Chapter IV

28 3 0
                                    

CHAPTER IV

Makiko's POV

By the time the lunch bell rang, nagising nalang ako bigla and realized that i fell asleep during Physics class. 

"Makiko" chaos calls me, standing at the door signalling me to go up to the rooftop.

I went out and followed him to the rooftop. Nang makarating kami sa rooftop, he opened the door and said, "Simula ngayon dito na tayo sa rooftop mag-la-lunch." 

Umupo sya sa semento at tinapik ito ng dalawang beses, habang nakatingin sakin. "Umupo ka dito."

Matagal na rin akong nag-la-lunch parati kasama si Chaos simula nung nangyari yung sa kanila ni Thea. Ilang buwan na rin akong ginaganahang pumasok sa school dahil sa kanya. Siya ang motivation ko. Gusto ko talaga siyang tulungang maka-move on kay Thea at makalimutan niya ang mga bad memories.

Umupo naman ako sa tabi niya, kung saan niya ako pinapaupo. Tapos, naglabas siya ng dalawang lunch box at ibinigay sakin yung isa, "Mas masarap yung niluto ko para sayo ngayon." 

Kinuha ko naman yung lunchbox at tinignan yung mga laman. "Talaga? edi dali na, kumain na tayo, excited na ako eh!" Ngumiti ako sa kanya.

"Excited ka saan?" pagtataka niya.

"Excited kumain!" mabilis kong sagot.

Then we laughed.

Habang kumakain kami, nagkukwento siya tungkol kay Thea. But, he looks so much better now. He talks about her with more strength in him than before. Maybe his heart is starting to heal. 

"Nakikinig ka ba?" he suddenly asks.

"Uh, ah, yeah. Of course, i'm listening to you." 

"Patunayan mo nga, anong huli kong sinabi?"

"Uh...uh...uhm..." 

"See," he points at me, "hindi ka naman pala nakikinig, sorry ha. Ang boring kasi ng mga sinasabi ko." 

Umiling ako, "Its not like that, chaos. I'm sorry i wasn't able to fully pay attention into listening to you. May iniisip lang kasi ako." 

"Ano bang iniisip mo?" 

"Wala, wala, hindi naman mahalaga yun." I smile.

"It is. Its important enough that you weren't able to listen to what i was saying." His expression was serious now.

"I was thinking how you seem to be brighter these days." I smile and look at him. "So, i thought that maybe...just maybe your heart is starting to heal." 

"Dahil sayo," he smiles, "Dahil sayo kaya ako masaya." 

The moment he said that, i felt the warmth of the sun land on my cheeks. 

Then the bell rang, telling us lunch break's over. 

"Ah! Yung bell yun, time na!" Then i stood up and walked towards the exit.

Niligpit nya na yung lunchboxes and then he followed me.

Pagkabalik namin sa classroom, uupo na dapat kami sa upuan namin, pero ako lang ang nakaupo. Bigla kasing lumapit yung mga kaklase namin sa kanya. Naririnig ko naman ang iba nilang sinasabi at ang malalakas na bulungan ng iba pa naming kaklase. 

"Ayun si Makiko oh" narinig kong binanggit ang pangalan ko. Napatingin ako sa direksyun nila at bigla naman nila akong i-ni-snob. "Akala mo tahimik...yun pala malandi" bulong pa ng isa. "Onga at mangaagaw pa ng may boyfriend ng may boyfriend" pagsasang-ayon nung isa. "Grabe, hindi na siya nahiya." Comment ng grupo nila sa akin. 

Maya maya umupo na siya sa likod ko, tapos humarap ako sa kanya at tinanong siya kung ano yung hiningi o sinabi sa kanya nung mga kaklase namin. Pero hindi siya sumasagot. Patuloy pa rin ang pagbubulungan nila, kaya nagdesisyon na akong mag-walk out nalang. Sayang lang sa oras ko ang pagtunganga dun sa classroom habang nakikinig sa mga walang kwenta nilang mga paratang. Lumabas ako ng classroom at mabilis na naglakad papuntang auditorium. 

Pumasok ako ng auditorium at ni-lock ang pinto. At doon muna ako nanatili, nakaupo yakap yakap ang mga tuhod ko at nakayuko sa may pinakadulo, kung saan malayo sa matatanaw ng kahit sinong sisilip sa may glass window sa may pinto. Maya maya, narinig ko ang mga katok sa pinto. Sa mga katok palang, ramdam ko ng si Chaos yun. Hindi ko alam kung paano, pero, nararamdaman ko lang. Hindi ako sumasagot at hindi ko din binubuksan yung pinto, pero, nagulat ako ng bigla itong bumukas. Napatingala ako at tumingin sa may pinto. Nakita ko siyang pumasok at i-lock ang pinto. 

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil iniisip kong umiiyak ka" casual niyang sagot, habang naglalakad papalapit sakin.

"H-hindi ako iiyak." Mariin kong sabi, kahit na nararamdaman ko na ngang paluha na ako.

Umupo siya sa lapag, sa tabi ko at sinabing, "Wag mo ng isipin yun, puro chismis lang naman yun na ikinakalat ni Thea. Nagpapaawa lang siya, para hindi lumabas ang mga pinaggagawa niya sakin."

"What!? But, thats not true! Napakababaw naman niya." 

"Kaya nga wag mo nang patulan. Wag kanang magpaapekto pa." Pagsasawalang bahala niya sa mga ikinakalat ni Thea na kasinungalingan. 

"Hindi naman ako nagpapaapekto eh..." pagtatanggi ko sa nararamdaman ko.

"Kung ganun, wag kanang umiyak diyan, at ngumiti kana." Sabi niya, habang nakatingin sakin at inaabot ang panyo niya.

"Hi-hindi naman ako umiiyak eh!"

"Eh ano yan" and he touched my cheek.

Bigla kong hinawakan ang pisngi ko at naramdaman kong may luha pala sa cheeks ko. Kinuha ko ang panyo niya at pinunasan agad ang luha ko. "Hindi yun luha, pawis yun. Mainit kasi." Pagdadahilan ko.

My Rainy DaysWhere stories live. Discover now