the devil inside
'FINALE'
Daha-dahan na lumapit si rosalina sa babaeng nasa harapan niya. humahagulhol pa ito.
lumapit siya. kinakabahan sa bawat hakbang ng mga paa niyang papalapit dito.
"sino ka? ano'ng ginagawa mo diyan? bakit po kayo umiiyak? sunod-sunod na tanong ni rosalina sa babaeng nakatalikod sa kanya.
pero hindi man lang siya nilingon nito.
"ang sabi ko...sino ka?!" pagalit na sambit ni rosalina sa babae.
bumuhos ang kaba ni rosalina ng unti-unting lumingon ang babae sa kanya.
nang tuluyang nang humarap ito sa kanya. natakot siya nang makitang walang itong mukha.
lalo siyang kinabahan nang unti-unting itong humahakbang papunta
sa kanya.
"sino ka ba? at bakit wala kang mukha."
nang papalapit....
nang papalapit...ito sa kanya na halos idikit nito ang mukha niya kay rosalina..
napansin niyang unti-unting nababalatan ang mukha nito. at nagkakaroon na ito ng mukha...
mukha na...
nagimbal siya sa natuklasan...
mukha na katulad sa
kanya...
"ako ay ikaw..." sabay halakhak nito.
kasabay nito ang pagdilim ng kanyang paningin...at nawalan ng malay...
Unti-unting minulat ni rosalina ang mga mata. bumungad sa kanya ang babaeng naka-uniform ng puti.
"miss, buti po nagising na kayo. sandali lang po, tatawagin ko lang po ang doktor niyo." sabay alis ng nurse.
"sandali lang miss." habol na sabi ni rosalina sa nurse.
ilang sandali lang ay pumasok na ang doktor kasama din ito dalawa pang nurse na lalaki at ang mga magulang niya.
"mama, papa, ano pong ginagawa ko dito? paano po ako nakarating dito? di ba nasa..." naputol ang sasabihin niya ng biglang umiyak ang mama niya.
"ma, bakit umiiyak si papa? ma, bakit po? takang tanong ni rosalina.
"anak..rosalina, please
lang tama na! tigilan mo! pinapahirapan mo lang kami ng papa mo!"
humahagulhol na sabi ng mama nito sa kanya.
"ma, ano bang sinasabi niyo? teka ang mga kaibigan ko si coleen! tama si coleen mama, nakita niyo ba ang bangkay niya?"
"matagal na siyang patay anak!! bakit ba paulit-ulit mo nalang sinasabi ito rosalina."
"ma ano 'bang sinasabi niyo? hindi ko kayo maintindihan." ani ni rosalina.
"anak, matagal na siyang patay. limang taon ka na dito sa hospital." paliwanag ng mama niya.
"ano pong sinasabi nyo na limang taon na ako dito? ma, huwag niyo kong niloloko please!" nghihisterikal na sabi ni rosalina sa ina.
"kaya nga naisip namin ng papa mo na dumito ka sa hospital at sila na ang bahala sayo."
"ma, anong ibigsabihin nito ma! pa!" naghihisterikal nitong sabi at dahil doon hinawakan siya ng dalawang lalaking nurse.
"si coleen...ikaw ang pumatay sa kanya, anak." ani ng mama niya at parang hindi siya makapaniwala sa
narinig.
_______________
"you look great with your hair today." ani ni coleen na hawak hawak pa ang mahaba buhok ni rosalina. na siyang ikinatuwa ni rosalina.
"alam mo mas maganda kong laging ganyan nag-aayos ka ng sarili. ahhmm..wait lagyan din natin ng clip then a little make-up. hmmm..that's it you look gorgeous." hangang sabi ni coleen kay rosalina.
"it's that true...thanks coleen at napasyal ka dito sa bahay."
"ok lang 'yon, friend mo ako di ba. ahhm..i take you a picture. it's that ok with you. a remembrance for me..kasi magkaibigan na tayo." ani coleen kay rosalina.
"okay sige, puwede ko 'bang isama si potchie?" suhestiyon na sambit nito kay coleen.
"who's potchie? takang tanong ni coleen.
"my teddy bear? he's cute right?"
"ah okay...say cheese. there you go..oh wow...ang ganda tingnan mo ito rosalina." tuwang sabi ni coleen.
"ito ang magiging wallpaper ko sa cellphone. sandali lang pupunta lang ako, nasaan pala ang restroom niyo dito.
"sige, diyan sa may bandang kaliwa." ngiting tugon ni rosalina.
ilang sandali lang napansin niya na kanina pa hindi bumabalik si coleen.
"coleen, oh andiyan ka pa pala sino 'yang...." naputol ang sasabihin nang makita niyang kinukuhaan ng litrato ang mga gamot niya. dahil doon inagaw niya dito ang celfone. na ikinagulat ni coleen.
'you know what she's totally a freak. look at
this guys. she named her teddy bear 'potchie'.
iyon din ang message na nabasa ni rosalina sa cp.
"let me explain,rosalina." tarantang sabi ni coleen.
"akala ko iba ka coleen. pareho-pareho talaga kayo mga manloloko!!" sigaw na sabi ni rosalina.
galit na galit ito sa ginawa ni coleen sa kanya. pinagkakatuwaan lang pala siya nito.
"rosalina, calm down...its just..." hindi na natuloy ang sinasabi nito nang biglang itinulak siya ni rosalina sa hagdan.
hindi na pala nito namalayan na malapit lang ito sa may hagdanan. na siyang nagbigay kay rosalina nang pagkakataon na itulak siya pababa.
tuwang-tuwa naman si rosalina. nang makita niyang wala na itong buhay.
_______________
hindi makapaniwala si rosalina sa narinig mula sa kanyang ina.
"mama, hindi totoo iyan! sina edielyn, janice, jeralyn, conrad at jay! nasaan sila?
"anak, hindi sila totoo! sigaw na sabi ng mama niya.
"they doesn't exist! imahinasyon mo lang iyon, anak!" sabat ng ama niya.
"no, no, no!! hindi! ma, pa, bakit ayaw nyong maniwala sakin!" sambit ni rosalina tila baliw na tumawa ng malakas.
umiyak nalang ang mga magulang ni rosalina sa sinapit nito. tila baliw na at wala na ito sa tamang pag-iisip.
samantala si rosalina ay parang may sariling mundo. parati itong nakatawa at parang laging may kausap.
"hindi ninyo ako iiwan di ba? hindi kayo katulad nila mama at pa di ba?..hahaha..bakit ayaw nilang maniwala sa akin. hahahaha!! kausap nito ang mga walang buhay na
sina coleen, edielyn, janice, jeralyn, conrad at jay. hangga't nandiyan
ang mga ito hindi na
siya mag-iisa kahit na kailan...
^^the end —
