Chapter # 7

22 2 0
                                    

WEB'S POV

' Kainis! Sobrang nakakabanas ang babaeng yon! Fuck! Shit! Napahiya ako sa mismong harap nya! Badtrip! '

Kasalukuyan naman na nandito kami ngayon sa may mini park kung saan napapalibutan kami ng malalaking puno at kasalukuyan nga akong nakangiwi sa harapan nilang lahat habang pinag-uusapan nila ang babaeng tomboy na yon.

" Aba'y akalain mong matalino pala yung babaing yun! Napanganga ako sa mga sagot nya kanina tol! Bwahahaha! " si Youi

" Psh! Ano namang kamangha-mangha dun Youi?! E sinagot nya lang naman ang tanong ni Miss kanina. Ang babaw mo" medyo inis na sabi ni Cin.

" Tsk! Kaya mo bang sagutin yung tanong ni Miss kanina? " si Clau

" H-Hindi...pero hindi ako namangha sak--"

"Asus! Hindi daw! Sino niloko mo ulul! Nakita kanina kita, hindi ka nga kumukurap habang nakatitig sa kanya eh! " si Yogi

" A-Anong! Hoy! H-Hindi a-ako nakatitig ah! " depensa ni Cin kay Yogi na ngayon ay nakangiting mapang-asar. Nanunuod naman ako sa pagtatalo nila at iniisip din kung namangha ba ako.

' Tss! Wala naman dapat ikamangha sa kanya! '

" Bwahahahahahahahahaha! Yang si Web ang malupit! Swerte mo't naisalba ka ni ice prince---"

" Tss! Gago" Nagkataon lang na nagmura sya at nakita sya ni Miss terror este Terry na nasa labas.

' Ano namang ginagawa nya sa labas ng room namin? '

" Pero.. Hahahaha! Sya ba talaga yung nagmura?! Tang*na mga tol! Naturn-off na ako pero nung nakasagot sya! Grabe naturn-on uli ako sa kanya! Hahahaha! Ang angas nya pa! " tuwang-tuwa na sambit ni El. Kaya naman malamig ko syang tinitigan.

' Ibig sabihin may gusto ka sa tomboy na yun? Wala kang taste Elocks'

" Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya El? " seryosong singit ni Chad sa kanya at napatingin naman kaming lahat sakanya.

'Tss! Seloso ang kumag'

" Syempre naman Chad! Kahit mukha syang tomboy ay maganda naman sya! Sino namang di magkakagusto sa kanya? " masayang sabi ni El at medyo nagtiim ang bagang ni Chad.

' Sabi ko na nga ba't may gusto din to sa babaeng yun eh! Tss! Hindi naman sya maganda! Mas maganda pa si Ana sa kanya no! '

" El, itigil mo na yang paglalaro mo sa mga babae. Wag mo syang isama sa mga laruan na koleksyon mo" seryoso pa ring sabi ni Chad kay El kay kumunot ang noo ni El na tumingin sa kanya.

" Hindi ko naman sya totally na gusto Chad, hindi sya yung tipo kong babae, nagugustuhan ko lang sya dahil kakaiba sya. Ano bang problema dun Chad?" kunot-noong eksplanasyon ni El at para bang biglang nagliwanag ang mukha ni Chad.

" Akala ko kasi... "

" Akala ko liligawan ko? Hahaha! Ayaw ko namang matikman ang sapak ng babaeng yun noh! Gusto ko yung masayang kalaro at magpapatikim sakin ng heaven dude! " birong sabi ni El at natawa naman kami sakanya.

' Kahit kailan talagang babaero ang lalakeng to! '

" Hoy ikaw Web! Aminin mo nga, ikaw yung pumatid dun kay tomboy no! Bwahahaha! Laughtrip yun pare! " hagalpak na tawa ni Clau at tiningnan ko lang sya ng walang gana.

" Tss! Naasar kasi ako ng makita ang pagmumukha nya, kaya ginantihan ko" tinatamad na sabi ko sa kanya at hindi na muli syang tinignan.

" The more you hate, the more you love" singit bigla ni Dongie kaya't napatingin bigala kami sa kanya. Asar na tinignan ko sya dahil sa sinambit nya.

My GGSS BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon