Maaga akong nagising dahil sabi ni Enrico may lakad kami ngayon..
Kasama kaya si Enrique?
Kay aga-aga binuhay ako ng ideyang iyon.
Tok.tok.tok.
" Pasok ho." sino kaya iyon? Sana sya..
Agad inuluwa ng pintong iyon si Enrico,pinawi agad ng pag-asang iyon ang katotohanan.
" Good morning "
" Good morning din po."
" Ready kana?"
" opo." Masaya kong bati, at saan naman kaya kami pupunta..
" C'mon. The place is waiting"
Nakangiti nya naman sabi..
Nakakailang man ang pagtrato nya sakin,pero mabuting kaibigan si Enrico. Di naman ako bastos para itrato sya ng ganon hindi ba?Pagkababa namin sa hagdan ay agad kaming sinalubong ni Tita Elise. Nakakahiya lang dahil nakasuot sya ng magarang damit pero sya pa ang naghahanda para samin ng pagkain, ako dapat ang gumagawa nun.
" Magandang araw po." Bati ko kay tita Elise. Nahagip naman ng mata ko si Enrique. Masama ang tingin nya,, hindi sa akin.
Napatingin ako sa likod ko kung sino ang tinitignan nya.
Enrico.. ano't bakit parangmay tensyong nagaganap sa magkapatid na to.
" Enzo Enrique! At ikaw Enrico Elle! Anong problema nyo?"
" Wala po ma!" Sabay nilang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo. Nakakatuwa talaga sila..
" Aba't kumain na kayo. At may lakad ako."
" kami rin po ma, alis kami ni France."
Nahiya naman ako, kailangan pa nga ba sabihin yun? Pwede namang samin nalang. Pwede rin naman para malaman ni Enrique. Saan nanggaling yun? Nako, lumilikot na ang isip ko.
" Mom! Paano ako? Ayaw ako isama ni kuya!"
" Oh Enrico nagmamaktol na naman yung bata oh."
" Hay nako ma,yang 'bata' na iyang ang maiiwan dito. Bahala sya."
Para namang mamabali ang leeg ko sa kakabaling sa pagpapalit palit nila ng salita.
" Mom!"
" Enrico isama mo na yan. Date for three kayo."
" Date for three?!"
Napasabay narin ako dun. Nakakagulat maituturing nabang date iyon?
" Mom naman itutour ko lang naman si Frace e, walang date na magaganap."
" Yun naman pala e. Edi isama nyo na to. Baka ngatngatin pa yung couch ko kung sakali."
" Heh. Ayaw mo ba ko kasama Ranci?"
" Ranci ?" Parang gulat na gulat naman itong si Enrico at nakakunot pa ang noo nya't salubong ang kilay.
" Oo bakit, ikaw lang ba pwede magpangalan sa kanya?" Di naman nakasagot si Enrico.
Bumaling ulit ang tingin sakin ni Enrique na nagpapaawa.
Kinakabahan naman ako sayo." O-Okay lang naman po sakin." Pero ang totoo gustong gusto ko sumama ka.
" Yun naman pla e. " paningit ni tita Elise.
Mababaliw ako sa pamilyang to.
*****