Chapter 50

1.6K 11 3
                                        

Nakahanda na ang lahat.



Nakahanda na akong iwanan ang lahat.



Nakahanda narin ang lupang lalamon sa kapatid ko.



Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. Nang hindi ko na ito matanaw pa ay oras na para itama ang lahat.



"Bago sana tayo umalis ay gusto kong pakinggan niyo ako. For the last time, I want to speak." Pangunguna ko. "I will tell you things beside my sister's grave and you as witness and receivers of my word. Hindi ko tinatanggap ang iniwan sakin ng kapatid kong yaman. I am revoking it and take this as my will that half of the hacienda Villaruel will be given to our beloved farmers and the rest will be given to my parents." Sabi ko at tumalikod na.




Nagpaalam naman ako sa mga magulang ko kung saan ako pupunta. Nung una ayaw nilang umalis pa ako dahil nawala na nga raw ang isa nilang anak tapos ay lalayo pa ako pero sinabi ko na kailangan kong lumayo dito.




Kailangan kong huminga.



Kailangan ko ng oras dahil tila nauubusan na ako ng panahon para kilalanin ang sarili ko.


Kailangan kong ring ilayo ang magiging anak ko sa mga taong hindi ko na kayang pagkatiwalaan.



Kailangan kong maghilom.



Nang natapos ang libing ay nagpaiwan muna ako sa puntod ng kapatid ko. Pinagmamasdan ko lang ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. May iniinda na pala siyang sakit dati pa tapos nabigyan ko pa siya ng pasakit dahil sa namagitan samin ng lalaking mahal niya.
Akala ko ay mag-isa lang ako pero nang pagtalikod ko ay doon ko nakitang nakatayo si CJ.




"Can we talk?" Bungad niya nang mahinahon.



"About what?"


"About us."



"Sa dami ng nangyari, yan parin ang nasa isip mo?" Mahinahon kong tanong.




"Kailan ka ba nawala sa isip ko para hindi ko rin maisip yung tayo?"


"Walang tayo, CJ. There was no us. Hindi porket wala na ang kapatid ko ay dapat na nating ituloy kung anong meron tayo dati. That was all in the past, Charles Jacob. And what we had was a mistake. Let's try to move on at pipilitin kong wag nang bumalik dito para hindi na natin maalala ang isa't isa. Maraming salamat sa lahat sana wag mong isara ang puso mo sa sandaling titibok ito para sa iba. Gusto ko lang malaman mo na sa lahat ng kasinungalingan sa buhay ko ay yung magmamahal ko sayo yung tanging totoo. Bye, CJ." Sabi ko at tuluyan na siyang iniwan doon sa kinatatayuan niya.



Sinabi ko ang mga bagay na alam kong impossible para sakin. Dahil alam kong kailan man ay hindi na ako makaka-move on. Kailan man ay hindi ko siya makakalimutan. Lalo na at dala ko ang araw-araw na magpapaalala sakanya.




Sa daan ay nandoon na ang sasakyan at naghihintay sa labas si mang Francis at noong nakita akong papalapit na ay binuksan agad niya ang pinto at sumakay na rin ako.
Mula sa bintana ay pinagmasdan ko siya sa kinatatayuan niya. Nandoon parin siya kahit pa bumuhos na ang ulan ay hindi siya umalis. Hindi ko na kayang tignan pa siya at baka kainin ko lang lahat ng mga sinabi ko.



"Tara na, mang Francis."




The heavens are crying for two reasons. Maybe because the rain is too heavy to carry or maybe because it sympathizes with me.




I remembered what my sister said in that farewell video that she's one of the stars now. I used to hate the night, for me it was a time when pain and sorrow takes over for the darkness rekindles emptiness, silence and cold. Now, I'm sure I'll be looking forward to the night in the morning when I open my eyes to look at the stars and to find which one of them was my sister.



Till then will I learn to love myself as much I'll love the starry sky.




“...when he shall die, take him and cut him out in little stars, and he will make the face of heaven so fine that all the world will be in love with night and pay no worship to the garish sun.”

-William Shakespeare
Romeo and Juliet

ASTROPHILE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon