Natapos na ang ilang buwan simula noong umalis si Selena dito sa Masigla. Wala padin kaming balita tungkol sakanya. Para siyang multong naglaho ng isang iglap.
Sa kabilang banda, hindi ko padin namin nakakausap si CJ tungkol sa nangyari. Sabi ni Irina, kung maaari ay wag na daw naming ipaalala si Selena sakanya. Hindi rin namin siya nakakasama ng madalas dahil laging si Irina ang kasama niya. Lagi siyang nasa bahay ni CJ. Lagi siyang lumuluwas galing Maynila.
Naiintindihan naman namin dahil siya lang yung nakahandle kay CJ noong panahon na sumuko na siya sa buhay.
Ngayon ay napagkasunduan ng barkada na mag outing. Kasama sila tita Elaina at ang mga bata. Para naman kahit papaano ay maibsan ang lungkot ni CJ. Kung maiibsan nga.
"Fiesta na naman ng Masigla next week." Pagbuntong hininga ni Mico.
"Yeah right. That's the first time we met Selena." Pagrereminisce ng my love ko.
"Shhh. Bad word na yan pre." Pagsaway sakanya ni Mico.
Tama. Yan nga yung unang gabi ni Selena dito sa Masigla. Noong dinala ko siya sa sayawan.
"Pero nakakamiss din si Lorry noh? Kamusta na kaya siya?" Malungkot na tanong ni Mico.
Oo at nakakamiss naman talaga siya pero nangingibabaw sakin yung galit.
Galit ako dahil iniwan na naman niya si CJ. Galit ako dahil tinuring ko siyang best friend tapos hindi man lang siya nagpaalam sakin.
"Anyway, Mico san ba mag-aaral si Denise next school year?" Tanong ko para maiba ang usapan.
"Same school." Sagot niya.
"Aww. Bakit kasi di nalang siya magtransfer satin para naman hindi na ako one of the boys sa school pagkasama ko kayo." Suggestion ko.
"I'll try to convince her. Para naman din mabantayan ko siya baka bigla din siyang mawala gaya ni bad word." Aniya kaya binatukan tuloy ni my love.
Nasa gitna kami ng pagbabangayan nang dumating si Denise. Speaking of the devil charot angel nalang HAHA.
"Guysss?" Intro niya at diko maexplain ang facial expression niya.
Para siyang pagod or nahaggard lang ang vaklang to?
"Gutom na ako. Di pa ba tayo kakain?"
"Ayos ka ah kakarating mo lang pero gutom ka na? Kung tumulong ka kayang—" madami pa sana akong isesermon pero tinakpan ng my love ko ang bunganga ko.
"Hoy, Mico anong nakakataw—" tinakpan ulit. Ang galing.
Nasan na ba kasi ang best friend ko at yun na nga lang ang tanging kakampi ko. Hinanap ng aking precious eyes si CJ at nakita kong naupo siya sa buhangin at nakatingin sa malawak at kalmadong dagat.
Pinuntahan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Kumusta ang bff ko?" Tanong ko.
"Heto, nagmo-move on." Sabi niya at ngumisi. "Yun kasi ang gusto niya, kreng. Alam mo namang gagawin ko kahit anong gusto niya."
Grabe nga. Napakatanga.
"Good luck. Sana ng magawa mo. Wala ka pa namang konsepto ng pagmo-move on. Pero seryoso bff, gusto mong mag move on talaga? May irereto ako sayo." Sabi ko. Humalagpak siya ng tawa. Tawa na kay tagal kong hindi nakita.
"Kung ano anong naiisip mo. Tara na nga kumain na tayo. Baka maretohan mo pa ko ng gaya mong sakit sa ulo." Tugon niya inilahad pa niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
Kung hindi lang 'to broken hearted baka nabugbog ko na 'to. Sabihan ba naman akong sakit sa ulo? Tanungin ko nga si Kyle mamaya kung totoo ang chismis.
"Pareng CJ, hindi pa 'to pumapalya. Laging pasok sa banga." Sabi ko ng nakatayo na ako.
"Ipasok kaya kita sa banga." Pambabara niya sakin. Mali pala ako, hindi ko 'to kakampi tapos iniwan pa ako.
Pinilit kong humabol.
"Totoo nga! I search mo sa socmed, Luna Madrigal!"
_______________________________________
©2026
All rights reserved
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (Completed)
Fiksi UmumCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
