the evil inside
7
"jeralyn...ikaw ba 'yan?" tanong ni rosalina dito.
"bakit ka umiiyak?"
hinawakan niya ito sa balikat at iniharap sa kanya.
nagitla siya sa nakita umiiyak ito ng dugo. napaatras siya. may pumapatak din sa mga mata niya. dugo. oo dugo. umiiyak din siya ng dugo tulad ni jeralyn.
nang biglang may humila sa buhok niya halos malagas iyon sa pagkakahila...
"jay...please stop.,nasasaktan na ako." pagmamakaawa na sabi ni jeralyn.
"no! akin ka lang!" sabay hila ni jay sa braso ni jeralyn.
pilit na kumakalas ang dalaga. sakto nahawakan niya ang buhok. sa paghila ay may naiwan pang buhok sa kamay niya.
"jay...tigilan na natin ito!" harap na sabi ni jeralyn na nakasandal sa may pintuan.
habang si conrad ay pilit pa rin binubuksan ang
silid ni jay. gamit ang baseball bat. ubod lakas niyang pinalo. pero sa kasamaang-palad natamaan si jeralyn. umagos ang dugo nito sa ulo. hindi niya alam na nasa pintuan pala ito.
"oh my god!! no,no,no!" anong ginawa mo sa kanya jay!" galit na sabi ni conrad.
nilapitan niya ang nobya. tiningnan ang kalagayan. nakita niyang putok ang ulo nito.
si jay naman ay hindi makagalaw sa nasaksihang pagkamatay ng ex-girlfriend. hawak niya pa rin ang nalagas na buhok nito.
"hindi ito mangyayari jay, kung hindi mo sinaktan si jeralyn! galit na tumayo si conrad. ______________
"rosalina siya na ang susunod! ahahahaha!!" naririnig na naman niya ang bulong na iyon.
kahit na duguan ang ulo niya na para bang may malakas na pumalo dito.
pinilit niyang tumayo. pagbangon niya may humawak sa mga kamay niya.
"jay...it's that you?!" mahigpit na hawak pa rin nito sa kanya.
"bitiwan mo ako jay!" takot na sabi niya.
hindi niya maiwasan na titigan ito. ang katawan nito'y kulay abo, laslas ang leeg at maraming dugo sa katawan.
"bakit ako ang sinisisi mo ikaw ang nakapatay sa kanya?!"
"hindi mangyayari ito kung hindi mo siya kinuha sa akin kanina!" galit na sabi ni conrad.
sa galit ay sinuntok niya si jay, pumutok ang labi nito.
na agad namang bumawi si jay ng suntok.
hindi papatalo ang bawat isa halos duguan at sabog na ang mga mukha ng dalawa sa pagbubunuan.
"hayop ka jay! dapat sayo mamatay!" sigaw na sabi ni conrad. nang may nahagip siya sa sahig na patalim. agad niyang kinuha iyon.
"hahaha..!!! wala ka namang binatbat jay. mahal mo siya pero ikaw pa mismo ang dahilan ng pagkamatay niya!" kahit noon pa 'man. you're such a loser, jay!" sabay ngisi nito na nakakaloko.
Nang marinig iyon ni conrad. hindi na nagtimpi pa na saksakin ito ng hawak niyang patalim.
itinarak niya ang patalim sa leeg nito. umagos ang dugo nang bumagsak sa sahig.
"sino ang talunan sa ating dalawa jay!" ngising sabi nito sa harap ng duguang bangkay ni jay.
Umiiyak sa takot si rosalina na naramdam niya na laslas ang leeg niya. napaatras pa siya sa dami na lumabas na dugo mula sa kanyang leeg.
"rosalina..." bulong nito sa kanya. ngayon ay boses lalaki na ang naririnig niya.
tinakpan niya ang dalawang tainga. nanginginig na siya sa takot.
"please...layuan mo na ako..huhuhu,..ayoko ng maramdaman ang pagkamatay nila." umiiyak na sabi ni rosalina.
"makakasama mo na kami..."
"anong sinasabi mo na..." hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bumungad sa kanya ang bangkay nina coleen, janice, edielyn at jay. nagtaka siya bakit hindi nila kasama si conrad.
___________
"huhuhu...jeralyn, i'm so sorry. hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." sising sabi ni conrad sa walang buhay na si jeralyn.
kaya nagdesisyon na si conrad na tapusin ang buhay niya. kumuha ito ng tali at nagbigti.
_______________
"nasaan si conrad?" hanap ni rosalina.
sabay turo ni jeralyn sa kinaroroonan ni conrad. nakabigti pala ito sa may kisame. na nakatitig pa sa kanya.
"hindi...hindi ito nangyayari!" sigaw na sabi ni rosalina.
"makakasama mo na kamh ngayon, rosalina!" halos sabay-sabay na sabi nito sa kanya.
na unti-unting lumalapit ito sa kanya...
papalapit ng papalapit..
hanggang sa yakapin siya ng mga ito...
"huwag.!huwag.!huwag kayong lumapit sa akin. napapikit nalang siya nang maramdaman niya ang pagyakap ng mga kaibigan niya. malamig s pakiramdam.
nang subukan na niyang idilat ang mata. bigla na lang naglaho ang mga ito.
tumayo siya para hanapin ang mga kaibigan. ngunit bigo siyang makita ulit ang
mga ito.
may napansin siyang isang babae nakatayo di kalayuan sa kanya.
nakatalikod ito.
nakayuko.
mahaba buhok.
ang puting damit nito ay
nababahiran ng maraming dugo...