Chapter 20

841 10 0
                                    

Chapter  20

// Camille's POV \\

"mam, mas bisita po kayo"

Kasalukuyan akong nanunuod ng sponge bob ng pumunta dito yung katulong.

"sino daw??" tanong ko.

"hindi ko po natanong eh. Pero 3 po silang babae. Nasa living room po sila ngayon"

Sino kaya yun?? Hayyss bababa nanaman ako. My gosh nasa 3rd floor ako ngayon ah. Nakakapagod kaya bumaba. Lalo pang malaki yung tyan ko ngayon.

"O cge. Susunod nalang ako"

Umalis na yung katulong ko at nagpalit ako ng damit.

Nasa hagdan na ako ng marinig ko yung boses nila joyce. Omg!! Nandito sila. Hindi nila pwedeng makita na ganito ako.

Bago pa ako makatalikod ay nakita ako ni jhen at tinawag ako.

"camille" nagsilapitan naman sila sakin. Nagulat sila sa nakita.

Mga reaksyon nila.

°_° joyce

o_O krizzia

*_* jhen

"B--buntis ka?" - joyce

"anong kalokohan to?" jhen

"sabihin nyo kung tatawa na ah." krizzia.

Biglang pumasok si nerieza na mukhang hingal na hingal. Medyo haggard na sya pero okay lang.

"sorry camille, hindi ko sila napigilan. Ang kukulit nila eh" pagpapaliwanag ni nerieza.

"Alam mo ito?" sabay na tanong nung tatlo.

"alam nya to. Wag kayong magalit sakanya. Ako kasi ang nagsabi sakanya na ilihim to" pag didepensa ko.

Bigla kasing nagbago ang aura ng tatlo. Alam kong galit sila at ako ang may kasalanan nun.

Kwinento ko sakanila lahat lahat. Nung una nagalit sila sakin dahil daw pumatol ako sa may asawa pero narinig na nila yung bapat nilang marinig kaya medyo nabawasan narin yung pagkagalit nila.

"Dapat sinabi mo samin. Maiintindihan ka naman namin eh." - joyce ..

"sorry. Hindi ko talaga alam yung gagawin ko nung mga oras na yun. At alam ko na magagalit kayo sakin kaya itnago ko nalang.

"Masakit kaya yung paglihiman ka ng tinuturing mong matalik na kaibigan." krizzia.

"alam ko yun. Pero sana mapatawad nyo ako"

Sa huli ay napatawad naman na nila ako. Hindi kasi ako nakapag paalam sakanila nung umalis ako sa trabaho.

Nakaktawa sila kasi pinipilit daw ng tatlo na pumunta dito pero pinipigilan sila ni nerieza kaya ayun tinali nila para hindi makatakas. Pero nakahabol sya ah.

Nasa labas na kami ng bahay. Hinatid ko kasi sila hanggang sa labas. Tumawid kami para hindi sila mahirapan sumakay.

Nakasakay na sila ng taxi. Namimili pa kasi sila ng maganda eh. Kaya ayun naatagal kami.

Papatawid na ako para makauwi sa bahay. Wala namang traffic pero mabibilis yung mga sasakyan.

Malapit na ako sa bahay ng mahagip ako ng isang kotse. Wala akong naramdaman na kahit ano at bigla nalang nag black ang paningin ko.

Other womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon