Chapter 10

1K 14 0
                                    

Chapter 10

// Sandy's POV \\

Napapadalas na yata yung late na pag uwi ni daniell at kahapon ay hindi sya umuwi.

Tumawag din ako kahapon kay papa kung nandun pba sa trabaho si daniell pero hindi naman daw pumasok.

Hindi maganda yung kutob ko eh. May tinatago sya sakin.

Kanina nilagpasan nya lang ako pagkauwi nya. Hindi manlang tinanong kung ok lang ba kami or what. Iba na talaga sya. Samantalang dati, kahit pagod sya galing trabaho o kung saan man ay kakamustahin nya kami ni danica at hinahalikan nya ko. Pero ngayon ibang iba na sya eh.

May ibang babae kaya sya.? Wag naman sana.

Paakyat na ako sa kwarto nya dala yung pagkaing niluto ko.

Nang papasok na ako sa kwarto ay narinig ko na may kausaup sya. Pinakinggan ko iyun. Tumatawa pa sya.

"kakauwi ko lang. Ok ka lang ba dyan?" narinig kong pagkasabi ni daniell.

Mga ilang sigundo lang ay nagsalita ulit sya. Na syang ikinasama ng loob ko.

"O sige bukas nalang ulit. I love you"

Halos mapaiyak na ako . Bumaba ako at binalik yung tray ng pagkain sa kusina.

"Mam, okay ka lang po ba ?" tanong sakin ni jaja. Isa sa mga katulong namin.

Inayos ko yung sarili ko at huminga ng malalim.

"ok lang ako. Aalis muna ako ah. Ikaw na muna ang bahala kay danica. Wag mo syang palalabasin ng bahay at mag gagabi na. " bilin ko sakanya.

"opo mam."

Umalis na ako sa bahay.

Hindi na ako nag kotse dahil nasa kwarto yung susi ko at ayoko makita ngayon si daniell.

Mag gagabi na rin. May dumaan na taxi sa tapat ng bahay at sumakay na ako.

*

Pumunta ako sa mall ng gantong oras. Okay pa naman eh. 3 hours pa bago sila magsara. siguro mawawala narin yung galit ko maya maya lang.

Pumunta ako sa department store dahil may nakita akong damit na bagay para sa anak ko.

Kukunin ko na sana yung damit ng may nakasabay ako sa paghawak nun.

"hey, nauna ako." sabi nung babaeng nakasabay ko sa pagkuha ng damit.

Hindi ko binitawan yung damit at tumingin ako sa babae.

"ako kay---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sa pagkabigla.

"C-camille?" tanong ko sa babaeng kasabay kong kumuha nung damit.

Hindi ako pwedeng magkamali. Bestfriend ko to kaya kilalang kilala ko sya.

"Sandra ikaw ba yan ?" nag aalangan na tanong ni camille.

"oo ako to." napayakap ako sakanya. Namiss ko itong besrfriend ko ah.

Lumabas kami sa department store at pumunta sa coffee shop.

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon