Voice # 7 - Tanggapin Mo Ako

1.8K 48 5
                                    

*AnjSmykynyze*



Alam mo bang hindi ako siya?

Hindi ako si Cinderella,

Na hindi umiimik at nagpapaapi.

Hindi rin naman ako si Snow White,

Na mahinahon at maalam sa gawaing bahay.

Lalong hindi ako si Sleeping Beauty,

Na may maamong ngiti at mahumaling na boses.


Dahil ako ang babaeng sinasabi ng mga diwata na iwasan mo,

Ako si Ursula, ang bruhilda ng karagatan,

Sinasamantala ang bawat pagkakataon,

Makuha lang ang inaasam.

Ako si Valentina, ang babaeng ahas ang buhok,

Mabagsik, matapang at hindi nagpapatalo,

Kahit masama ang tingin sa akin ng karamihan.


Ako ang wicked witch ng mga fairytales,

Ako ang maramot na kerida ng mga kwentong romansa,

Ako ang kontrabida sa bawat libro o palabas,

Ako ang karakter na laging pinapatay sa mga isip ng mambabasa.


Hindi ako perpekto

Ngunit tao din ako

Nasasaktan, nag-aasam

Nabubuhay, nagmamahal


Tanggapin mo ako

Mamahalin kita ng buong-buo

Tanggapin mo ako

Dahil ipaglalaban kita.    

______________________________________

A poem written under Semira Ernistine's POV for the story, TEMPTRESS 3: Tainted




My Voice WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon