Chapter Three

373 9 3
                                    

* Chapter Three *

* Rachelle's POV *

Nasa restaurant ako ngayon ni Tweenie, dahil dito ko aantayin si Eduard at Carmina, mamamasyal kasi kami at sinabi ko na dito na lang nila ko sunduin para mabisita ko na rin si Tweenie, ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam sa akin to'ng bestfriend ko.

"oh anung ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Tweenie sa akin.

"syempre dinadalaw ka" sabi ko. " bakit masama na ba ngayong dalawin ka?"

"hindi naman, pero bakit ka nga ba pumunta dito?-- na miss mo ko?" pagbibiro pa niya.

"sira, syempre ilang araw ka nang hindi pumupunta sa bahay, hindi ka rin nagte-text, kahit tawag wala."

"eh kasi naman friend sobrang busy ko ngayon, eh di ba kakabukas lang ung bagong branch ko sa ortigas, kaya eto busi-busihan ang peg ko.- eh teka maiba tayo ano nga ba talaga ginagawa mo dito??"

"aalis kasi kami nina Eduard at Carmina gusto kasing mag-mall ni Carmina at gusto kaming dalawa ni Eduard ang kasama kaya sabi ko sa kanila dito na lang nila ko daanan tutal malapit naman ung office ni Eduard dito."

"ah so may family bonding pala kayo?"

"Family bonding ka diyan." inismiran ko siya.

"eh bakit naman kasi ayaw mo pa'ng sagutin si Eduard? ang tagal nang nanliligaw ung tao sayo at isa pa napakabait, gwapo, mayaman at gustong gusto siya nang anak mo, papa na nga ang tawag sa kanya kulang na lang talaga kayong dalawa."

"Tweenie hindi nman porket mabait, gwapo, mayaman at gusto siya nang anak ko para sa akin ei sasagutin ko na ung tao, syempre it depends on my feelings di ba.?"

"bakit hanggang ngayon wala ka pa rin ba'ng feelings sa kanya?"

"meron, pero bilang kaibigan lang.. hanggang dun lang."

"tatlong taon ka ng nililigawan nung tao pero hanggang ngayon kaibigan pa rin?"

"eh anong magagawa ko, un lang talaga nararamdaman ko sa kanya."

"hay naku, hindi ko alam kung natatakot ka lang magmahal ulit o hindi mo lang nakikita ung katangian ni Frank kay Eduard, kaya wala kang nararamdaman sa kanya."

"bakit napasok na nman sa usapan si Frank? matagal na un tweenie at naka-move on na ko."

"kahit pa gaano katagal na panahon un pero kung ung puso mo nman hindi kayang makalimot, wala rin."

Hindi na ko naka-sagot kay Tweenie dahil bigla ay may naramdaman akong kirot sa puso ko, hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako, hindi sa sinabi ni Tweenie kundi nung maalala ko si Frank. Pero bakit?? di ba naka-move on na ko kaya dapat di na ko affected sa kanya."

"Pwede ba wag na ito ang pag-usapan natin." sabi ko sa kanya at mukhang naramdaman niya na hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin.

"ah teka bakit wala pa sila?" pag-iiba niya ng usapan.

"malapit na raw sila, baka parating na un."

"eh kamusta nman pala si Carmina dito? nag-eenjoy ba siya?"

"oo enjoy na enjoy nga dito, laging kasama si Eduard tsaka may nakilalang bussines man bago daw niyang kaibigan."

"talaga?!"

"oo, alam mo nman si Carmina di ba mahilig sa wine at marunong gumawa kaya nung nakilala niya ung bussiness man na un, ayon tuwang tuwa kasi meron pala itong wine bussiness at marami siyang natututunan tungkol sa wine."

Now and Forever ( A CharDawn Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon