3 (Home Date?)

40 11 5
                                    

3

+++

IRIS

"Ayos lang senpai kung sa bahay niyo tayo magde-date."

Ano ba ang problema ng asungot na to? Minamanyak na naman ba ako nito?

"Hindi pwede."

Lechugas lang. Eh ako lang kaya mag-isa sa bahay. Ano nalang ang iisipin ng iba pag nay nakakitang nagdadala ko ng lalake sa pamamahay ng magulang ko.

"Mas ayos nga kung tayo lang dalawa dun. Mas mae-enjoy natin yung date."

Leche.

Ano yun?

Nagmadali nalang akong naglakad hanggang sa kita ko na yung bahay namin. Binuksan ko yung gate at isasara ko sana nang bigla na namang nagsalita si Hoon.

"Kulay pink pala ang panty mo senpai? Ang cute." Namula naman ako nang sinabi niya yun.

Tekaaa---nakita niya?!

Lumapit naman siya sa kinalalagyan ko at bumulong sa tenga ko, "Hula ko lang yun Senpai. Ang cute mo talaga pag namumula."

Pagkatapos nun bigla nalang niyang hinawakan ang pisnge ko at hinalikan ang gilid ng labi ko.

Pagkatapos nun ay pumasok siya sa pintoan ng bahay ko na para bang siya ang may-ari.

Putragis.

Ba't bumibilis ang tibok ng puso ko??

Heart attack na ba to?

Teka. Kalma lang Iris. Tatae ka lang. Walang kinalaman si asungot diyan. L

"Hoy sabi ko hindi ka pwede." sabi ko at pumasok na rin. Nakita ko siyang nakaupo sa may sala.

Aba. Feel at home yung asungot na yun.

"Ako lang ang hindi pwede?" Nagpout naman siya bigla at feeling ko nagpapacute siya. "Senpai?"

"A-ano," I stuttered. Tae talaga. Mahina ako sa mga cute, tao man o bagay. Inaamin ko naman talaga na cute siya. Cute siya ngayon. "K-kasi hindi naman. B-baka kasi may g-gawin kang di kaaya-aya."

Tumayo siya at pumunta ulit sa kinatatayuan ko. Ewan pero napansin ko na nasandal na pala ako sa pader. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at parang natatae ulit.

"Di kaaya-aya?" Nilapit niya naman ang mukha niya at tiningnan ako sa mata. "Gaya ng ano?"

Ewan ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at siya naman nakatingin sa labi ko. Hypnotized na ako, di man lang ako makasagot.

"Gaya nito?" tanong niya at dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko until we are inches apart.

Never Don't Mind About A Thing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon