*the evil inside 1*

32 1 0
                                    

the evil inside

1

Tinatakpan ni rosalina ang dalawang tainga niya..madame siyang naririnig.,,mga alala na sinasaktan siya nga mga grupo ng kabataan. 

nagising siya sa pagkakatulog. nahihilo siya. uminom siya ng tubig. nang biglang tumunog ang luma nilang orasan.

tumingin si rosalina sa may bintana. heto na naman ang 'eerie feeling'. lumingon siya sa kanyang likuran tumambad sa kanya ang patay na itim na ibon. hindi niya alam kung paano napunta iyon. 

"mom! dad! help me!" natakot siya sa nakita. nilapitan niya ang patay na ibon. wala itong ulo. nang hawakan niya ito bigla nalang itong naglaho.

bumaba si rosalina

para sabihin sa mama niya ang nangyari. 

samantala ang mga kaibigan ni rosalina ay nagpaplano na bisitahin si rosalina. alam nilang maysakit at para pasayahin ito dun sila magsleepover. 

"excited na ako, tinawagan ko na sina jeralyn at conrad susunod na lang daw sila sa atin mam'ya." ani ni janice kay edielyn. 

"what?!mas maganda kung sabay-sabay tayong 

pupunta doon!" si coleen.

Napabalikwas ng bangon si rosalina nang makarinig siya ng malakas na katok. nang buksan niya ang pinto tumambad ang mga kaibigan niya. si coleen ang pinakaclose niya sa lahat. ang dalawang babae na laging kapit-tuko ay sina edielyn at janice. kasama rin nito si jeralyn at ang boyfriend nitong si conrad. at ang huli ay si jay ang ex-boyfriend ni jeralyn. 

kahit paano ay nakaramdam siya ng tuwa sa pagbisita nito sa kanya. pero mas nanaisin niya na sana hindi na lang sila dumalaw pa.

"hi rosalina, hindi mo ba kami papasukin?" basag ni edielyn kay rosalina.

"bakit pumunta pa kayo dito, hindi ko kayo kailangan dito! galit na sabi ni rosalina sa mga kaibigan.

"alam mo ikaw na nga itong binibisita kaw pa 'tong maarte diyan! inis na sabi ni janice. kasabay nito ang biglang pagpasok ni edielyn at janice. sumunod na rin ang iba.

"nagdala na pala ng makakain natin." ngiting sabi ni coleen kay rosalina.

tahimik lang si rosalina at nakikiramdam. 

"nagdala din kami ng alak para masaya." tuwang sabi ni jeralyn. 

Nasabi na din ni coleen kay rosalina ang tungkol sa sleepover nila sa bahay nito. kahit tutol siya napapayag na rin dahil dis-oras na rin ng gabi. 

Masayang nagtatawanan ang magkaibigan. sumayaw at kumanta. sa tuwa ay nagkuhaan pa sila ng litrato sa isat-isa. 

nang kinunan nila si rosalina ay nagulat pa ito. dahil doon biglang bumagsak ito sa sahig. na ikinatuwa ni edielyn.

"hahaha! parang picture lang bumagsak na! tawang sabi ni edielyn.

"oh god! ang weird ng bestfriend mo coleen." ani ni jeralyn.

"ano ba naman kayo! dapat irespeto niyo siya nandito tayo sa bahay niya! inis na sabi ni coleen sa mga kasama pero sa halip na mag-sorry tinawanan lang siya ng mga ito.

"it's ok coleen. pupunta lang ako sa kusina para kumuha ng tubig."

kumuha ng tubig sa kusina si rosalina. ininom niya ito babalik na sana siya sa living room ng biglang may naramdaman siyang nahulog mula sa kisame.

dahan-dahan niyang nilapitan ito. para hawakan. nagulat siya sa nakita.

"Coleen?...Coleen?..." nanginginig ang mga kamay ni rosalina. kitang-kita niya na may sugat ito sa mukha, duguan ito at may mga kalmot sa kamay. 

nang tangkain niyang hawakan ito ay may humawak sa kanyang balikat na ikinagulat niya.

"ah rosalina?" takang sabi ni coleen. "ano'ng nangyayari sayo gusto ko lang sanang..." 

"don't touch me!"histerical na sabi ni rosalina.

"bakit? ano 'bang nangyayari sau? may dinaramdam ka ba? sunod-sunod na tanong nito.

"N-nakita kong namatay ka, marami kang sugat sa mukha...sa braso...sa kamay...patay ka na." 

"W-what? ano ba ito rosalina, it's that idea of a joke? hindi ko na alam kung kilala nga ba talaga kita!" galit na sabi nito.

"no..no..'yon ang nakita ko kanina hindi ako puwedeng magkamali!"

biglang umiwas si coleen at binanggit nito ang sinabi ni coleen sa kanya.

"alam mo namang mentally disturbed siya di ba...siguro marami lang siyang naiisip." ani ni conrad.

"alam mo ang weird niya." sabat ni edielyn.

"that girl is a mess!" tuwang sabi ni janice.

Huminto sila sa pag-uusap ng lumapit na sa kanila si rosalina.

"oh rosalina andiyan ka pala, eto alak uminom ka di ba dapat masaya ka." sabay abot ni conrad sa kanya ng alak.

tila nagtatawanan naman sina janice, edielyn at coleen sa mga kinuha nilang picture. 

"rosalina, tingnan mo ito'ng kuha mo." sabay bigay ni coleen dito. nagtatawanan naman sa likod nito ang dalawa. si janice at edielyn.

tiningnan isa-isa iyon ni rosalina. pati na rin ang kuha ng mga kaibigan.

"what's this! ano itong nasa likod ng mga

picture niyo.?" takot na sabi ni rosalina. 

"asan?...asan? nakakatuwa ka talaga."

"pero parang may iba pa tayong kasama sa bahay?" ani ni rosalina.

"oh god! not again! stop this will you!" sabay tawa ni edielyn. at umakyat na sa itaas kasama sina janice at coleen.

lumapit din si jay kay rosalina tinapunan niya ito ng masama. 

"what a freak are you?" nakangising sabi nito kay rosalina. at mukhang lasing na lasing na rin.

paakyat na rin sana si jay nang bigla siyang

hinawakan ni conrad.

"Huwag kang gumawa ng kabastusan sa harap ko jay! huwag mong sinasabihan ng ganyan si rosalina! alam ko ang pinaggagawa mo lalo na kay jeralyn! if you touch her, pagsisihan mo ito!" galit na sabi ni conrad.

"ok fine! what done is done!"inis na sabi ni jay.

"pero gagawin ko ang gusto kong gawin." sabay suntok nito kay conrad.

"that's enough!" pumagitan na sabi ni jeralyn.

si conrad na ang umiwas at umakyat na sa itaas. napailing naman si jeralyn kay jay hindi niya akalain na magagawa iyon ni jay. na-disappoint siya dito.

samantala masayang naghaharutan sina edielyn, janice at coleen sa kanilang silid naglaro pa ang mga ito ng tagu-taguan. marami na ring nainom ang mga ito.

"edielyn...janice nasaan na kayo?" hanap na sabi ni coleen.

nasa tapat lang ang silid nila sa hagdanan. sumilip ng bahagya sa ibaba sa coleen para tingnan kung nasa ibaba ang dalawa.

*the evil inside* by *rogebelle*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon