One Last Down

13 3 0
                                    


" ano po yun?"

"opo,sariwa yan, galing pa ho yan ng benguet "

"hayy nako, osige na nga po suki ko naman kayo ee."

Ibat-ibang paraan ng pagtitinda ko para lang mabuhay sa pang araw-araw, pagkain at pambayad upa..

" Francine may bibili."

"Eto na po."

" Hija pabili nga ko ng pakbet, kalahating kilo lang."

" osige po."

Palengke na ang nagsilbi kong palaruan, simula pa nung bata ako si Lola lang ang kasama ko,, wala na kong ibang tatakbuhan. Nawala na silang lahat sakin.

" Eto po o, may dagdag pa po yan para bumalik pa ho kayo."

Nakangiti ko pang sabi sa ale..

Ganito ang buhay,, parang isang palengke,, maingay, magulo,, maraming nangyayaring di maganda, minsan lugi,minsan meron namang kita,, maraming nagdadaang tao pero ang mahalaga marunong kang makiayon sa takbo. Hindi ka mabubuhay kung susuko...

Lola ko na lang ang kasama ko,, matanda na talaga siya,mga gawaing bahay na lang ang kaya nyang gawin,, nangungupahan lang din kami kay Madame Rose, isang bugaw,, pero malayo sa mga alaga niya.. Marami siyang paupahan dahil sa mga alaga nya.. di ko narin masikmura ang tumira sa ganitong lugar pero wala akong pagpipilian. Bukod sa masungit, mukhang pera at immoral na kung maituturing, mahigpit ito, kailangang bago ang bayaran ng upa ay may pambayad na kami. Sinisikap kong tugunan ang pangangailangan naming maglola pero di ko kayang pagsabayin ang pag aaral sa pagtatrabaho, hayskul lang ang natapos ko at masyadong mahal kung magkokolehiyo pa.

Si Lola Felly na lang ang tanging magandang nangyari sa buhay ko.. Kahit talagang di niya ko tunay na kadugo ay di nya ko pinabayaan. Isang gabi daw iyon ng makita ako ni Lola sa isang kahon sa basurahan.

****

Kakatapos lamang magligpit ng mga di nabiling paninda, naupo muna ko sa harapan ng tindahan habang inaantay si Aling Vilma na nagpasok sakin sa trabaho,tumingin ako sa paligid,, nakita kong humahalik na sa lupa ang mga butiki, ibig sabihin ay gabi na, mga mag-aalas otso ata..

Natapos na agad si Aling Vilma mag-ayos ng paninda.. agad kaming sumakay ng tricycle nila Aling Vilma..

Tumingala ako sa mga bituin,,

Ano bang pakiramdam ng may mga magulang, maayos na bahay na matitirahan...

Bumaba kami sa maingay, magulong squatter na ito.. mag-aalas onse na pala pero ang mga bata nagtatakbuhan pa din, andaming umiinom ,parang wala ng bukas....

Agad akong pumasok sa loob ng maliit, masikip na bahay na ito..

" Lola felly..."

Uugod-ugod na lumapit si lola sakin, inabot ni lola ang dala kong gulay at kanin.. gutom na siguro si lola..

" la, pasensiya na ah.. ngayon lang ako umuwi.."

" ok lang iyon apo.. alam mo naman sanay na rin ako sa sistema ng pagkain natin e... wala yun."

" Salamat po la.."

Agad kong pinaghanda si lola para makakain na..

" La, kain na ho.."

Masaya kaming nagkwentuhan ni lola..
Ang sarap ng tawa ko.. grabe, play girl pala itong lola-lolahan ko..

" Alam mo ba si Francisco,, pinaasa ko lang yun.. nako, apo,kung kasabayan lang talaga kita nung mga panahon ko ay maiinggit ka din sakin."

Longed For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon