the devil inside
6
Hindi pa rin makalabas ng attic room si rosalina natatakot na rin siya dahil kung ano ang nangyayari sa mga kaibigan niya ganon din ang nararanasan niya. naguguluhan man hindi niya pa rin niya maipaliwanag ang nagaganap.
kung bakit kelangang mamatay ang mga kaibigan.
naririnig na naman niya ang bulong ng babae sa kanyang likuran.
"haha!!anong ginawa mu kay janice at edielyn..." rosalina..,ha!ha!ha! humahalakhak na bulong nito sa kanya.
"sino ka ba? nang biglang tumambad sa kanya ang bangkay ni jeralyn. naglalakad pa ito papalapit sa kanya na parang inaabot siya.
"jeralyn kaw ba yan? anong nangyari sayo? tanong ni rosalina.
kulay abo ang katawan nito. ang mukha ay nababalutan ng dugo. nalalagas ang mga buhok.
_____________
"anong gagawin natin conrad? natatakot na ako. kung totoo ang sinasabi ni rosalina isa sa atin ang susunod?" lumuluhang sabi ni jeralyn.
"huwag kang mag-alala nandito lang ako, babantayan kita at alam mo iyon." pag-aalo nito sa nobya.
"pero paano si jay, alam kong may masama siyang binabalak sayo, alam ko kung ano ang puwede niyang gawin sa atin." alalang sabi ni jeralyn kay conrad.
"alam ko! kaya nga siya sumama dito dahil gusto niyang makuha ka. pero nagkakamali siya ng kinalaban. hindi ako papayag na saktan ka pa niya ulit tulad dati." galit na sabi ni conrad.
"kailangan may gawin tayo, uunahan na natin siya!" ani ni jeralyn.
"pero paano? ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin."
"basta may naisip na ako, ako nang bahala." sabi ni jeralyn. sabay lumabas ito ng kanilang silid.
kumatok si jeralyn sa silid ni jay. nang pagbuksan siya nito ay agad niya itong niyakap at hinalikan.
"wooohw! anong nangyayari sayo jeralyn?" sabay sarado ni jay sa pinto.
"alam na niya na mahal pa rin kita jay! kaya please jay ilayo mo ako sa kanya. sasaktan niya ako. gusto mo 'bang mangyari pa iyon sa'kin!" lumuluhang ani ni jeralyn habang nakayakap pa ito kay jay.
"kailangan na nating makaalis dito. ako'ng bahala sayo." sabay labas nila ng kuwarto.
"jay anong gagawin natin, natatakot ako." ani ni jeralyn na magkahawak-kamay pa silang dalawa ni jay.
"sssh..huwag 'kang matakot nandito lang ako." pag-aasure ni jay.
pababa na sana sila ng hagdan. nang mapansin ni jay si conrad na nagtatakbo sa likod ng malaking kahon nakatayo ito at may hawak na baseball bat. nakita
niya dahil katapat nito ay may salamin.
bigla napadako ang tingin niya kay jeralyn. may hinala siya na alam niyang nito na nandoon si conrad.
"balak ninyo ba akong isahan na dalawa!! pasigaw na sabi ni jay. na ikinagulat ng dalaga. nalaman agad ni jay ang plano nila ni conrad.
"hindi jay, hindi ko iyon magagawa sayo." kailang sabi ni jeralyn.
"pero nagawa mo na!" pasigaw na sabi ni jay. kasabay nito ang paghila sa buhok ng dalaga.
napasigaw ang dalaga sa sakit na pagsabunot sa buhok niya.
"conrad, tulungan mo ako!" tawag ni jeralyn sa nobyo. at lumabas sa pinagtataguan si conrad.
"jay!! anong gagawin mo kay jeralyn! bitiwan mo siya!" galit na sabi ni conrad.
"gagawin ko ang matagal ko nang gustong gawin, conrad at wala ka nang magagawa pa!" sabay halakhak nito. kasabay din nito ang pakaladkad na pinasok sa silid si jeralyn.
"jay, 'wag mong gawin iyan kay jeralyn! mapapatay kita jay! galit na sigaw ni conrad.
pinagsasampal ni jay si jeralyn, nandiyan sabunutan nito ang dalaga at akmang hahalikan niya ito tinuhod siya ni jeralyn.
"hindi ka makakatakas sa akin babae ka! sabay hila sa buhok ni jeralyn.
nakakita ng pagkakataon ang dalaga na panlaban kay jay. may nakita siyang patalim sa sahig. kinuha niya ito.
napansin iyon ni jay na agad naman niyang nabawi kay jeralyn.
"hindi mo ako kaya jeralyn! hindi ka sa kin makukuha ni conrad. tandaan mo yan!"
"hayop ka jay! huwag mong sasaktan si jeralyn." sigaw na sabi ni conrad, gamit ang hawak niyang baseball bat ubod ng lakas niyang pinalo ang pintuan ng silid ni jay.
nanlalaban pa rin si jeralyn kay jay nanghahawakan siya nito sa beywang ay agad siyang kumalas dito. mabilis siyang pumunta sa pinto.