Chapter 13

873 10 0
                                    

Chapter 13

I woke up by the knocking on my door. Grabe ang aga aga pa kaya. Sobrang antok pa ako. Psshhh.

Hala! Bakit sa pinto ng kwarto ko kumakakatok? Natatandaan ko pa kagabi na na i-lock ko ng maayos yung pinto sa baba. OmG. Baka magnanakaw yan.? Pero masyado akong napaparanoid kakaisip. Tsk.  mabuksan na nga.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si daniell. Pano sya nakapasok sa bahay?

Ngumiti sya sakin. "Good morning"

"pano ka nakapasok dito?" i mean sa bahay?"

"nakalimutan mo na ba? Binigay mo kaya sakin yung duplicate key ng bahay mo."

Huh? Wala akong matandaan. Bahala na nga.

"bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"may pupuntahan tayo" pagkasabi nya nun ay umalis na sya sa harap ng kwarto ko at bumaba na.

Sinarado ko na yung pinto at dumiretso sa cr para maligo.

'si daniell kasi eh' at umiyak si sandy. My gosh. Naaalala ko nanamn yung nangyari kagabi. Hindi nasabi ni sandy yung daahilan kung bakit sya umiyak pero alam kong konektado ako dun. Lalo pa na kami na ulit ni daniell.

Siguro mas maganda kung iwasan ko nalang si daniell. Mas mabuti pa yun. Mas marami kasi ang masasaktan pag nagpaka selfish ako eh. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Lalo pa na bestfriend ko ang niloloko ko.

Pagkatapos ko magbihis at mag ayos ay bumaba na agad ako at nakita ko si daniell na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.

Ngumiti naman sya ng makita ako. Tinignan ko lang sya ng ilang sigundo at binalik ang tingin ko sa dinadaanan ko.

 Mas maganda kung iiwasan ko muna sya. Para hindi na lumala ang sitwasyon.

"hindi pala ako makaksama sayo. May biglaan kasing trabaho eh." i said coldly

Nag iba naman ang expression ni daniell at naaawa ako sakanya. Please. Tulungan nyo akong wag ng bawiin yung sinabi ko.

Agad akong tumalikod para hindi sya makita.

"ganun ba? Ihahatid nalang kita" malungkot na pagkakasabi nya. Siguro importante yung pupuntahan namin kaya ganyan sya.

"no thanks. Susunduin ako dito ni krizzia kaya mauna kna." nakatalikod parin ako sakanya na kunyari ay may ginagawa.

"ako na mag-"

"sinabi ng pupunta dito si krizzia eh. Sige na umalis kna." medyo galit na pagkakasabi ko. Gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero hindi pwede.

"o sige. Aalis na ako" at pagkasabi nya ay umalis na sya. Tumingin ako sakanya at gustong gusto ko syang habulin. Im sorry daniell. Mali kasi yung ginagawa natin eh.

Pagkaalis ng sasakyan nya ay umalis narin ako ng bahay. Sinabi ko lang na susunduin ako ni krizzi para umalis na sya. pero wala naman akong trabaho ngayon eh.

Nsa gate na ako ng biglang tumunog ang cp ko.

Sinagot ko agad yung tawag kahit hindi ko pa nakita kung sino yung tumawag.

'hello?"

(hija, mamaya na yung date mo ah. Dont forget. Ayy, ipapasundo pala kita sakanya.)

'what time tita?'

(7pm. Its a dinner date)

"okay''

Binaba na ni tita yung tawag. Hmm. I think magandang pumunta ngayon sa mall.

Sinarado ko na yung gate at nag antay ng taxi.

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon