MAX'S POV
Maaga kaming pumunta sa University para hindi namin makasalamuha ang mga fans ng lecheng gang na yan! Ayaw ko ng matapunan uli ng itlog at harina, kulang nalang ay magdala si Jes ng mantika para iluto ang mga ito.
" Max! Buti nalang pala pumasok tayo ng maaga noh? Tignan mo oh! Ang payapa ng kapaligiran! Hahahahaha! I love this!" sabi ni Jes habang dumadaan sa may damuhan at paikot ikot pa na tila sumasayaw.
' Abnoy! Maghintay ka mamaya dahil dudumugin na naman tayo ng mga kalahi mong abnormal'
" Max?! May naaamoy ka ba?! Leche! Bat ang baho?! Hindi ka ba naligo?! Umamin ka nga" naghihinalang tanong nito sakin habang inaamoy amoy pa ako.
' Nak nang! Ako pa di naligo ha?! Tang'na!'
" Tss! Baka naman ikaw ang hindi naligo? Isinisisi mo pa sakin eh sayo nanggagaling yung masangsang na amoy na naaamoy mo. Lumayo ka nga, ang baho" napapalayong sabi ko mula sa kanya dahil naamoy ko na nga ang mabahong amoy na yon.
' Amoy tae sya! Grabe! Akala ko ba nagjebs na to kanina? Nakakahiya'
" Hoy! Naligo ako't nagbawas kanina ha! Wait baka naman kasi ikaw y---"
" Leche ka! Sakin mo pa sinisi! Tignan mo yang sapatos mo baka may naapakan ka dahil nasa damuhan ka kanina!" inis na sabi ko sa kanya't lumayo na dahil ang sama ng amoy ng hangin.
( O__O )
" Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Huhuhuhuhuhu! Bakit nakaapak ako ng tae?! Bwisit! Bwisit talaga! Yuck! Dugyot! Grabe! Ang baho! Amoy imbornal! Pota! Sino ba kasing tumae sa damuhan?! Nakakadiri! Waaaaaaaaaaaa!!!! Help me Max!" sigaw ni Jes sa likuran ko matapos nyang nakita ang kanyang sapatos.
' Nakakadiri ka! Hahahahaha! Wtf?'
" Katangahan yan Jes, dun sa damuhan mo uli ipagpag ng maalis agad. Nakakadiri ka Jes! Mauna na ako sa room! Linisin mong mabuti ng di maamoy sa room mamaya" natatawang sabi ko't dumeretso na sa room at nagulat ako ng may mas maaga pa samin ni Jes.
Tumingin ito sakin kaya binigyan ko sya ng tipid na ngiti. Hindi ko sya classmate kaya nagtataka ako kung bakit sya narito. Kumunot ang noo ko't tumingin ng maigi sa kanya.
( --__-- )
' Sino naman sya? Di ko sya kaklase, nakakasigurado ako'
" A-Ah hahaha! Nakiupo lang ako dito, sorry aalis nalang ako" nahihiyang sabi nya na nakayuko pa at hindi nakatingin sa mata ko.
" Ayos lang...pero kung gusto mo ng umalis ay ayos lang din, baka kasi dumating na din yung mga kaklase ko" malumanay na sabi ko at saka ako umupo sa upuan ko.
" Sige... Hehehe! Paalam! " ani nito at tumayo't umalis na sa kanyang kinauupuan patungo sa pintuan pero bago ito tuluyang makaalis ay tumingin ito sakin. Kakaiba ang tingin nyang iyon, yung kaninang nahihiyang mukha nya ay biglang nagbago, ngumisi ito sakin at masamang tumingin na tila papatay ng tao. Umalis na ito ng tuluyan at naiwan naman akong napaisip sa kakaibang aura ng babaeng iyon.
"Huy! Anong nangyari sayo? Bakit tulala ka dyan? Wala ka na bang naaamoy? Grabe! Ang baho nung tae! San ko ba nakuha yun?! " inis na sabi ni Jes at hindi makapaniwala sa sinapit nya kanina lang. Hindi ko sya gaanong maintindihan dahil iniisip ko yung babaeng yun.
' Sino ka ba? Tss! Ayaw kong intindihin ka ngayon. Baka naligaw ka lang pala dito, ayaw ko namang manghusga ng tao'
Nagsimula na ngang magsidatingan ang mga kaklase kong hawak ang kanilang cellphone na sobrang mahal at bag na original at may tatak pa, tila ba nagtatalbugan sila at ipinapakita sa iba kung gaano sila kayaman.

BINABASA MO ANG
My GGSS Boyfriend
RomantikNapakacold. Napakasuplado. Napakabossy. Napakapauso. Napakafeeling. Napakawalang-kwenta. Napakapusongbato. Gangster kunno na mahina ang suntok. At higit sa lahat ay GWAPONG GWAPO SA SARILI (GGSS). Nakakarindi ang bawat sasabihin nya tulad ng " Po...