dance 10

48 0 0
                                    

10thDance~ STEVE NATIZON

[steve's POV]

hi! haloo! i'm steve natizon. kasalukuyan kasing nasa maynila ako ngayon para mag-aral. pero napaaga bakasyon ko. namiss ko na rin kasi sila. lalo na ang fiancee ko, si elaine joy torres. ang laki nga ng kasalanan ko sa kanya e. dlawang buwan simula nang umalis ako hindi na ako nagparamdam. wala rin namang hintayan samin at gusto ko na kalimutan na nya ako. kaso hindi ko nagawa yung parte ko. hindi ko kinaya. matapos ang dalawang buwan tinawagan ko sya gamit ang bago kong number. kinabahan nga ako e, akala ko hindi na nya makikilala ang boses ko. namiss ko rin ang boses na yun.

nagkaayos rin naman kami. humingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagparamdam, tinanggap naman nya. ayoko na rin bitiwan ang pagkakataon kaya nagpropose ako sa kanya sa tawag. sabi ko after 8 years ikakasal kami. alam kong matagal yun, pero seryoso ako. hindi ko lang alam kung sya seryoso rin. akala kasi nya hanggang biro lang to. pwes, ipapakita ko sa kanyang seryoso ako. dalawang buwan ko rin pinag-ipunan to.

"bunso, pwede favor?" -tinext ko si rei, ang bunso namin. :)

"ui appa!! (kor: dad) :D anu po yun?"

"pwede mo ba akong tulungan pagtipon-tipunin ang tropa? may surpresa ako e. :)"

"wow. anu po yun?! :D"

"andito na kasi ako sa albay. hehe."

"ay oo?? akala ko sa 8 ka pa uuwi?"

"ito nga yung surpresa e. hehe."

"aw.. haha. kaso, andito kasi ako kina tita, isang dagat ang pagitan jan, kaya hindi ata kita mattulungan, si iris po itext mo, :)"

"ah ganun ba? cge, salamat nalang."

tinext ko naman si iris, kaso hindi sya sang-ayon sa plano ko. baka raw kasi mabaliktad. imbes na sila ang isurpresa ko, baka ako raw ang masurpresa. ha? anu kaya yun?

oct.8

alam na ni elaine na andito ako. may usapan din kami na magdadate kami sa araw na to. as in yung kami lang, hindi kasama ang tropa. ang corny ng appa niyo nu? haha. kaso ang dami nyang dinadahilan. nakakainis nga e. parang mali ata kung bakit pa ako umuwi dito.

kung ayaw nya akong makita, pwes, ako ang pupunta sa kanila.

"elaine!! may naghahanap sayo! kaklase mo raw!" sigaw nung land lady. gabi na nang pumunta ako sakanila.

"pajan na po!" narinig kong sigaw ni elaine, pagkatapos pumunta na sya ng gate para pagbuksan ako. kita ko sa kanyang mga mata yung pagsalungat nya sa desisyon kong puntahan sya nung makita nya na ako ang nakatayo sa labas ng gate.

"gabi na ah.."

"alam ko."

"pasok ka." pinapasok nya ako sa kwarto nya at dun pareho kaming tahimik. panay text niya kung kanino man samantalang ako nakikiramdam nalang.

"elaine, may bago na ba?" pagsira ko sa katahimikan.

"......." ilang segundo muna bago ulit sya magsalita.

"oo e."

natameme muna ako ng ilang segundo, pagkatapos nun, unti-unting humihigpit ang hawak ko sa dala kong kahon na nasa bulsa ng aking pantalon.

"kung sa tingin mo nagbibiro ako, hindi elaine!"

"kua steve, diba malinaw satin na walang hintayang mangyayari?!"

"alam ko naman yun e. ang akin lang naman bakit mo pa tinanggap yung proposal ko sayo kung hindi ka naman pala seryoso! akala mo ba naging madali rin sakin ang lahat?! HINDI! matagal nga siguro bago ako ulit nagparadam pero gusto kong malaman mo pinagsisisihan ko yun! kaya nga gusto kong bumawi sayo e!"

The Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon