" In the very start, there's no competition occurs but when one of the two gets frustrated to win, something might will."
***
Nandito kami sa isang parke, ang lawak! Ang ganda!"Do you like it?"
Sabi ni Sir Enrico..
" O-Opo! Ang ganda po dito Si-
" Enrico nalang pls."
Para naman akong namula sa sinabi nya,, pero yung dahilan ay yung hiya hindi yung kung ano pa man.
" Ay sorry po.. Sabi po kasi ni Lola gumalang ako sa nakaka--
" Tanda, ganun? Mukha na ba kong matanda para sa'yo?"
Di ko alam kung may iba pang kahulugan yon pero ayoko nalang isipin.
" A-e di naman po, baby face nga po kayo ee."
" Nambola ka pa,( sabay kurot niya sa pisngi ko)"
Natawa naman kami,, magaan sa pakiramdam kasama ang katulad nya.
Napalingon ako sa gilid kung saan kami naroon ni Enrico.
Nakita ko ang isang kotse, kulay tsokolate,makintab, halatang mamahalin,maganda.
Bumukas naman agad ang bintana nito..
Isang lalaking nakashades, may headset din sya sa kanyang tainga,, s-si Enrique.
" Huuy France! Sabi ko kung gusto mo ba ng Ice Cream? Nakikinig ka ba?"
" A Oo sige sige,, "
Agad na tumayo si Enrico para bumili.
Agad din akong lumingon ulit kung nasaan yung kotse ni Enrique, ngunit wala na iyon..
Baka namalikmata lang ako kanina.
Siguro.
Bakit pa ba ako aasa? Teka,, wala yun ah,, saka wala naman syang nararamdaman sa akin. Kaya walang aasa.
Binigay sakin ni Enrico ang isang cone ng Ice cream at nagulat ako dahil sa manong sorbetero sya bumili... di sya maarte.
" Kumakain ka din pala ng sorbetes?"
" Oo naman , my dad use to bring us here then teach us how to eat this."
Napakakaiba ng pamilyang umampon sakin.. walang arte. Ang laking pasalamat ko talaga kase may ganito pang klase ng mga tao ngayon.
" Ah ganon po ba? Asan na po ba ba ang Ama ninyo?"
Biglang natahimik ang paligid ,hindi ko naman sinasadya maitanong iyon, baka siguro yun ang dahilan.
" Pasensya na Enrico. Wag mo nang sagutin , ayos lang yun."
" Iniwan nya na kami nina Mom, sumama sya sa ibang babae, di ko alam kung anong dapat maramdaman sorry kaya natahimik ako."
" A-Eh masyado po palang personal, ang akala ko lang naman po ay nasa trabaho. Pasensya na. "
Masyado na siguro akong matanong kaya mga bagay na di dapat ay nahuhungkat ko na.
" haha, wala yun, yung ice cream mo tumutulo na oh."
Ay oo nga.
" hehe.. sorry. "
Sabay higop ko sa mga malapit nang tumulong patak ng sorbetes.
" kaya ako, kapag ako nangkaroon na ko ng pamilya iingatan ko sila.."
At tumingin naman ako sa mga mata nya, puno ng lungkot at hinagpis. Tila sinasabi nito sa akin na tulungan ko ito.
" at mamahalin ko ng totoo yung babaeng magpapatibok sa puso ko.."
