Chapter 7: The Night.

17.5K 233 46
                                    

*Chapter 7: The Night.*

Jhaime's POV

Nagkulong lang ako dito sa kwarto ko. Hindi na ako umiiyak. Wala rin namang mangyayari eh. Nakatingin lang ako ngayon sa kisame habang nakatingin ako sa kawalan ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Senyorita, kakain na daw po kayo." sabi noong maid sa labas. 

"Sige salamat!" sigaw ko. Narinig ko yung yabag ng paa niya paalis. Hindi muna ako tumayo, eto nanaman tayo makakasama ko nanamang kumain 'yong mga taong 'yon. Tumayo ako kahit parang ang bigat bigat ng katawan ko, ayokong bumaba at lumabas kaso nagugutom na ako at baka sugurin pa ako ni Daddy dito at kaladkarin papunta sa dinning area. Inayos ko ang sarili ko tapos lumabas na.

Habang pababa ako ng hagdan, iyong mga nagdada-anang maid nagbobow sa akin. Pagkababa ko, bumuntong-hininga muna ako bago dumiretso sa dinning area namin. Pagkadating ko doon nakita kong nagtatawanan 'yong mga kapatid ko kasama si Dad pero noong dumating ako nawala iyong tawanan nila para bang ako 'yong masamang hangin. Hindi ko na lang pinansin 'yon. Umupo ako sa usual seat ko katabi ko 'yong Kuya ko, walang umiimik. Tahimik kaming kumakain, mga nagkikiskisang kutsara at tinidor lang ang maririnig.

Ilang minuto ding gaanon ang atmosphere hanggang sa si Dad na ang bumasag ng katahimikan, "O, Krystal balita ko malaki daw ang possibility na Magna Cum Laude ka a." masayang sabi ni Dad.

"Opo Dad, syempre ako pa!" pagmamayabang ni Ate Krystal.

"Ikaw naman, Galatea at Calvin, nabalitaan ko ding running for Magna Cum Laude din kayo." ngumiti sila Kuya kay Dad, "I'm so proud of the three of you! Hindi nyo talaga ako binibigong pasayahin ng ganito." hindi ako umiimik, tahimik lang akong kumakain. 

"E, ikaw Jhaime? Balita ko malabo daw na mag-Magna Cum Laude ka." sabi ni Kuya Calvin ng naka-evil smile. Napatingin sila sa akin lalo na si Dad na nawala agad yung ngiti niya noong marinig 'yong sinabi ni Kuya Calvin.

"Totoo ba iyon, Jhaime?!" galit niyang tanong. Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain tapos tumingin kay Dad ng walang emosyon, halata mong galit siya.

"Ano naman sa inyo kung imposibleng mag-Magna Cum Laude ako? Kung parehas din ba ako kala Ate at Kuya, magiging ganyan din ba kayo kasaya? Hindi naman diba?" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Padabog na nilapag ni Dad yung spoon and fork kaya napatingin kaming lahat sa kanya. 

"How dare you talk to me like that huh, Jhaime?!" galit niyang sabi. Binitawan ko 'yong spoon na may lamang pagkain at fork.

"I'm done. Excuse me." sabi ko. Tumayo na ako tapos naglakad paalis pero biglang sumigaw si Dad.

"JHAIME!" tumigil ako sa paglalakad pero hindi ako tumitingin sa kanya, "come back here! Hndi pa tayo tapos mag-usap!"

"Ano pa bang gusto niyong malaman mula sa akin ha, Dad!? Narinig nyo naman mula kay Kuya na, oo, IMPOSIBLENG MAGING MAGNA CUM LAUDE AKO!! Bakit may magagawa ba ako kung may isang taong mas matalino sa akin ha, Dad!?" nakaharap na ako sa kanya tumayo si Dad tapos nilapitan ako at itinaas na niya yung kamay niya para sampalin ako, "sige Dad sampalin niyo ako! Dyan naman kayo sasaya diba?! Ang saktan ako? Sige, Dad! Go! Sampal na!" nakatingin lang sa akin si Dad, nakatingin lang din ako sa kanya kita kong nanginginig na 'yong kamay niya.

"Bakit hindi niyo ko masampal ngayon, Dad!? Aba himala! Napigilan niyo! Bakit sawa na ba kayo o nahihiya na kayo kasi makikita nanaman ng maraming tao kung gano kasahol ang ugali mo pagdating sa akin?!" hindi na napigilan ni Dad, sinampal ulit niya ako at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko. Sh*t eto nanaman!

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa akin Jhaime!" sigaw niya. Halatang galit na galit siya sa akin dahil namumula na ang kanyang mukha at nakikita ko na ang mga ugat niya sa leeg. Humarap ako sa kanya. Tulo ng tulo yung mga luha ko. Hindi ako makapagsalita, "buti pa ang mga kapatid mo hindi ako binibigo! Samantalang ikaw?! Lagi mo akong binibigo!" dugtong pa niya.

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon