*Chapter 5: Badtrip*
Jhaime's POV
He really rolled his eyes on me! OhmyGod! I can't believe it! Argh! Badtrip talaga itong lalaking 'to!! Haist!! Kung hindi lang ako nakikitira dito (na hindi ko naman talaga ginusto), binugbog ko na sya e. Badtrip!
"Dito ka maupo, Jhaime." sabi ni Kuya Seiphiel tapos tinap yung upuan sa tabi nya ngumiti lang ako, naglakad na ako papunta doon tapos umupo sa tabi nya. Ang katabi ko sa kanan sila Emerald tapos sa kaliwa si Kuya Seiphiel tapos sa harap ko, tsk, sino pa ba edi si Flame. Hmm, nagtataka talaga ako kung bakit parehas sila ng edad matanong nga.
"Kuya Seiphiel, bakit parehas ng edad sila Fourth at Fifth?" pabulong kong tanong, tumawa sya ng bahagya.
"Hindi mo pa rin ba nahahalata o nage-gets man lang?" pabulong din nyang tanong sa akin na medyo natatawa, umiling ako. Ano ba dapat kong ma-gets?
"Hindi eh. Ano ba yun?"
"Kambal yan sila Fifth at Fourth." bulong nya ulit.
"Ahh.. Kambal pala--" HUWAAAIIT! ANO DAW!? Nanlaki ang mga mata ko at napatingin agad kay Kuya Seiphiel, "WHAT!? KAMBAL?!" sa sobrang gulat ko napasigaw ako at dahil doon, napatingin sila sa akin. O.M.G! Nakakahiya!! Napapikit ako.
"May problema ba, Jhaime? Bakit ka sumigaw? Anong kambal?" tanong ni Kuya Frans. Tumatawa lang si Kuya Seiphiel, tinignan ko sya ng masama at sinipa ng pa-simple yung paa nya sa ilalim ng lamesa, napa-'ow' naman sya, ngumiti ako ng pang-asar sa kanya.
"Sorry. Ahh wala wala. Wala lang yun. Hehe!" nahihiya kong sabi. Tinignan ko si Seiphiel, ayun tawa pa din ng tawa ang damulag, sinipa ko nga ulit.
"Aray!!" sigaw nya.
"Second, Jhaime!" tawag ni Kuya First sa amin. Oops! Umandar na yung pagiging 'Kuya' ni Kuya First. Nakakatakot. Natahimik kaming dalawa ni Kuya Seiphiel.
"Tch. So noisy. Excuse me, I lost my appetite." sabi ni Fourth tapos tumayo at umalis. Problema nun? Maingay lang kami, nawalan na agad ng gana?! Tss. Ang sensitive ah! Badtrip nanaman ako! Bwisit! Nag-pray lang kami saglit at nagsimula ng kumain. Kakain na nga lang ako para mawala yung bad vibes sa katawan ko.
"Ikaw kasi eh. Ang ingay mo." bulong ni Seiphiel, tinignan ko lang sya ng masama tumawa naman ang hinayupak. Seriously?? Baliw na ata talaga ito.
Pagkatapos kong kumain, nag-volunteer ako na ako na lang ang maghuhugas ng plato. Nung una ayaw nila Kuya Frans, kinulit ko at ayun sa huli pinagbigyan nila ako. Habang naghuhugas ako, biglang may nagsalita mula sa likod ko.
"BOO!"
"AY KABAYO!" sa sobrang gulat ko, napatalon ako at nabitawan ko yung platong hinuhugasan ko at nabasag iyon. Oh shoot! Napapikit ako. OHMYGOSH!!
"BWAHAHAHAHAHAHAHAAH!!!" tawa ng tawa si Kuya Seiphiel. Sira ulo talaga tong damulag na 'to! Dahil sa pagkabasag ng pinggan, nagsipuntahan sila Kuya Frans dito sa kusina.
"Anong nangyari dito? Jhaime ayos ka lang ba?" naga-alalang tanong ni Kuya Frans. Tinignan ko sila tapos tumango lang ako.
"Ok lang ako, Kuya Frans." Lumuhod ako para pulutin yung piraso ng nabasag na plato.
"Seiphiel! Ano nanaman bang ginawa mo? Sira ulo ka talaga! Halika nga dito! Doon ka nga sa sala! Puro ka talaga kalokohan!" sigaw ni Kuya Frans. Umalis na tumatawa yung damulag na si Kuya Seiphiel. Pasaway talaga. Tsk! Habang nagpupulot ako nakita ko si Fifth na nasa harapan ko na at tinutulungan akong magpulot.
"Tss. So clumsy." narinig ko na may nagsalita kaya napatingin naman ako agad. Sino pa ba ang magsasabi ng ganyan sa akin? Edi si Flame. Tumalikod sya. Hm, bihis na bihis sya ah. Mukhang aalis sya. Ay ewan wala akong pake sa kanya. Bumalik ang bad vibes sa katawan ko. Oo na ako na. Ako na tanga, ako na careless. Hindi naman kailangang sabihin eh! Bwisit!
"Wag mo na lang syang pansinin." sabi ni Fifth. Napatingin ako sa kanya, ay oo nga pala andito sya.
"Eh?!- Ouch!" daing ko. Shet! Natusok ako ng bubog. Tinignan ko yung dumudugo kong hintuturo, shet mukhang mahaba yung sugat, ang daming dugo. Waa!
Mukha namang nataranta bigla si Fifth at kinuha ang kamay ko, "Ok ka lang? Sh*t!" tanong nya. Kita ko yung concern sa mga mata nya. Waa!
"Oo. Ok lang ako. Maliit na sugat lang naman e." sabi ko tapos ngumiti.
"Tsk! Maliit na sugat? Tignan mo nga ang daming dugo!" nagulat ako nung bigla nyang inilapit yung daliri ko sa bibig nya at sinip-sip nya yung dugo mula doon sa daliri ko na may sugat.
"Ho-hoy! Fifth, a-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong. Hindi sya sumagot, hindi na rin ako nagsalita. Tinitignan ko lang sya. Ang gwapo nya. Ang tangos ng ilong nya, ang ganda ng mata nya, ang haba ng eyelashes nya at kissable lips. Kyah! Ang gwapo. Pero shh! Jhaime, behave!
"Ayan ok na." sabi nya. Bigla akong nakabalik sa katinuan.
"A-ah. Sa-salamat." eh ba't ba ako nauutal?? Tumuko ako at nagpulot ulit. Nararamdaman ko kasi na namumula ako kaya yumuko ako para di nya makita. Nakakahiya! Ang gwapo nya swear! Aish! JHAIME! Behave!! Isipin mo si Johan! Oo tama si Johan. Habang nagi-isip ako, biglang hinawakan ni Fifth yung chin ko tapos iniangat. Nilalapit nya yung mukha nya sa akin. Teka anong gagawin nya? Napalunok ako bigla.
"Te-teka Fifth a-ano-" hindi ko na natapos ung sasabihin ko kasi sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa kaya napapikit ako, ano bang gagawin nya?? Hindi kaya- nagulat ako nung naramdaman kong hinipan nya yung mukha ko. Napadilat agad ako.
"Ayan wala na yung dumi." sabi nya tapos tumayo at lumabas, naiwan ako ditong gulat. What was that?? OhmyGod!
BINABASA MO ANG
Meet the Number's Family *Editing!*
Novela JuvenilThis story is under editing process. I wrote this when I was 14 or 15 years old so forgive my "kajejehang" type of writing and plot. Thank you. READ AT YOUR OWN RISK. lol You have been warned.