Chapter 2

1.7K 22 0
                                    

Chapter 2

Sabado ngayon. Naglilinis ako ng bahay. Ako lang naman ang tao dito sa bahay pero ang kalat kalat.

Biglang tumunog yung cp. May tumatawag pala. Tinignan ko pero unregistered number eh.

Sasagutin ko ba? Baka masamang tao to..

Sagutin ko nangalang para malaman ko.

Ayy wag baka masama talaga to.

Nag missed called na iyun. Ang gulo kasi ng utak ko eh. Ilalapag ko na sana yung cp ko ng tumunog ulit.

Sinagot ko na agad yun.

"hello?"

"camz. Daniell to."

"oh daniell ikaw pala. Bakit ka napatawag?"

"may gagawin kba mamaya?"

May gagawin bako. Wala naman siguro.

"wala naman. "

"Good. Kita tayo mamaya sa mall. 2pm okay?"

"okay"

Pinindot ko na yung end call.

Ano kaya ang gagawin mamaya dun? Baka naman mag papasama lang. Eh bakit ako pa? Hayys bahala na nga..

Pagkatapos ko maglinis ng bahay ay naligo na ako at nag bihis. Napatingin ako sa orasan.

OmG!! 2:36 na. Nagmadali na ako . syempre nag suot ako ng maayos...Color light blue na dress, flat shoes, accesories at light na make up lang. Baka i-date ako nun.. assuming? .. haha

*

"Hey! Kanina kapa?" tanong ko kay daniell.

Nasa mall na kami at nakita ko syang parang boring na doon.

"medyo lang. Lets go?"

Hindi manlang sinabi kung maganda ba yung suot ko or kung ano. Psh!

"ano ba gagawin natin?"

"mamamasyal lang.. Tara na.." hinawakan nya yung kamay ko at sabay na kami mag lakad.

Kung titignan kami ay parang 'kami' .. Magkaholding hands kasi kami at minsan umaakbay sya sakin.

Ang sarap ng feeling. Parang bumalik kami sa dati. Kung pwede lang ihinto yung oras para ganito nalang kami lagi.

Marami kaming nagawa. Marami rin syang nabili saakin na mga damit, accesories, at kung anu-ano pa.

"kain tayo?" tanong nya sakin.

"sige" sgot ko ng nakangiti.

Umakbay ulit sya sakin at pumunta na kami sa ground floor ng mall para puntahan ang kotse nya.

Gusto nya kasing sa Restaurant kami kumain para daw maganda...

*

Restaurant/

Ang dami daming inorder nitong si daniell. Eh hindi naman namin ito mauubos.

"Hindi ba magagalit si sandy?" bigla ko nalang naitanong.

“Wala naman mag sasabi eh. Kaya hindi magagalit yun.”

“eh bestfriend ko parin yun”

“I know. Wag mo na isipin yun.”

hays ano pa nga ba magagawa ko..

7:30 na nang mapagdesisyunan naming umuwi.

Hinatid nya ulit ako sa bahay. You know. Lagi nyang gawain yan..

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon