Voice # 2 - Bitamina at Lason

6K 106 12
                                    

Nasaktan mo ako, nasaktan kita; iniwanan mo ako, hinintay kita,

Madali mo akong kinalimutan, umasa naman akong babalikan mo ako.

Ikaw ang bitamina ko, binuo mo ako sa mga matatamis mong salita,

Pinaniwala sa mga pambobolang paghanga.

Maganda ako, seksi ako, aangat ako,

Kaya kong makipagsabayan, hindi ako nakakahiya.

Pero ikaw rin pala ang lason ko, ikaw ang dahilan ng aking pagkalugmok.


Ikaw ang bitaminang naging dahilan ng aking pagsisikap,

Ngunit ikaw ang lason na dahilan sa pagharap ko sa buhay kong saklap,

Ikaw ang taong gusto kong takbohan, sumbongan at iyakan,

Pero ikaw pala ang dahilan ng aking pagkalunod sa mapait na katotohanan.


Masakit isipin na ang taong inakala mong nag-aabang sa iyong tagumpay

Ay siya pala ang lihim na nagngangatngat ng iyong pundasyon at lakas.

Pero mahirap magpaalam sayo, sorry dahil hindi ka madaling pakawalan,

Hanggang sa huling patak ng aking mga luha ay umaasa pa rin ako,

Umaasa ako na naiisip mo pa rin ako, na kahit isa sa mga sinabi mo ay totoo.


Alam kong naging lason din ako sa buhay mo,

Alam kong nagsisisi kang nakilala mo ang isang tulad ko,

Alam kong para sayo, ako'y isang pagkakamaling dapat mo nang kalimutan,

Pero pakinggan mo itong sigaw ng puso ko....

Mas gugustohin kong maging isang pagkakamali mo,

Kaysa hindi maging parte ng buhay mo.


_________________

AN: Para sa mga taong nasaktan ko at sinaktan ako

My Voice WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon