Author's Note:
Konti nalang matatapos na tong first book ng Celestial Trilogy. Please do support and vote guys.
Sorry sa paisa-isang update soafer busy kasi ng tanging ina niyo. Syempre mommy duties. Anyways, enjoy reading! XOXO
_______________________________________
CJ's POV
"Sinong kinakawayan mo? Para kang tanga." Puna ni Kyle kay Mico.
"Si Lorry." Sagot niya at bumuntong hininga. "Nakakamiss naman siya kabonding." Dagdag pa niya.
"Was she okay now?" Tanong ni Kyle.
"Sabi ni Denise okay na daw siya. Period cramps tsaka alcohol intoxication daw." Sagot ni Mico. "Master, mapapanis yang laway mo niyan." Pang-aasar pa niya sakin.
"You're oddly quiet." Dagdag pa ni Kyle.
"I'm in trouble." Tipid kong sagot.
"What's going on?"
"Bakit master?"
"Sam knows what I had with her twin. Ang mahirap pa, nangako akong kakalimutan ko na si Selena which I think is impossible." Sagot ko.
"Hindi yan impossible kasi nandiyan naman na yung totoong Lorraine mo." Mico replied.
"They're f*cking identical, bro. Everytime I look at Sam I see Selena." Heto yung nakakainis, yung hindi ko masabi ng deretso yung gusto kong sabihin minsan pag magkasama kami ni Samantha dahil napapaisip pa ako baka kasi may masabi akong tungkol sa kapatid niya nang hindi ko namamalayan.
"Then take advantage with that hatred you have for Selena to get over her." Sabi ni Kyle.
"Galit ka parin ba kay Lorry, master? Diba pwedeng mag-usap muna kayo for the last time para naman may closure yung nangyaring misunderstanding... bago siya umalis."
Ang problema ko ay tila hindi ko magawang magalit sakanya sa kabila ng paglilihim niya.
Aalis na talaga siya?
"Aalis siya? Paano ang mansion at hascienda?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat lang si Mico.
"Nandiyan naman si Samantha. Kaya na niya yun, you'll help her anyway." Sabi ni Kyle. Hindi ko yun pinansin.
"Mico, kailan siya aalis?" Tanong ko out of the blue.
"Bukas daw." Sagot niya.
WHAT!? Bukas na agad-agad? Binitbit ko ang bag ko at nagmadali akong umalis. Tinatawag ako nina Kyle pero hindi na ako lumingon. Tumakbo ako para pumunta sa building ng Business Ad at nagbabakasakaling may panahon pa ako para makausap siya.
Oo, alam kong nangako ako kay Samantha na kakalimutan ko na siya. Pero tama si Mico, dapat makapagusap kami para kahit umalis na siya bukas ay matuldokan na ang lahat-lahat samin. For us to continue our lives individually.
Pero nang makarating ako sa building nila ay nakapagsimula na pala sila sa klase nila. Nakita ko si Selena sa gitna nakaupo at seryosong nakikinig. Hindi na ako nagtagal pa doon at sa kabilang building naman ako pumunta.
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase niya nang pumasok nalang ako bigla sa classroom nila. Buti nalang at wala pa yung prof nila.
"Coleen, I need your help." Sabi ko at hinigit siya sa kamay. Nagrereklamo siya dahil busy pa daw siyang nakikipagchismisan.
"Ano ba yun. Para kang kabuteng biglang sumusulpot." Pagtataray niya.
"Can you set up Selena this afternoon? Kailangan ko lang siyang makausap and please, krengkreng. Don't tell anyone not even Kyle about it." Sabi ko at iniwan na siya.
"Wow! Pumayag na ba ako!? You're welcome ha!" Sarkastiko niyang sinigaw.
"Please Coleen, I really need your help right now. Ayokong may pagsisihan ako kung papalagpasin ko pa tong pagkakataon na 'to."
"CJ, ano pang silbi ng pag-uusap niyo ni Selena? Malinaw pa sa distilled water na nilinlang ka niya, para ano? Para masolo niya ang mansion at hascienda na kay Samantha naman pala? O para agawin ka sa kapatid niya? Sorry bff pero hindi kita mapagbibigyan." Tanggi ng kaibigan ko at tumalikod na siya pero pinigilan ko siya at hinarap ulit siya.
"Coleen, please. Kailangan ko siyang makausap for the last time." Giit ko at tinitigan siya sa mga mata.
Bumuntong hininga siya at sinabing,
"Susubukan ko pero hindi ko masisiguradong makikinig siya."
_______________________________________
Pumunta ako sa sinabi ni Coleen na tagpuan namin ni Selena at yun ay sa tambayan. Dito ang lugar na malabong makikita ni Samantha dahil hindi pa siya nakakapunta dito.
Ilang oras din ang lumipas nang mainip ako at tinawagan ko na si Coleen.
"Coleen, what the heck? I've been waiting for almost two hours here. Dadating ba siya o hindi?"
"CJ, sinabi ko naman sayo na hindi ko sigurado kung pupunta nga siya. Kaninang hapon ko pa siya sinabihan."
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (Completed)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
