" Smiles have different purposes; to express happiness,to show kindness, prove perseverance and to hide devastated feelings."
***
Hayy, naiilang na ko sa mansion na to, mga di ko sila kilala, mga nasa mataas na estado ng lipunan tong mga to, di ako nababagay dito pero wala kong magagawa, wala kong kilalang kamag-anak dito sa manila dahil ampon lang ako ni Lola.
Lola nami-miss na kita..
" Francine??"
Si tita Elise.
Napabangon ako sa kama,, agad tumungo sa pinto at pinihit ang sedura,
" Francine,, "
Ang ganda talaga ni Ma'am.
Ginantihan ko nalang siya ng isang matamis na ngiti.
" Bakit po?"
" Enrique! "
Nagulat ako sa sinigaw na pangalan ni Ma'am este tita Elise.
Agad na lumapit ang nakabusangot na si Enrique, nakaheadset pa..
" Francine may sasabihin daw si Enrique. " sabi ni tita Elise.
" sorry. " naiinip at banas na sabi ni Enrique sa kin.
Natigilan naman ako, balit parang may nararamdaman ako sa puso ko sa sinabi nya? Ay ewan.
" Umaayos ka Enrique! "
" Mom,I say it, isn't fine? Can I sleep?"
Naiinip na talaga to,,
"Say sorry ang mean it and you can go."
Sabay pinaharap sakin si Enrique, tinanggal nya yung headset nya.
" tssss. Sorry, for what Ive said a while ago. "
Alam kong di bukal sa kanya yun pero parang mag mataas na boltahe ang gumapang sa mga kalamnan ko, naramdaman ko ring namula ang pisngi ko..
" A-e w-wala po yun kara--
" Fine."
Bigla siyang umalis.
Naiwan naman akong nakatunganga, nakita ko ring nagulat si tita Elise, sabagay sinong di magugulat, kung ipinakita ng anak mo sa haral ng ibang tao ay di kaaya-aya.
" Rggh. Sorry Francine ah.. ganun talaga yun e."
Nginitian ko si tita Elise, yung peke,,para di halatang masakit.
" Wala po yun."
***
Wahhhhhh.. Sunday..
Ala-sais ng umaga na pala, makapag-ayos na nga.
Pagbaba ko, walang tao,siguro mga tulog pa...
Linis,linis
Walis,walis
Ligpit,ligpit
Ayos,ayos
Nakakapagod din pala nu,okay narin para maehersisyo ang katawan ko.. di ako sanay sa di pukpukang trabaho.
Nagluto na ko.. tipikal na agahan lang, itlog,hotdog, at yung parang manipis na karne,, prinito ko nalang yun sa mahinang apoy baka masunog, ano ba tawag dun? Belon? Beacon? Hayy, yung maninipis na gayat ng karne oo yun.. di pa ko nakakakain nun sa probinsya kasi,wala nun, hotdog nga sa syudad pa mabibili.
Pagkatapos ko maligo nag ayos na ko ,magsisimba, di naman ako katoliko , ni wala nga kong opisyal na birth certificate, noon sinasama ako ni lola sa simbahan nila at Christian Church yun.. paniniwala kasi namin, wala sa relihiyon ang pagsamba sa Panginoon nasa pananampalataya yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/48505521-288-k607686.jpg)