MAX'S POV
* GEAN'S CALLING...*
' Sasagutin ko ba to? Tsk! '
( ~___ ~ )
Inaccept ko ang tawag nya at itinapat ito sa'king tenga.
" Hello? Thanks God! Buti naman at sinagot mo bab-- ah, haha Max pala! Nasaan ka na ba? Nandito na ako, excited kasi akong makita---"
" Papunta na ako, maghintay ka muna dyan" putol na sagot ko at bumuntong hininga pa.
( --__--)
' Hindi ko alam kung paano kita haharapin Gean, sana makaya ko'
" Ha-ha! O-Of c-course, I'll wait for you! S-Sige, mag-order na ako dito ah...para may makain na tayo mamaya--"
" Sige" mabilis na sagot ko at ibinaba na ang cellphone ko. Alam kong nabastos ko sya, pero alam kong maiintindihan nya, dahil bukod sa matalino sya'y alam na alam nya ang ugali ko.
' Sana maintindihan mong masakit pa rin sakin yung nangyari Gean, hindi ako basta-basta makakalimot sa sakit'
Tinahak ko na ang coffee shop malapit sa University, dito kasi ang meeting place namin ni Gean noon dahil napakasarap ng kape nila dito. Pareho kaming mahilig sa kape kaya naman lagi kami dito. Nakarating na ako sa shop at nakita ko na ang kinakabahang pagmumukha ni Gean at hindi ito mapakali sa kanyang upuan.
Pagpasok ko'y nagtama ang aming mga paningin. Malamig ko syang tinitigan habang sya'y makikita sa mata nya ang kasiyahang makita ako dahil kumikislap pa ang mga ito.
( ^ __^) ----> Gean
" A-Ah! Dito ka M-Max! S-Salamat sa pagpunta. Alam kong mahirap para sa'yo to kaya naman nagpapasalamat ako---"
" Ano bang sasabihin mo? " singit kong tanong dahil hindi na naman matatapos ang sasabihin nya.
' Wala pa ring nagbago sa'yo Gean, napakadaldal mo parin. Tss! '
" Haha! Oh yeah! About that?!..Max...
I just wanted to say sorry for everything...Alam kong masakit parin yung nangyari satin but I really hope na magkaayos na tayo---"Bumuntong hininga ako ng tatlong beses at tumingin sa mesa. Matagal ko nang napag-isipan lahat nang ito, na kapag magkita muli kami ay kailangan ko na syang patawarin because mistakes are common to all, but the hurtful feelings they've made are always remarkable but still you need to forgive them to catch up on happiness.
BINABASA MO ANG
My GGSS Boyfriend
RomanceNapakacold. Napakasuplado. Napakabossy. Napakapauso. Napakafeeling. Napakawalang-kwenta. Napakapusongbato. Gangster kunno na mahina ang suntok. At higit sa lahat ay GWAPONG GWAPO SA SARILI (GGSS). Nakakarindi ang bawat sasabihin nya tulad ng " Po...