MAX'S POV
Natapos ang buong discussion sa first day namin at wala akong ginawa kundi ang umidlip samantalang si Jes ay masayang nakikinig at nakikipagkwentuhan dun sa katabi nya.Nakakaantok ang mga lectures kaya mas pinili kong matulog kesa makinig.Kasalukuyan kaming naglalakad ni Jes sa hallway ng biglang humarang ang treseng kalalakihan samin at isa lang ang namukaan ko at ito yung nakaaway ni Jes sa Canteen." Kung minamalas-malas ka nga naman oh! Sibat na tayo Max!Tara! " pagpaparinig kuno ni Jes at hinila ang kamay ko papalapit dun sa mga nakaharang sa harapan namin.Hindi ko alam ang trip nila pero hindi ako natutuwa dahil wala silang balak na gumilid.
" Dadaan kami, gumilid kayo" utos ko sa kanila at bigla silang ngumisi sakin at tuwang-tuwa naman si earing boy.
" Ha Ha Ha Ha! Napakayabang mo alam mo ba yun?! Yan Web! Sya mismo ang sumagot sag----"
" Tss! Nag-abala ka pa palang magsumbong sa mga kasama mo" sarkastikong sabi ko sa kanya at ayan na naman ang nag-uunahang paglabas ng bagang nya sa galit.
" Napakatapang mo Miss! Yan ang gusto ko sa babae eh! Yung matapan----"
" Mmmmm, hindi naman ako matapang talaga eh, yang kaibigan mo ang sobrang matapang dahil isinama nya pa kayo sa gulo na dapat ay amin lang" walang ganang komento ko at galit na tinignan ako nung lalakeng kabangga ni Jes. Tinignan ko si Jes sa gilid ko at nakacross arm itong nakatingin sa mga ito at hindi kakikitaan ng anumang takot.
' Ganyan nga Jes, ipakita mo ang tunay na ikaw'
" Mga bago kayo dito pero hindi man lang kayo natatakot sa aming trese?! " sabi nung isang miyembro ng grupo nila.
" Hindi kami naghahanap ng away kaya kung anuman ang atraso namin ay humihingi kami ng paumanhin" sinserong sabi ko at parang ngumisi yung nasa gitna nila. Sya siguro ang leader pero bakit ganun? Parang kasing cold ko sya? Leader ba to? Gangsters ba sila? Parang mahina silang sumuntok base sa mga tindig nila ngayon.
" Huli na para himingi ng paumanhin. Sinuman ang bumangga sa isa sa aking miyembro ay may kaparusahan" malamig na sabi nito na nakatingin pa sa mismong mata ko.
' Pauso kang ugok ka! Parusa.. Parusa pang nalalaman. Abnoy! '
" Woooohh! Parusa... Parusa pang nalalaman! Pauso much?! O may mapapala ba kami dyan sa kaabnuyan nyong... Ano nga ulet yun?! TRESE?! Gangster ba kayo ha?! " singit sa usapang sigaw ni Jes.
' Isa pa to, sabi ng wag patulan eh!'
" Hoy! Ikaw na...na... pabebeng babae ka! Napakasingitera mo! Manahimik ka nga dyan! " sigaw nung lalakeng maraming earings, yung nakaaway nya.
" A-Anong pabebe ha! Pabebe ba ako?! Baka ikaw! Paepal! Earing boy! Leche ka! Aalis na kami pedeng gumilid kayo! Inyo ba tong hallway ah! " sigaw ni Jes dun sa mga grupo ng trese ata ang tawag sa gang nila?
' Trese?! Wtf! Korni ng pangalan! Pwe! '
Dahil walang balak ang mga gunggong na ito na gumilid ay sa likuran na lamang ako maglalakad. Tatalikuran ko sana sila habang si Jes ay nakikipagtalo parin dun sa kaaway nya pero bigla ngang umepal yung sa gitna.
" Wag kang bastos, kinakausap kita at wag mo kaming tata----"
" Ha! Ako pa pala ang bastos sa lagay na ito? Ano kaya sa palagay mo ang ginagawa nyo sa harapan ko? Hindi ako nakikipaglaro at humingi na ako ng paumanhin pero parang wala naman kayong balak tantanan kami kaya wala na akong magagawa pa.Hayaan nyo kami, yun lang ang hiling ko" sinserong sabi ko dahil ayaw ko ng away. Nasabi ko ng diploma lang ang gusto ko at hindi gulo sa eskwelahang to.
BINABASA MO ANG
My GGSS Boyfriend
Любовные романыNapakacold. Napakasuplado. Napakabossy. Napakapauso. Napakafeeling. Napakawalang-kwenta. Napakapusongbato. Gangster kunno na mahina ang suntok. At higit sa lahat ay GWAPONG GWAPO SA SARILI (GGSS). Nakakarindi ang bawat sasabihin nya tulad ng " Po...