Chapter 11: My Comforter.

16.9K 213 25
                                    

*Chapter 11: My Comforter.*

Jhaime's POV

Tumakbo ako nang tumakbo at alam ko lahat ng taong nadadadaanan ko ay nagugulat kasi nakita nilang umiiyak ako at nagbubulungan. Iyong ibang mga babae ay hinarang ako tapos nagtanong kung anong problema pero umiling lang ako dahil hindi ko naman sila kilala tapos ay tumakbo ulit.

Hindi ko alam kung saan ako patungo pero ang alam ko lang ay gusto kong ilabas ulit ang lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko napansin na napadpad pala ako dito sa likod ng campus. Tumakbo ako sa isang puno doon, umupo sa damo at umiyak. Wala e. Ang sakit talaga ng ginawa niya, hindi ko pa rin matanggap. Tahimik lang akong umiiyak sa isang sulok ng puno. Hindi ko pwedeng puntahan at sabihin kala Jam na eto ako, umiiyak. Ayoko lang kasi ayokong pati sila madamay at tsaka alam ko kung ano 'yong gagawin nila kung magkataong malaman nila na sinaktan ako ni Johan at sinabi ko sa kanila na okay lang ako kahit hindi.

Habang umiiyak ako ay biglang sumagi sa isip ko si Flame at hindi ko alam kung bakit. Nagulat ako noong bigla kong naramdaman na parang gusto ko siyang makasama, gusto kong nandito siya. Hindi ko alam pero sa lahat ng taong nagcomfort sa akin ay sa kanya ko lang naramdaman ito, 'yong gusto kong nandito siya. Para bang hinahanap-hanap ko ang presence niya pero wala akong gusto sa kanya a. It's just that, I need someone who can soothe the pain I'm feeling right now.

Kinuha ko 'yong phone ko at naisip kong itext si Flame kaso naalala kong, wala nga pala akong number niya at nahiya ako bigla. Sino ba naman ako para itext siya at papuntahin dito kung sakaling may number niya ako? Natawa na lang ako ng mapait at ibinalik ang phone ko sa bulsa. I'm so pathetic! Naiyak ako lalo. Tinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha ko at sinubukang wag gumawa ng ingay.

Habang umiiyak pa rin ako ay biglang may bumaba mula sa itaas ng puno. Hindi ko tinignan kung sino. Akala ko aalis na 'yong taong 'yon pero nagulat ako noong tumabi siya sa akin at inakbayan ako, "sa tingin ko kailangan mo ng taong dadamay sa sakit na nararamdaman mo." nagulat ako pero nawala rin 'yon at napalitan ng ngiti dahil sa sinabi niya at dahil nandito siya. Sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino.

Sumandal ako sa balikat niya at umiyak, "tama ka. Kailangan ko nga nang isang tao para makadamay ko sa sakit na nararamdaman ko. Mabuti na lang at nandito ka, Fifth." naramdaman kong tumango siya tapos ayun inilabas ko lahat sa kanya. Siya lang naman kasi ang nandito e at hindi ko na kaya pang itago. Masakit na masyado. Wala nang hiya-hiya. Tinatap niya 'yong ulo ko gamit 'yong daliri niya. 

Noong wala na akong mailabas na luha ay inalis ko 'yong ulo ko sa pagkakasanadal sa balikat ni Fifth tapos ay pinunasan 'yong mga luha sa mata ko. Naka-akbay pa rin si Fifth sa akin, "salamat talaga, Fifth." sabi ko habang pinupunasan pa rin 'yong mukha ko pagkatapos ay tumingin ako kay Fifth at ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin at medyo nakangiti. Nagulat ako noong bigla niyang hinawakan 'yong mukha ko at pinunasan iyong mga luha na hindi ko alam na tumulo.

"Alam mo, he doesn't deserve your tears." sabi niya habang pinupunasan iyong mga luha ko. Hindi ako nagsalita. Yumuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko para tumingin ako sa kanya, "wag mong sayangin 'yong mga luha mo sa mga taong walang kwenta at hindi deserving katulad noong ex mo. Hindi ko man alam ang buong kwento pero kahit papaano ay nalaman ko ang panloloko niya sa iyo dahil sa mga naririnig kong usapan ng mga estudyante dito."

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon