MAX'S POV
Hindi ko maintindihan ang mga estudyante sa University na'to. Bakit pa ba sila maaaksaya ng oras at pera para lang iganti ang mga iniidolo nila? Mag-aaksaya lang sila ng pera at mapapagod lang sila dahil hanggang kaya ko pang tiisin ang immature acts nila ay hindi ko sila papatulan pero may limitasyon din ang pasensya ko.
"Magandang umaga class! It' s nice to see you again!"
" Good morning Serr! It's not nice to see you today Sir Makulimlim!"
" What?! Be ready! May quiz kayo sakin pag katapos ng lecture!"
" Pero Sir naman!"
" Grabe! Wala pang one week Ser eh!"
" Sobrang bilis naman Sir! Next week na lang po!"
" Serr! Please! Wag ngayoooonnn!"
Yan ang reaksyon ng mga kaklase ko pati sila Joe, Jep at Lenox samantalang parang wala kaming narinig ni Jes.
" Anong next week?! Aba'y kayo ba ang titser?! Kung makautos kayo! Get one whole sheet of paper! Fifty items! Pretest ito! Dapat handa kayo lagi hindi yung puro pagpapaganda at pagpapapogi ang inaatupag nyo! Hindi porket pangatlong araw palang ng pasok ay hindi na kayo nag-aaral sa mga mansion nyo! Dito ko titignan kung may mga utak ang mga estudyante ko! " mahabang pahayag na sabi ni Serr Negro. Yan muna ang tawag ko sakanya dahil mahaba ang Makulimlim para sakin.
Naglabas na nga kami ng papel at nag-umpisa ng sumagot sa mga out of this world na tanong ng negrong teacher na ito. Halata sa mga mukha ng classmates ko ang kahirapan sa mga tanong ni Sir. Bigla naman lumapit ito sakin kaya tinakpan ko agad ang papel ko.
" May maisasagot ka naman ba dela Fuente?! Yang yabang mong yan ay dapat may paglagyan! Baka puro hangin lang ang laman ng utak mo?!"
" Bwahahahahahahahahahahaha!"
" May sinabi ba akong tumawa kayo?! Number forty! Ano ang scientific name ng durian?! Number forty one!"
' Abnormal ang negrong ito! Nasa history kami ngayon tapos biglaang biology ang tanong?! Tang'na!'
Natapos ang test namin at parang lantang gulay at hindi maipinta ang mga mukha ng mga classmates ko. Hindi ko na sila pinansin at kinalikot na lang ang kuko ko, bigla namang lumapit sila Jes sakin kasama si Joe, Jep at Lenox na para bang pasan nila ang mundo sa kanilang itsura ngayon.
" Grabe! Makukunan na ata ako sa mga tanong ni Sir Makulimlim! Nakooo! Bagsak ako dun! Huhuhuhu! Bwisit talaga!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Joe habang naglalakad papalapit sa upuan ko.
" Di ka nag-iisa bakla! Naalis ata yung matres ko! Wala akong sure na sagot! Mas lalo naman yang si Lenox! Halos blangko ang papel nya! Huhuhu!" si Jep na nakaturo kay Lenox
" Makablangko ka naman! May dalawa naman akong naisagot no! Ibig sabihin may naisagot ako! Che!" pasaring na sabi ni Lenox kay Jep at inirapan pa ito.
" Ang tanong! Sigurado ka ba dun sa dalawang sagot mo?!Hahahaha!" si Joe at natatawang nakatingin kay Lenox na ngayon ay nakasimangot na.
" You' re so mean Joe! Huhuhuhuhu! Yun nga problema ko eh! Di ko sure yung sagot ko! Grabe lang! Bagsak na naman ako nyan eh!" ani Lenox na parang maiiyak na habang sinasabi ang litanya nya.
" Ano ba kayo! First quiz lang naman yun! May susunod pa naman eh, bumawi nalang kayo diba!" nagpapalakas ng loob na singit ni Jes sa mga kaibigan namin. Tama naman sya dahil hindi lang naman yun ang pagkukuhanan ng grado ng isang estudyante.

BINABASA MO ANG
My GGSS Boyfriend
RomansaNapakacold. Napakasuplado. Napakabossy. Napakapauso. Napakafeeling. Napakawalang-kwenta. Napakapusongbato. Gangster kunno na mahina ang suntok. At higit sa lahat ay GWAPONG GWAPO SA SARILI (GGSS). Nakakarindi ang bawat sasabihin nya tulad ng " Po...