" the end is not actually the end,perhaps its a new beginning. "
---
Kasalukuyang nasa isang magara at halatang mamahaling kotse.. Isang magandang babe amg nagligtas sakin, pero bakas na rin sa mukha nya ang katandaan.
" Miss Wag! "
Pagpigil sakin ng isang babae.
Dapat lang sakin to, ang mamatay na.. para kasama ko na rin ang pamilya ko.. si lola Felly.
" Ayoko na ho mabuhay."
akmang hahakbabg nako nang..." Hindi sagot yan hija! Bawat umaga may pag-asa."
" Hindi nyo po alam kung gaano ako ka malas.di nyo po alam kung anong pinagdadaanan ko. Kaya nyo kong pipigilan."
Natahimik sya. Totoo naman e.. wala syang alam.
" namatayan ka ba? Siguro oo,alam ko yung feeling ng ganyan. Namatayan din ako. Mga magulang ko."
Ako naman ang natahimik, siguro nga naintindihan nya ko..
Siguro nga di ito ang tamang pana--
" Aray!!! "
Di ko namalayang hinigit na pala niya ang aking kamay..
" Hija.. do you hear me?"
Nako! Nagsasalita ba siya...
" Sorry Ma'am,, "
" Nah, don't call me ma'am, laki rin ako sa hirap."
" Sige po Ma--
" Tita Elise. "
Pagputol nya. Napakabait ng taong ito sa akin. May mga gantong uri pa pala ng tao ngayon, matulungin..
" tita Elise.."
" Good."
" T-Tita Elise san po tayo pupunta??"
Ngumiti naman siya..
" Oo, may dalwang anak akong lalaki roon, tingin ko kasing edad ka lang nila, oo nga ilan taon kana Francine .."
" A-Ako po? Mag dedesesyete na po. "
" Napaka inosente, napaka bata pa .. malapit na tayo sa maynila, at doon kami nakatira.. "
" Kami ? "
Maragan kong tanong sa kanya." Talaga po?"
Talaga? Maynila? Matagal ko nang pinapangarap pumunta doon. Maganda daw doon sabi ni Lola Felly, maganda daw doon. Tila ba nawala ang panandalian ang lungkot ko..
" Oo hija,, may kamag-anak ka naman siguro doon no?"
Natahimik ako,, sabi ni lola, sa sobrang ganda daw sa Maynila ay napaka mapanganib din daw doon , walang sinasanto ang mga tao,walang kinikilingan, makasarili.
Pero si Tita Elise, ibang iba siya..
" W-Wala po..." napayuko nalang ako. Saan na ko pupunta ngayon niyan.. magpapakalat kalat nalang ba ata ako sa kalsada nyan,
" Ganon?! Papaano yan?"
Halatang nagulat siya doon
" Di ko rin po alam."
" Hayy nako sa amin ka na lang muna tumira."
" Nako po sobra na, wag na po, salamat po sa mga naitulo g nyo sakin. Wag na po."