Chapter 8

1.1K 13 0
                                    

Chapter 8

Nagising ako ng may kumakalabit sakin. Ang sarap na nga ng tulog ko eh. Kaasar naman.

Pagdilat ko ng mata ko ay napaatras ko.

"daniell"

Ang lapit kasi ng mukha ni daniell sa mukha ko. As in parang mag ki kiss na kami.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabs na ito sa sobrang bilis.

"nandito na tayo" sabi nya at lumayo na saakin. Nakahinga din ako ng maluwag .

Pagkalabas ko sa ay puro bulaklak ang nakikita ko. Grabe. Ang gaganda.

Ang tagal ko rin palang naktulog. Mag gagabi narin kasi eh. 

Hinawakan ni daniell ang kamay ko at dinala ako sa pinaka tuktok ng lugar na to.

Namangha talaga ako sa nakita ko.

Naupo kami sa isang bench dun at pinanuod yung sunset. Ang sarap ng ganto. Yung kasama mo yung taong mahal mo at walang ibang iniisip kundi kayong dalawa lang.

Paano kaya kung malaman to ni sandy. Siguradong magagalit sya.

Matagal na syang may gusto kay daniell. High school palang kami. Medyo nagalit sya sakin dahil ako yung nagustuhan nun ni daniell. At wala naman akong balak sagutin nun si daniell dahil sa bestfriend ko nga. Pero habang tumatagal, nahuhulog yung loob ko kay daniell. Gusto ko na araw-araw ko sya nakikita, may makita lang akong babae na lumapit saknya ay gusto kong sabunutan.

Sana naman wag malaman ni sandy kung anong meron kami ngayon ng asawa nya. Hindi ko naman sinasadya na mahulog ulit ako kay daniell. Hindi ko naman mapigilan tong puso ko. Kung kaya ko lang eh.

"camz, okay kalang?"

Nabalik yung atensyon ko ng magsalita si daniell.

"ah oo. May iniisip lang ako"

 sagot ko.

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon