4
+++
IRIS
"Gaya nito?" tanong niya at dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko until we are inches apart.
As if on cue, I held my breath and closed my eyes.
Ayon! Nalipad siya. He was thrown a meter away. Actually just enough para malayo lang siya sa akin at mapaupo ulit sa sofa.
"Kung gagawin mo pa yun," Tiningnan ko siya ng masama. "Makakaalis ka na."
Di na ako umimik. Di naman umalis ang gago. Pumunta nalang ako sa kitchen.
"Anong gusto mo kape o juice?"
"Kahit ano." sabi niya tapos rinig ko pang nagpasalamat siya.
Tae lang. Kasalanan niya kung bakit absent ako ngayon sa klase eh. Mabuti nalang at may ugnayan siya sa principal kaya for once, ayos lang sa'kin.
Lagyan ko kaya to ng muriatic acid ang kape niya?
Ay wag nalang. Ang dali niya lang mamatay pag ganun. Ayokong mabranded as killer dahil hina-harass ako ng isang junior high school student.
Bumalik ako sa sala at linapag yung kape sa maliit na table. Nakatingin siya sa akin and for the first time, ang amo ng mukha niya.
Gusto kong magkaroon ng nakababatang kapatid. Pero wag siya.
"Dripped coffee yan, pero nilagyan ko ng asukal para mawala yung pait." sabi ko naman at ininom ko yung kape ko. A combination of sweet and bitter taste ng kape na gustong-gusto ko. "Pagkatapos mong inumin yan, umalis ka na."
Less than 12 hours lang ang effect nung pagdila halik ni Hoon sa akin kaya nagagamit ko na ang kapangyarihan ko.
Tss.
Napansin ko naman na tapos na siyang uminom kaya niligpit ko na ang mga baso at hinugasan.
Bigla namang lumapit sa may sink si Hoon, "Senpai. Ako na."
Nakakatuwa. Napatitig naman ako sa kanya. May mabait na side pala tong batang to kahit na napakamanyak? Ha. Ngayon lang siguro kasi trip niya.
Mabuti nalang. Ang kape ko pang barista kaya. Mahal ang talent fee ko.
"Inlove ka na sa akin niyan?"
"Tae ka. Hinde no."
"Ohh? Talaga lang?"
Naku. Immune na ako sa yo Hoon. Wag lang yung pagiging manyak mo. Technic ko na kasi na bago siya makalapit, ipapalipad ko na siya sa Mars.
Hinatid ko na siya palabas ng bahay. I was caught off guard. Papalabas pa sana siya nang bigla niya ako hinalikan sa pisnge. Tsaka ulit lumabas ang asungot.
I tried to play it cool.
Lechugas.
Di ko kinaya.
"HOON ALCANTARA! BUMALIK KA RITO!!"
Nakasimangot ulit ako. Teka. Sino ba'ng hindi sisimangot sa nangyari kahapon?
Tss.
Kainis yung pervert na Hoon na yun. Sobrang nakakainis. NAKAKAINIS TALAGA NG SOBRA SOBRA!
CAPS LOCK NA YAN KAYA INTENSE NA.
LETSE.
Naglalakad na ako at patungo na sana ng classroom nang narinig ko ulit ang boses ni Hoon.
"Senpai."
Iris.
Isipin mo nalang na bida ka sa isang horror movie at dapat. WAG NA WAG KANG LILINGON.
Kung hindi. May makikita akong asungot sa buhay ko.
"Senpai." tawag niya ulit.
Papabayaan ko sana siya at maglalakad nag mabilis nang bigla ulit siyang nagsalita habang medyo nagkatapat na kami sa paglalakad.
"Eh kasi. Naiwan ko yung brief ko sa bahay niyo. Pwede ko ba kunin mamaya---" hindi na siya nakapagsalita pa kasi kinuha ko yung leeg niya, inakbayan at kinulong ko.
"Yah!" mahina kong bulong sa kanya. "Ano ba yang sinasabi mo! Akalain pa nila na may ginagawa tayong---ano! Basta!"
"Ano namang gagawin natin?"
"Anong ano ka diyan! Tae ka Hoon! Tsaka. Wala sa akin yung brief mo no."
"Ah talaga?" ngumiti naman siya. "Ayos lang. Feel ko naman yung---araaay!"
Binitawan ko siya at sumunod lang siya sa pag lalakad. May sasabihin pa sana siya kaya binatukan ko ulit siya. Gago tong batang to ah! May gana pang maging manyak! Career na talaga niya noh?!
"Malaki pala." ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Pahawak naman~"
Tiningnan ko naman siya ng masama. Tahimik lang naman siya at tsaka nag beautiful eyes.
AS IF!
As if ipapahawak ko sa kanya! Ipalilipad ko muna siya papuntang pluto!
Tae lang talaga!
Urgggh!!!
BINABASA MO ANG
Never Don't Mind About A Thing!
Romance"I'm living with a pervert." -Iris All this time, she thought that her parents died because she was not able to stop the car from them, Iris only watched them afar. After a traumatic childhood, she has been cold to anyone--not letting them close to...