Voice # 6 - Kakalimutan Kita

2.1K 60 8
                                    

First Published in December 15, 2015

Edited/Revised February 5, 2018


*AnjSmykynyze*

Magsisimula ako sa kung kelan tayo nagtapos,

Sa panahong ako'y naghinagpis at lakas ko'y kapos,

Sa mga oras na ako'y bumabangon at nakikibaka,

Sa mga segundong ako'y sanay na lagi kang kasama.


Sasanayin ko ang hindi ka isipin o silipin ang iyong status,

Pipilitin kong ipagpatuloy ang lahat hanggang matapos,

Kakalimutan ko ang gumising at i-chat ka ng "Good morning,"

O kaya magsend ng random message tulad ng, "happy eating."


Pipigilan ko ang sarili ko na magsend ng, "Good night,"

O ang dalawin ang mga pinagkakatuwaan nating website,

Ipipikit ko ang aking mga mata sa lahat na nagpapaalala sa'yo,

At papalitan lahat para ihanda ang sarili sa mga pagbabago.


Lalayo ako sa gadget para di ako makapagsend ng, "Ingat ka,"

Kakayanin kong hindi matuksong mag-type ng, "Kumusta na?"

Babaguhin ko ang aking playlist at ititiklop ko ang aking libro,

Itatago ko ang iyong alaala, at tatandaan ko ang salitang, "let go."


Ngunit aaminin kong may natuklasan ako sa ginawa kong 'to,

Nalaman kong tulad ng pagtigil ng hininga ang paglimot ko sa'yo,

Mahal, ang hirap pala, nakakatanga at sobrang nakakabobo,

Hindi ko magawa dahil ang kalimutan ka ay ikamamatay ko.


________

AN: Para sa taong hindi ko pwedeng i-text o i-chat. Sana okay ka lang. Sana maging maayos ka.



My Voice WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon