Chapter 15

881 13 2
                                    

Chapter 15

2 weeks narin akong nagtatago kay daniell. Kapag pinupuntahan nya ako sa trabaho ay nagkukunwari akong busy. Kahit na gusto ko syang makasama, hindi pwede dahil mali eh. 

Kay sandy naman ayun, palagi nya akong tinatawagan. Wala daw syang makaakwentuhan sakanila eh. 

Nasa trabaho pa ako pero pauwi narin. Nag over time lang ako kasi kelangan ng matapos yung pinapagawa sakin. Malapit na kasi deadline nun eh. Baka mapagalitan nanaman. 

"bye camille!" sabi ni joyce at krizzia. Katrabaho ko sila dito . Nasa labas nrin kami ng building at ayun, nagpaalam alam na. 

"bye narin camille. Ingat ah" sabi naman ni nerieza. 

"bye sainyong lahat" sabi naman ni genevieve. Sya ksi yung pinkamalayo samin na bahay kaya ayun, palaging sinusundo ng boyfriend nya. 

Ang kukulit talaga nila. Nagiging masaya ako kpag kasama ko sila. Pati problema ko nakakalimutan ko rin eh. 

Papunta na ako waiting shed para mag abang ng taxi pero may tumawag sakin. Nilingon ko at nakita ko si daniell. My gosh. Nandito nanaman sya. 

Hindi ko nalang sya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad. 

"camille wait" sabi nya habang tumatakbo at hinihingal. 

Please. Lumayo kna lng daniell para hindi na ako mahirapan. 

Hinawakan nya yung braso ko at humarap ako sakanya. 

"WHAT?" 

"galit kba sakin?" hinihingal pa sya ng sabihin nya yan. 

"nope. Wala naman akong dpat ika galit. Pwede naba akong umalis?" 

Hawak nya prin yung braso ko. 

"bakit ka umiiwas sakin? Wala naman pala akong nagawa." 

Isip-isip... Hala anoong sasabihin ko. 

"Si sandy ba? Kung gusto mo kakausapin ko sya. Sasabihin ko sakanya. Alam kong maiintindihan nya to. Naunawain syang tao." 

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko. 

"Walang kinalaman dito si sandy okay? Kakasabi mo lang na maunawain syang tao. Please. Wag mo naman abusuhin ang pagiging mabait nya, maunawain o kung ano pa man."

"Pero pano na tayo?" 

Medyo maluluha na ako. Parang hindi ko kayang sabihin sakanya. 

"w-walang tayo kaya aalis na ako." 

Tumalikod na ako at nag umpisang maglakad. Kpag hindi ko kasi ito ginawa ay baka bawiin ko lahat ng sinabi ko sakanya at alam kong tutulo na ang luha ko anytime kaya binilisan ko.na maglakad. 

Nandito ako ngayon sa playground malapir sa bahay.. Kahit madilim na ay dito ko nalang muna naisipan magpunta. Kanina ko pa kasi pinipigilan itong luha ko pero hindi ko na kinakaya kaya napa upo nlng ako dito sa swing at nag iiyak. 

Hindi ko pala kayang mawala si daniell. Kapag nakikita ko sya ay gustong gusto ko syang yakapin pero hindi pwede. 

"miss, okay kalang?" nakikita nya nanang hindi tapos itatanong nya pa. 

"halata *sniff* ba?.. Nakikita mo nanang umiiyak ako tapos itatanong mo pa kung okay ako?" 

Tumawa lang sya pagkatapos ko magsalita.

Baliw ba to? .. Pinunasan ko nlng yung puha ko gamit yung kamay ko. 

"nung una tayong magkita, binara mo rin ako. Pati ndin ngayon. Haha" napaangat naman yung ulo ko. 

"Terrence?" hindi ako sure kung sya nga yun. Medyo blurr narin kasi yunh mata ko kakaiyak at medyo madilim dito.

Ngumiti sya sakin at lumapit. Medyo nka luhod sya dahil pinantayan nya ako. 

Nilabas nya yung panyo sa bulsa nya at pinunasan yung luha ko. 

Iniwas ko yung mukha ko sakanya at inagaw yung panyo. "ako na." 

Umupo si terrence sa isa pang swing na katabi ko lang. 

"bakit ka nandito? Ang dilim dilim kaya dito. At bakit ka umiyak?" nakatingin sya sakin habng naghihintay ng sagot. Tumungin din ako sakanya. 

"Eh bakit ang dami mong tanong?." at inalis ko yung tingin ko sakanya. 

Tumayo na ako at humakbang papalayo sakanya. Pero naririning ko yung footsteps nya na papasunod sakin. 

I looked back. "bakit ka sumusunod?" 

Napatigil din sya sa paglalakad. 

"ihahatid kita." at nauna na syang maglakad sakin. 

"Wala naman akong sinabi na ihatid mo ako ah. At pumayag ba ako na ihatid mo?" 

Lumingon sya sakin. 

"ang sabi ko ihahatid kita at hindi ko yun tinanong sayo . Wether you like it or not ihahatid kita."

Wala na akong nagawa at sumunod nalang sakanya.

"camille, uhmm" 

"what?" hindi nya matuloy yung sinasabi nya. Ewan ko sakanya. 

"ano kasi- .. Ah wala. " 

Nag nod nalang ako. Hindi ko sya maintindihan eh. Hindi nya kasi masabi yung gusto nyang sabihin. 

Hindi ko namalayan na nsa tapat na pala kami ng bahay. 

"Thank you ah". 

Ngumiti lang sya at umalis na. Hayss ang gulo nya. Bigla bigla nlng tatahimik at hindi nlng umiimik. 

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon