dance 7

23 0 0
                                    

7thDance~ IRIS SOLIMAN

[iris' POV]

paextra naman o! gusto ko lang din ishare kwento ng lablayp ko. hehe.

"punta kayo?" text ni rei.

"yep. pajan na nga kami e."

"ok. takits. :D"

nasa pacific mall si rei ngayon. ngayon kasi ang laban nila sa speech choir. sila ang magrerepresent sa college namin, kalaban nila yung iba pang 1st placer sa ibang college ng Saranghae University. pupunta rin kami dun ngayon para sumportahan siya, at para narin bumili ng cake. ^__^ ngayon din kasi ang bday ni kuya vic, gusto ko syang surpresahin.

kasama ko nga pala si jake ngayon. magpapatulong ako sa paghahanap ng cake. marami kasi itong alam sa pagkain e. kami nga lang halos ang magsusuporta kay rei.

napag-alaman din namin ni jake na magpinsan pala kami. natatawa nga ako kay rei e, akala kasi nya may gusto ako kay jake. wala no! si kuya gino talaga ang gusto ko. gusto rin naman niya ako, kaso wala syang balak ligawan ako. bawal din naman kasi e, isang exclusive for boys yung school na pupuntahan nya.. like kuya steve and kuya chad. bawal ang may gf o anu mang commitment.  very strict yung patakaran nila. hanggang MU lang ata talaga kami. pero kung umarte parang kami. sya nga first kiss ko e, at nakailan na. si kua chad at pearl lang ang nakakaalam. si ate elaine at ate gail naman alam nila na may something samin. pero si rei, ang alam lang nya e loveteam lang kami. di naman ako kasi nagkwkwento kay rei e. masyado pang immature isip niya kaya sigurado akong di nya maiintindihan kung bakit ganito kami. nagtampo nga yun samin kagabi e, naghintay kasi sya samin pero di na kami nakasipot kasi dumiretso na kami ng uwi. masyado kasing madrama ang mga pangyayari kagabi.umiyak si ate elaine ng di man lang sinabi ang rason. pero mukhang ok naman ngayon, lalo na si rei. pero pansin ko lang, masyado syang matampuhin ngayon.

"dito na kami." text ko kay rei. di pa naman nagsisimula yung contest kaya niyaya ko muna syang mag lunch.

"tapos na ko e." andito na kami ngayon sa foodcourt ng mall. malapit lang sa kung saan gaganapin ang event. kinuwento na rin ni jake kay rei yung nangyari kagabi. simula sa pagkakastranded namin sa hill park dahil biglang lumakas yung ulan, sa dinner namin kina kuya gino, hanggang dun na nga sa kay ate elaine.

 pinabasa rin ni jake kay rei yung nakuha nyang text na galing kay cedric sa cp ni ate elaine. may pagkapakialamero rin kasi tong lalaking to e.

"isang i love you nga jan."

"favor naman o? wag kang sasama sa kanila pag hindi ako kasama... pls?"

" mahal kita! good night."

--yan yung mga text na nakuha nya.

ginuhit ni jake yung love chain na ginawa ko at inexplain kay rei.

eto yung chain...

MARJ CEDRIC ELAINE STEVE

                                                   ^-- JAKE TRISHA

teka nga lang, kala ko ba kwento ko ang laman ng chapter na to?? bakit tungkol pa rin sa kanila?? -__- hayaan na nga natin, since ako naman gumawa nyan e. haha. conclusion ko lang naman yan sa mga naikwento ni rei, jake at ate elaine sakin. feel ko kasi, sa mga nangyayari ngayon, ginagawang panakip butas ni cedric si ate elaine kay marj. si ate elaine naman ginagawa ring panakip butas si cedric kay kua steve. alam ko naman kasi kung gaano nya kamahal si kuya steve e, kahit hindi naging sila. pareho kasi kami ng sitwasyon ni ate elaine. parehong BAWAL. si jake naman nasa ibaba.. tagasalo kay ate elaine sa oras na nababagabag sya sa sitwasyon nina marj at cedric. ayon kasi kay jake may gusto si cedric kay marj kaso hindi sya pinapansin. si ate trisha naman ang ex ni jake, ilang buwan palang kasi simula nung nagbreak sila kaya posible ring naghahanap ng pantakip si jake ngayon. pero ininsist naman ni jake na wala na talaga syang feelings pa kay ate trisha. hay. ang gulo no?

The Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon