Chapter 47

378 3 0
                                        

Selena's POV


Ang ibig-sabihin pala lahat ng 'to ay hindi niya ako totoong pinatawad.




"You know what? Hon, loving you for real wasn't in the plan but when I did, I chose to spare you. Kapag nalaman ko kung ikaw nga ba talaga ang tagapag mana ay hindi na kita papatayin pa. Bakit ko gagawin yun kung pwede naman tayong magpakasal at makuha ang lahat ng yaman niyo nang legal. But! You f*cked my cousin." Kwento ni Lance.




"Loving me? I don't think you ever did. Dahil kung mahal mo 'ko hindi mo gagawin 'to." Giit ko. "Why not tell me everything now, Cameron. Who killed my grandparents? Was it you or your lunatic sister?"





"Bakit hindi mo tanungin ang nanay ni CJ? Pagsalitahin niyo." Utos niya sa mga nagbabantay kay tita Elaina.




"Wala akong pinatay o pinapatay,  Lance. Dahil kayo ng kapatid mo ang pumatay sakanila!" Sigaw niya at sinampal naman siya ni Yssa.




Kung hindi pala siya ang pumatay kina Lolo at Lola, bakit hinayaan niyang husgahan siya ng mga tao na siya ang may gawa nito?




"Walang hiya kayo! Wala kayong puso! Hindi na ako magtataka kung pati pagkamatay ni mang Jasper ay kayo ang may gawa. I can't believe that I trusted, loved and cared a killer!" Sigaw ko at doon hinawakan ako ni Lance sa pisngi gamit ang kamay niya.




"Alves I'm warning you." Banta ni CJ.




Heavens, if this would be the last time my eyes are open then I want them to see the man I love for the last time.




"Kuya, just make her give the code." Sabi ng kapatid niya.



"You heard my sister, Selena. Tell me the f*cking code." Utos ni Lance sa akin.




Paano ko ibibigay ang code eh ako nga mismo ay hindi ko alam.




"Hindi ko nga alam eh hindi naman ako ang tagapagmana na sinasabi niyo."




"Wag mo kong pinapaikot, Selena. Maikli ang pasensya ko." Sabi ni Lance at natakot ako nang sakalin niya ako at itutok sa ulo ko ang baril na hawak niya.



Ito na ba?


Dito na ba matatapos lahat?




"F*ck you, Lance! Bitiwan niyo 'ko!" Pagpupuniglas ni CJ pero binigyan siya ng mga bantay ng sunod-sunod na suntok.




"C-CJ..." Tawag ko sakanya habang umiiyak at hirap na hirap sa paghinga.



"Selena...just give it to them please." Pagmamakaawa ni CJ.




Ano ang gagawin ko kung hindi ko naman talaga alam. Bahala na, magi-imbento nalang ako.



"2..." Dahil doon ay binitawan na ako ni Lance sa leeg. Napaubo ako at hirap kong hinabol ang paghinga ko.
Anim na numero lang ito at pag nalaman nila na nagsisinungaling ako, papatayin na nila kami.
"7, 0, 5, 1...8." Nang sinubukan ito ni Yssa ay nagulat akong nabuksan niya ito. Ang mga numero na yun ay serial number ng last will ni Lolo at yun nga pala talaga ang code.



Kaya siguro iningatan yun nila Ethan.



Nang mabuksan ito ay puro papel ang laman nito. Walang pera o ginto na gaya sa mga pelikula. Kinuha ni Yssa ang isa sa mga ito at binasa. Bakas sa mukha niya ang inis lalo na nung ipakita niya ito sa kapatid niyang traydor.




"Kayong dalawa," turo niya sa mga tauhan nila. "Get her f*cking twin." Utos ni Yssa.





Wait, what? Bakit nila ipapahanap si Sam? Anong nandoon sa papel na yun?


"Lance, ako nalang please wag na si Samantha." Naluluha kong pagmamakaawa.




"Oh, hon. Looks like your Lolo has been messing with you and your twin. Ang nasa loob ng vault ay ang totoong testamento ni Don Leandro. I wonder why they made you believe that you're the true heir?" Sagot niya.





I'm so confused. Alin ang totoo sa dalawa? Hindi kaya yung code lang ang dahilan kung bakit itinago at iningatan nila Ethan ang will ni Lolo na ako ang nakalagay na heir. Or could it be possible na distraction lang ang papel na yun at etong nasa vault lang talaga ang totoo. Nevertheless, wala na akong pakialam diyan. Ang importante ngayon ay kung paano ako makakaligtas.




"Tie him up." Utos ni Yssa sa mga tauhan niya na igapos si CJ.





Sa puntong ito ay nakakaramdam na ako ng konting kirot sa tyan ko at dahil doon ay kumakalabog ang dibdib ko na baka may masamang mangyari sa pinagbubuntis ko.



Itinayo ako ni Lance at hinatak naman ako ni Yssa.




"Where the f*ck are you taking her!? Selena!" Paulit-ulit na sigaw ni CJ at wala akong ibang nagawa kundi ang maluha.




"Bitawan moko!" I shouted in Yssa's face. Nakatanggap naman ako ng sampal mula sakanya.





I was planning to attempt to run when Lance took a glance outside the window and I'm about to run when we heard a loud police siren.



Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.



"Take her to the pool." Utos ni Yssa sa kapatid niya. Tinutukan ako ni Lance ng baril sa likod ng ulo at nanginig ako dahil sa ginawa niyang yun.



"Lakad, Selena. Make it fast." Utos niya.



"L-Lance, hindi ikaw 'to. Alam kong mabuti kang tao so please itigil mo na 'to."



"Shut up and walk!" Galit niyang sinabi.



Nang makarating kami sa pool ay pinalusong niya ako sa tubig. Tantya ko ay malapit nang mabukang liwayway kaya sobra akong nilalamig sa hamog lalo na ngayong nasa tubig pa ako. Nanginginig ako sa lamig at takot lalo na nang ipulupot ni Lance ang braso niya sa leeg ko at nakatutok parin ang baril niya sa ulo ko pero ngayon ay nasa sentido ko na. Hindi nagtagal ay nakarinig kami ng mga putukan ng sa loob ng mansion.



"CJ..." Nag-aalala kong binanggit ang pangalan ng huling taong gusto kong makita bago ako mawala.




"You're about to die and yet pinsan ko parin ang nasa isip mo, Selena?" Nariin niyang binulong sa tenga ko.



"Minahal mo ba talaga ako, Lance? Sa lahat ng pinakita mo sakin, alin dun ang totoo? I cared for you when you were in a coma and now you're taking my life? Hindi ba parang unfair yun?" Naiiyak kong sinabi.




"That was in the past, Selena."

ASTROPHILE (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon