Chapter 46

385 4 0
                                        

CJ's POV

I was just looking at her dancing with Kyle in the middle of the crowd and now I lost sight of her. Where the f*ck did she go?



This must be crazy but I'm hoping I can talk to Selena tonight pero hindi ko alam kung umuwi na ba siya o sadyang hindi ko lang siya makita.




"Baby, why aren't you asking me to dance? Com'on I want to dance." Aya sakin ni Samantha.



Tatayo na sana ako nang hingal na hingal ang isa kong kaklase at parang may gusto siyang sabihin.



"Zamora, si Selena nakita kong sinakay ng isang black van. Parang wala siyang malay!" Natataranta niyang binalita.




My heart raced its beats the moment I heard those words.




"Nakita mo yung plate number? What's the freaking number, Santos!?" I yelled.



Almost everyone turned their heads and looked at me 



"W-Walang plate number."



"What the hell!" Sigaw ko at napasipa ako sa upuan malapit sakin. Napansin ko ang pagkagulat ni Sam sa ginawa ko pero wala akong panahon para intindihin muna ang nararamdaman niya dahil sa mga sandaling 'to, kailangan kong mahanap si Selena at yun ang importante.



Tumakbo ako palabas at sinundan naman ako ng barkada. Sa mismong kalsada ay naka park ang sasakyan ni Selena at nakabukas ang mga pintuan.



"Oh my gosh, I'm so worried for my twin." Naiiyak na sabi ni Sam.



Para akong mamamatay sa kaba at hindi ko na alam ang uunahin kong isipin o gawin.



"Sinong pwedeng gumawa nito?" Tanong ni Coleen.




"Sino pa ba ang may motibong gawin yun maliban sa Mama mo, CJ?" Tanong naman ni Mico.



He's right.



Agad kong dinial ang number ni Mama at sumagot naman siya.




"Ma! What did you do to Selena!? Don't dare to touch her and I swear!" Galit na galit kong sinabi.




"Poor Elaina, lagi nalang siyang sinisisi when in fact wala naman siyang ibang ginawa kundi protektahan ang mga ari-arian ng mga Villaruel." Natatawang sinabi ng babae na alam kong hindi boses ni Mama.




"Sino ka? Bakit nasayo ang cellphone ni Mommy?"




"You will find out once you get here. Bilisan mo lang Zamora dahil ayoko na pinaghihintay ako." Sagot niya at binabaan na ako ng tawag.
Napamura ako ng malutong dahil sa narinig ko.




"Who were you talking to if it's not tita Elaina?" Tanong ni Kyle.




"I don't know." Napasabunot nalang ako sa buhok ko.




Kung hindi si Mama ang nakausap ko, then who is she? Ibig sabihin ba nito ay hawak din niya si Mama? Cause knowing my mother she would never trust anyone with her personal things.




"It's Selena's phone. I'll try to open it in case we find something helpful here." Sabi ni Sam. Sinunukan niya ang face recognition nito at nabuksan nga niya.




Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha ni Sam dahil tila naguguluhan ang itsura niya.





"You saw something?" Tanong ko pero umiling siya.





ASTROPHILE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon