*the evil inside 5*

19 0 0
                                    

the devil inside

5

Si rosalina ay umakyat sa kanilang attic. doon ay mag-isa lang siya ayaw niya makita ang mga tinuring niyang kaibigan. 

umupo siya sa kama. hawak niya pa rin ang kutsilyo. naisip na din niya na magpakamatay. 

itinapat niya ang kutsilyo sa kanyang kamay. nang itatarak na

niya ito ay may biglang humawak sa balikat niya. 

lumingon siya. nakita niya mismo sa mga mata niya ang bangkay nina janice at edielyn nakahawak pa ang dalawa ng kamay.

napagtanto niya talaga na tama ang mga premonisyon niya.

"janice...edielyn..." hahawakan na sana niya ang dalawa ng biglang...

______________

"ano janice para ba sa akin iyan hawak mo na kutsilyo!! galit na sabi ni edielyn. sabay lapit nito kay janice. at hinawakan niya ang mahabang buhok nito.

hindi rin papatalo si janice inumbahan niya agad ito ng saksak. pero mabilis itong naiwasan ni edielyn.

Dahil doon napalo niya ng baril ang kamay ni janice para mabitawan nito ang hawak na kutsilyo. para makabawi sinuntok niya si edielyn sa sikmura nito. 

napasigaw ito ng malakas at dahil doon nabitawan ni edielyn ang hawak na baril. na agad namang kinuha ni janice.

"oh tsk tsk! ano ka ngayon, edielyn! wala na ang baril mo!" tuwang sabi ni janice. 

hindi namalayan ni janice na nasa tabi lang ni edielyn ang kutsilyo na nabitawan kanina. 

agad agad na kinuha ito ni edielyn at mabilis niyang itinarak ang patalim kay janice. 

nagulat man sa nangyari si janice bumawi siyang

paputukon ng baril si edielyn. at tinamaan ito sa braso. 

hindi na nagpatalo ang dalawa. andyan na saksakin na sa lahat ng parte ng katawan ni edielyn si janice. at si janice naman ay sinabayan niya ng putok ng baril. hanggang sa bawian na sila ng buhay. 

habang si rosalina ay damang-dama niya ang bawat eksena sa magkaibigang janice at edielyn. kung ano ang mga ginawa nitong patayan sa isat-isa ganon din ang nangyayari sa kanya.

Napabalikwas ng bangon si jay sa pagkakahiga nang may narinig siyang putok ng baril. agad siyang lumabas ng kuwarto. pati sina jeralyn at conrad ay lumabas na rin. 

nang bumaba sila

papuntang sala. nagulat sila sa nasaksihan. 

si edielyn at si janice ay naliligo na sa sariling dugo. wala ng buhay.

"w-what happen here?! ani ni jeralyn na nanginginig ang labi nito sa nasaksihang pagkamatay ng dalawa pa nilang kaibigan.

"that freak siya ang may gawa nito!" galit na sabi ni jay.

mabilis na nagpunta ang tatlo sa kuwarto ni rosalina. 

"rosalina lumabas ka diyan! alam kong ikaw ang pumatay kay janice at edielyn!" ani ni jay na halos gibain na niya ang pintuan ng silid ni rosalina sa lakas ng pagkatok niya. hindi ito lumabas kaya binuksan na niya ang pinto.

"wala si rosalina dito."ani ni jeralyn.

"nasaan kaya ang babaeng iyon!" inis na sabi ni jay.

samantala nang tangkain ni rosalina na buksan ang pinto para makalabas nagtaka siya nakalock na ito. kinalampag niya ang pinto. natatakot na siya. 

Narinig nina conrad, jeralyn at jay ang pagkalampag ng pinto sa may attic. agad nilang

pinuntahan ito.

"rosalina...ikaw ba iyan? tanong ni conrad. 

"bakit hindi ka diyan lumabas?! sabat naman ni jay.

"hindi na ako makakalabas dito, ayaw niyang umalis ako dito!" iyak na sabi ni rosalina. 

"ano bang sinasabi mo, rosalina,please huwag na kaming takutin pa!" panic na sabi ni jeralyn.

"you're all gonna die here! dapat hindi na kayo nagpunta dito!" iyak na sabi ni rosalina.

"oh damn!!! this is bullshit! nagpapaniwala kayo sa baliw na yan!" galit na sabi ni jay. sabay punta nito sa kanyang silid.

"rosalina don't mind him ok! it's not gonna happen! just stay where you are ok! nag-aalalang sabi nito kay rosalina.

"no, it's true! mamatay kayong lahat!

"bakit ba nag-aalala ka pa sa kanya conrad? she's a freak! galit na sabi ni jeralyn sa nobyo.

"please don't make a scene here jeralyn,,,kaibigan natin siya. at huwag kang mag-alala, nandito ako para protektahan ka." ani ni conrad.

*the evil inside* by *rogebelle*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon