nagpumilit akong umalis pero ayaw nila akong paalisin. akala kasi nila, masyado daw akong natatamaan sa kanta, e hindi ko nga alam kung ano ang kinakanta nila e. =____= lumusot ako dun sa ilalim ng upuan at successful na nakalabas. :DD 

"samahan na kita sa CR!" sigaw ni iris. palusot lang yun. ayoko naman kasing ipagsigawan na paalisin niyo ako kasi iiyak na ako!! T____T ayoko rin naman masira yung hapy moment nila e.. 

sumunod na lumabas si iris, kasama si jake at kua pao. natanggap din daw kasi nila yung GM, at alam nila na yun ang pinaghuhugutan ko ngayon.

 "Hayaan mo na sila! Wag ka kaya umiyak!" sabi sakin ni jake.

 "Grabe naman kasi yan si anne.. tsk." sabi ni kuya pao.

 "Hayaan mo na rei. pakialam ko sa kanila basta ako happy ngayon. :)"

 "Ikaw, *sniff* kasi may rason ka *sniff* kung bakit kelangan mong maging happy. huhuhuhu..." sabi ko habang umiiyak.

 "Hayaan mo na kasi. Sayang yung pagod natin kanina sa paghahanap ng cake o!" sabi ni jake. "hayys... bakit ba kasi ganyan kayong mga babae, ang sensitive masyado. pangalawa na yan e. -___-"

 "Kasi naman...huhuhu.. parang wala akong nagawa sa org e.. *sniff* kung makapagsalita sila parang ang dami na nilang nagawa! huhu!" sabi ko. Dun na ako mas lalong naiyak. hindi ko na rin kaya pang magsalita nun kaya nanahimik na ako.

"o.." inabot sakin ni jake ang panyo niya.. wow. first time to e.. ang kyuuuut!! tenkyu jake my labs so sweet!! T^T

 "Balik na tayo dun, baka maghinala pa sila.." -iris.

 "Sige na.. punta na kayo dun, dito muna ako." -ako.

 "TSK! REI! tara na nga!" pagpipilit ni jake.

 "Di, dito lang muna ako... patuyuin ko lang luha ko." -ako.

 "Haayy.. sige." Umalis yung tatlo at naiwan ako sa labas. Magpapatuyo daw ng luha?? e mas lalo akong naiyak e. T^^^^T

piniga ko pa mga mata ko para maubos na yung luha hanggang sa lumabas ulit si jake. Umupo siya dun sa harap ko, habang ako, nagpupunas ng mata.

"nalagyan ng eyeliner yung panyo mo. T^T" -ako.

The Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon